CHAPTER 33 [ Kian's POV]

237 34 5
                                    


" Ma, doon po ulit ako matutulog kila sabrina.." sabi ko kay mama. Ilang araw na simula ng umalis ng bansa si tita salve, nanay ni sabrina.

Noong mamatay si tito Ivan ay nabaon sa utang ang pamilya ni sabrina kaya naman napagdesisyunan ni tita salve na magtrabaho sa ibang bansa. Sila na lang ang natira ni kuya samuel sa bahay nila kaya naman simula noong umalis si tita salve ay nangako akong palagi ko na siyang sasamahan.


" Gabi gabi ka na lang umiiyak sab, stop na." Pagpapatahan ko dito.

" Iiwan mo din ako kian, Iiwan mo din ako." Umiiyak na sabi nito sa akin.

" Hindi naman ako si tito ivan, sab. Ayaw din ni mama na magtrabaho ako sa ibang bansa paglaki ko kaya hindi kita iiwan." Sabi ko dito.

" Promise?"

" Promise!" Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Simula pagkabata at unang taon ko sa mundo ay kasama ko na si sab. Magkaibigan ang mga magulang ko at ang magulang niya kaya simula noong mamatay si tito ivan at umalis ng bansa si tita Salve ay ang pamilya ko na ang nagtayong bago nitong pamilya.


" Kian halika dito!" Tawag ni sab sa akin na agad ko namang nilapitan. Unang taon namin ngayon sa high school.

" Ipakilala kita sa mga pinsan ko, dali!" Masaya nitong hinila ang braso ko papalapit sa tatlong studyante.

" Kian, this is divine, Jodie, and ricky." Pagtuturo niya sa dalawang babae at isang lalaki.

" Hi! I'm divine, pero devi na lang for short." Saad ng isang babae na naka braids ang buhok.

" Ricky jordan pero rick na lang kung gusto mo," saad naman ng lalaki.

" Hi, kian! Jodie nga pala," sabi naman ng isa pang babae na mukha mas matanda sa amin. " Pinsan ni sabrina," Dagdag pa nito.

" Lahat sila pinsan ko kian," singit ni sabrina." Simula ngayon, kaibigan mo na din sila ah." Dagdag pa niya.

Siya ang rason bakit natuto akong makipagsalamuha sa ibang tao. Simula kinder hanggang sa magtapos kami ng elemetarya ay siya lang ang kaibigan ko. Natatakot akong kapag nagkaroon ako ng bagong kaibigan ay iwanan ko siya palagi kong iniisip ang mararamdam niya kaya hindi ako nakikipagkaibigan sa iba. Dahil sa kaniya kaya naging kaibigan ko sila Ricky, Devi at jodie.

" Ayos lang iyon sab, gusto mo bilhan na lang kita?" Sabi ko dito habang pinapatahan siya. Nawawala ang necklace na bigay pa sa kaniya ni tito Ivan noong nabubuhay pa ito. Gusto ko lang naman pagaanin ang loob niya pero mukhang mas lalo ko pa siyang nasaktan sa sinabi ko.

" Bilhan? Bigay iyon sa akin ni papa, kian at hindi iyon basta basta na lang mabibili kung saan saan.." Umiiyak na sagot nito sa akin.
" Pabilhasa kasi mayaman ka," Dagdag pa nito.

Simula noong araw na iyon ay iniwasan ko ng gumawa o magsalita na ikakasakit ng dibdib niya at ikakasama ng loob niya. Sa tuwing may gusto akong ikwento sa kaniya tungkol sa trip namin o kaya naman ay vacation sa ibang lugar kasama ang family ko ay hindi ko na lang kinukwento sa kaniya. Mas nag-eenjoy din kami kapag pinag-uusapan namin ang pag-aaral at pangarap kumpara sa mga masasayang naeexperience ko dahil sa pamilya ko ngunit hindi niya maexperience ang mga iyon kaya nanatili na lang akong tahimik pagdating sa ganoong mga bagay.

" Sabrina saglit!" Tawag ko sa kaniya pagkalabas ko ng bahay. Aalis daw siya at pupunta kila ricky pero hindi man lang ako isasama. " Sama ako!" Sabi ko pa sa kaniya habang tumatakbo papalapit sa kaniya.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now