CHAPTER 9

262 31 8
                                    


" Kian si Chloe nasa labas hinahanap ka." Nagkatinginan kaming saglit bago siya tumayo at lumabas ng classroom.

"Landi mo kian.." Pahabol ni devi dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

" Huh?" Takang tanong ko habang nakakunot ang noo.

" Joke lang 'to naman.." - devi

Maya maya pa ay pumasok na si kian ng classroom at bumalik sa upuan niya pero tila hindi maipinta ang mukha nito

" Oh bat ganiyan mukha mo?" Takang tanong ni Devi

" Bat ka hinahanap ni Chloe?" Tanong ko naman pagkaupo niya sa katabi ng upuan ko.

" She invited me on her 17th birthday on sunday.." mahinang wika nito

" Naks. Ang random mo mag english Kian HAHHAHA" Tawang tawang saad ni Devi.

Anong nakakatawa?

" Pupunta ka?" Tanong ko dito. Agad naman ako nitong nilingon at tinanguan.

So pupunta nga siya?

"Kami na kagroup niya hindi ininvite tapos ikaw oo? Close ba kayo—" hindi ko na pinatapos magsalita si devi ng agad ko ng takpan ang bibig nito

Daming sinasabi

"Oo na Devi. Close na sila huwag kana maingay.." saad ko pagkatapos tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.

"Hindi kami close... " mahinang sambit ni kian pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Pagkatapos ng unang subject ay sumunod naman si Ma'am Abella.

" For today's activity, find your partner." Malakas na wika ng teacher namin

" Sab tayo nalang—"

" Devi tayo partner." Hindi ko na pinatapos ng sasabihin si Kian ng agad ko ng hilain ang kamay ni Devi.

" Sorry Kian. Talo ka ngayon," Natatawang sambit nito kay kian.

" Kayo na lang ni Ricky partner, " Dagdag pa ito.

Paglingon ko sa pwesto nila ay nagtama ang mga mata namin. Malamig ako nitong tiningnan.

Pagkatapos ng klase ay uwian na. Naunang umuwi si ricky samantalang si devi ay kanina pang lunch umuwi dahil sumasakit puson nito. Naiwan na lang kaming dalawa ni kian pero hindi ito sapat para pansinin ko siya.

Kinuha ko na ang bag ko lumabas na ng classroom. Ramdam kong nakasunod ito sa likuran ko.

" Sab..." tawag nito sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

" Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Sambit nito at hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.

"Galit ka ba dahil sinabi kong pupunta ako sa birthday ni Chloe?" Malungkot na saad nito na ngayon ay kaharap ko na. Umiwas ako ng tingin.

" Gusto mo hindi na ako pumunta? Sige hindi na lang ako pupunta.." Dagdag pa nito dahilan para mapakunot ang noo ko.

" Kapag sinabi kong huwag kang pumunta 'hindi ka talaga pupunta? Bakit kian...bakit mo susundin ang gusto ko? Eh magkaibigan lang naman tayo.." sunod sunod na sambit ko habang pinipigilang maiyak pero nabigo ako.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now