CHAPTER 16

243 35 13
                                    



" Congratulations Sabrina!" Bati sa akin ng isa sa mga boss ng Star magic. Kakatapos lang ng Contract signing at isa na akong ganap na artist ng abs cbn. Ngayon ay nasa backstage na ako hinihintay ang manager ko na si miss glenda. Pagkatapos ng contract signing ay may meeting daw ako kasama ang isa sa mga director ng star magic kaya naman wala akong ibang ginagawa ngayon kung hindi ay ang hintayin ang magsusundo sa amin.

Pumunta muna akong restroom para buksan ang cellphone ko at agad na tinext si kian.

To myloveofmylife:
- Kakatapos lang ng contract signing love. May meeting kami kasama ang isang director ng star magic pero hindi ko pa alam kung tungkol saan ang pag-uusapan. I'll update you na lang after ng meeting. Ingat ka diyan. I love you!

Pagkatapos ko isend ang message ko sa kaniya ay nilagay ko muna sa sink ng restroom ang phone ko at nagsimulang ayusin ang sarili ko sa harapan ng salamin. I re-applied a foundation ng biglang tumunog ang phone ko.

Nagreply na siya.

From Myloveofmylife:
- Congrats love! May practice din kami sa gym mamayang 1pm. Take care. I love you!

Pagkatapos kong magreply ay lumabas na ako ng restroom. Saktong paglabas ko ay kakadating pa lang ni miss glenda kasama si mia at isa pang satingin ko ay ang director na sinasabi niya. Kasama ko si Miss glenda at mia kanina pero pagkatapos ng contract signing ay umalis muna sila saglit.

" Congratulations Sabrina! " salubong na bati sa akin ni miss glenda at pagkatapos ay binigyan ako ng flower bouquet.

" Thank you miss glenda."

****

" You will be having your first ever movie sabrina.. this is your break." Saad ni miss glenda. Pagkatapos ng meeting ay kinausap ko siya dahil hindi pa rin na p-proseso ng utak ko ang mga nangyare kanina.

' You and Tristan will be our newest loveteam'

" Pero wala pa sa usapan ang pagkakaroon ng loveteam miss glenda..."

Wala sa usapan at wala din akong planong pumasok sa love team.

At ayokong masaktan si kian...

" You are only a newbie sabrina...mas mabilis kang aangat ng kasama si Tristan..he's a child star actor and until now he just keep on shining..." wika nito pero hindi ko alam anong sunod na sasabihin ko.

" with him, you will be on top right away.."

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Naka pirma na ako ng 3 years contract at kasama pala doon ang possibleng pagpair sa akin sa isang artist katulad ko kaya wala na akong magagawa.

Nang sumunod na mga araw ay pumasok na akong school. Private lang ang naganap na contract signing kaya sigurado akong hindi pa alam nila kaycee at camille ang tungkol dito. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanila kaya pati ako ay masasaktan rin kapag naglihim ako sa kanila pero wala pa akong balak sabihin sa kanila at alam kong maiintindihan naman nila 'yon.

"Isha!" Tawag sa pangalan ko ni Camille pagkapasok ko ng classroom.

" Halaa kaa red hair si ate ko!" Gulat na saad ni kaycee pagkalapit ko sa kanila. Malapit ng magsimula ang filming ng una kong project sa star magic kaya kinulayan ang buhok ko. Kahit hindi ko pa nababasa ang script ko ay agad na nilang pinakulayan ang buhok ko. Mabuti ay hindi nila ginalaw ang buhok ko.

" Namiss ko kayo." Wika ko pagkaupo ko ng upuan. Agad naman nila akong niyakap ng sabay dahilan para matawa ako.

Eto talagang 'to

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now