Chapter Four
Kuya Earl:
bunso, binilhan kita ng bag. huwag ka nang magabalang gumastos.Harleigh:
Kuya, sinabi ko nang ako na ang bibili ng mga gamit ko sa eskwela. Sana hindi ka na nagabala pa. Pero thank you!🥹Kuya Earl:
walang anuman. text mo ako kapag malapit ka na, ah. magingat.Harleigh:
Sige, Kuya. See you!Ngayon ang uwi ko sa amin. Sa kabilang bayan pa. Hindi kasinglaki ng San Lorenzo ang bayan ng Natividad pero sagana ito sa mga gulay at prutas. 'Yon ang pangunahing hanap-buhay sa amin. Maraming bayan ang dumadayo pa mula malayo makaangkat lang ng sariwang gulay at prutas.
Dalawang bayan ang distansya mula San Lorenzo hanggang Natividad. It would take me almost an hour to get there.
After texting my brother that I was getting near to Natividad, I checked my bag. Nakita ko pa ang pabaon ni Nana sa'king sandwich at juice kanina. Napangiti ako.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Eloisa dahil tulog pa ito. Isa sa pinaka-ayaw niya ay ang ginigising. Pero nagtext naman ako sa kaniya.
Pagkababa ko ay hinanap ng mga mata ko ang motor ni Kuya. Kumaway ako nang makita siya.
"Kuya!" I went near him. He hugged me and carried my two bags.
"Kumakain ka ba ro'n? You looked thin, Hanie." He sounded concern.
"Kumakain naman, Kuya. Hindi ka lang siguro sanay makakita ng sexy. Magnobya ka na kaya?" Tukso ko para hindi pagalitan.
"Huwag mong ibahin ang usapan, bunso." Ngumuso ako.
"Kumakain naman talaga ako, Kuya. Ang dami ngang ulam do'n, e."
Hindi siya sumagot at sinuotan ako ng helmet. My brother became like my father after he died four years ago. Two years ago, he stopped his studies to help our mother. But last month, Mama pushed my brother to continue. Sayang kasi dahil isang taon na lang. Kuya was studying at UG. He was a student-teacher. Hindi ko lang alam kung ano ang part-time niya ngayon sa loob ng eskwela.
"Kailan ka mage-enroll, Kuya?" Tanong ko nang makarating sa bahay.
"Bukas ang unang araw para sa aming architecture. Aagahan ko para mauna sa slot ng student-teacher. Balita ko ay marami raw ang full scholars."
"Nakapasok ako last week ro'n sa UG. Kasama ko ang kaibigan ko. Si Eloisa? 'Yung kasama ko sa picture na sinend ko, Kuya." Tumango siya.
"Maganda, 'no?" nalito ako sa sinabi niya.
"Alin, Kuya? Si Eloisa?" Humarap ito sa akin.
"Ang eskwela ang tinutukoy ko, Hanie." Natawa ako. Akala ko si Eloisa. Maganda naman talaga 'yon.
"Ah. Oo, malalaki ang building. Ang ganda ng pagkakagawa. Parang pang ibang bansa," mangha paring sabi ko.
"Nakahanap ka na ba ng dorm mo?" Umiling ako sa tanong niya.
Madam Eliana offered their mansion for free. Okay lang naman daw na doon ako basta tumulong nalang paminsan-minsan kung ayaw kong libre. But I refused. Ayoko namang sulitin ang kabaitan nila. They offered me a scholarship and that's enough for me. Maghahanap na lang ako ng mumurahing dorm malapit sa USL.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24