CHAPTER 13

255 34 11
                                    



" Congrats to us guys!!"Masayang wika ni ricky. Kakatapos lang naming makita ang results sa USTET exam at sa awa ng diyos ay lahat kami nakapasa. Lumipas ang mga araw, linggo at mga buwan at noong nakaraang buwan ay grumaduate na kami sa Senior high school. Katulad noong grade 10 ako ay hindi nakauwi si mama ng pinas kaya si kuya samuel na lang ang umattend sa graduation ko.

"At dahil lahat tayo ay nakapasa ay manlilibre ako." Masayang saad naman ni devi.

" Grabeng friendship goal yarn lahat engineer " Natatawa ngunit masayang wika ni Ricky.

" Relationship goal din pre." Dagdag naman ni kian sa sinabi ni ricky.

Lahat kami ay engineering course ang kinuha. Buo na ang loob ko na sundan ang yapak ni papa. Si Devi nadapat ay Tourism na ang kukunin ay nagbago na naman ang gusto. Si Ricky ay matagal niya ng pangarap maging engineer katulad ni tito at ni papa samantalang si kian ay kung saan daw ako ay doon din siya.

" Worth it 'yong halos ilang buwan nating pagrereview." Masayang saad ko na hindi parin makapaniwala na lahat kami ay nakapasa.

" Ay nagreview ba kayo? Hindi ako nagreview eh." Mayabang na sabi ni Ricky dahilan para lahat kami ay samaan siya ng tingin.

" Ah talaga ba? Kaya pala sinabi ni auntie na linggo linggo ka nasa review center.. huwag kami sis" Tawang tawang saad ni Devi dahilan para matawa din kami.

" L-love?" Mahinang bulong sa akin ni Kian.

" Uh, mauna na kami ni Kian.." Bigla kong sambit kaya natigilan ang dalawa.

"Luh? Saan kayo pupunta? Akala ko ba magm-mall tayo.."

" Pupuntahan ko si papa.." sagot ko dito. Mukhang naintindihan naman nila kaya sinabihan na lang nila kaming mag ingat at tumango.

" Cemetery..una na kami ingat kayo pauwi." Saad ni Kian bago kami umalis.

Magdidilim na kaya naman nauna na kami sa kanila. Ang huling bisita ko sa puntod ni papa ay noong graduation ko pa pero ngayon ay mahalagang mahalaga sa akin na sabihin muna sa kaniya bago kila mama na nakapasa ako sa unibersidad kung saan din siya nagtapos ng engineering course.

Bumili muna kami ng kandila at bulaklak sa labas malapit sa cemetery bago kami pumasok sa loob.

"Papa.." Mahinang wika ko pagkaupo ko sa gilid ng lapida niya. Nilinis ni kian ang mga alikabok pagkatapos ay sinindihan niya ang kandila.

" Hello po tito.." Mahinang sambit ni Kian pagkaupo sa tabi ko.

" Papa kumusta ka po? Sorry ngayon na naman lang po ulit ako nakadalaw. Nabusy po kami noong mga nakaraang linggo pero worth it po pa kasi nakapasa kami..." Panimula ko at pinasindihan ulit kay kian ang kandila.

" Nakapasa po ako pa...mag-aaral po ako ng college sa university kung saan ka po grumaduate pa." Dagdag ko dito habang pinipigilang tumulo ang luha ko pero nabigo ako. Agad naman akong binigyan ng panyo ni Kian.

" Katulad po ng sinabi ko noong nabubuhay ka pa lang pa...gusto ko din pong tahakin ang kursong kinuha mo. Pa gusto ko pong maging engineer katulad mo."

****

Unang araw namin ngayon sa UST kaya maaga akong gumising. Aabutin na ng isang oras ang byahe papunta doon hindi tulad noong high school kami na ilang minuto lang ay nasa school na kami.

Sabay kami ni kian pumuntang  UST pero magkaiba ang room ko sa kaniya. Nasa iisang department lang kami ng engineering pero sa ibang section sila.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now