Chapter Two
Exactly 7 pm when Eloisa's debut started. Ang daming dumadalo. Tingin ko nga ay may darating pa. The whole mansion was crowded.
Pinilit pa ako ni Eloisa na dumalo. Ang sabi ko naman ay nando'n ako ngunit hindi bilang bisita. I'll be there to assist the kitchen. Kahit pa sinabi niyang may mga tumutulong ay hindi ko naman pwedeng iwan sila Nana para lang umupo ro'n. Mas gugustuhin ko pang tumulong kaysa maging bisita na walang kilala sa party niya.
Nang matapos ako sa pagtulong sa kusina ay pumunta ako sa pool side. Halos mga bata lang ang nandito ngayon. Siguro mga anak ng mga dumalo. May mga bantay naman kaya paniguradong walang malulunod sa pool.
Nilagay ko sa long table ang mga pastries. Babalik pa ako sa kusina para kunin ang iba. Inayos ko muna ang mga kailangang ayusin para hindi magulo tignan. Bago pa ako makabalik sa loob ay may kumalabit sa akin.
I looked down and saw a cute little girl. Tingin ko'y nasa six to seven years old ito.
"Hi!" She waved.
"Hi, cutie! Do you need something?" I asked. Lumuhod ako para pantayan siya.
"I want those," turo niya sa cookies na nasa lamesa.
I tapped her head and picked two of them.
"Mommy won't let me, though. I'm fine po," ngumuso ito at tinignan ang hawak kong cookies.
"What's your name—" hindi ko pa man natatapos ang tanong ko ay may lalaki nang hinablot ang hawak ko sa bata.
"Pia! Your Mom was looking for you!" Kunot-noong aniya sa bata. Ang nguso ni Pia ay mas tumalim dahil sa sinabi ng lalaki.
"But I want cookies!" Kinarga siya ng lalaki. Tumayo naman ako at binalik ang cookies na hawak. Mukhang tumakas ang bata mula sa magulang.
"It's bad for your teeth! That's sweet, princess."
"But not too sweet for kids." Hindi ko na napigilang sumabat. Kawawa naman ang bata. Mukhang gusto talaga ang mga 'yon. "Ginawa talaga ang mga ito para sa mga bata kaya sinigurado namin na hindi ito masiyadong matamis."
Tinignan lang ako nito at bumaling ulit sa bata. "I told you to not to talk to strangers."
"She's beautiful! She's not just a stranger!"
"She is. But still a stranger, Pia."
"Huwag niyo na po pangaralan ang anak niyo. Bigyan niyo na ng cookies, kawawa naman. Mukhang paburito pa naman niya," ani ko. Nginitian ko ang bata bago sila iwan.
Pagkabalik ko sa kusina ay kinuha ko naman ang nga cupcakes. Tulad ng mga cookies, hindi rin ito sobrang tamis. Ayaw talaga ni Madam Eliana sa matatamis kaya sinabihan kaming huwag masiyado. Lalo na't mga bata ang kakain ng mga 'yon.
It was 10pm when we cool down. Naupo ako malapit sa buffet, natatakam sa mga nakahanda. Kasama ko si Ate Marie rito sa gilid, pinapanood ang sayawan sa gitna.
Nang tignan ko ang stage kung saan si Eloisa ay wala siya ro'n. Siguro ay nagpapalit ng gown. Iginala ko ang tingin mula sa nagsasayawan hanggang sa napunta sa batang malapit sa kung saan kami nakaupo. Kumaway ito nang magtama ang tingin namin. May hawak na siyang cookies. Mukhang hindi rin nakatiis ang ama niya.
"Kilala mo?" Tanong ng katabi ko.
"Hindi. Pero isa siya sa mga batang nasa poolside kanina," sagot ko. Magtatanong sana ulit siya ngunit natigil ito nang may tumawag sa pangalan ko.
"Hanie! Tawag ka raw ni Señorita sa kwarto niya! Asap daw!" Sabi ni Ate Kris.
"Sige po, Ate." Tumayo na ako at iniwan sila ro'n. Rinig ko pa ang tanong niya na, "Marie, ano 'yung asap?"

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24