16

1.1K 13 0
                                    

Chapter Sixteen

Wala akong ginawa kung hindi magkulong sa dorm kasama ang maingay na Jenna. Nagpaint lang ako ng ilang araw. Tinutuloy ang mga naiwan ko rito noon. I tried to sketch Luke, pero hindi ko matapos sa bandang mata niya.

Napasimangot ako. Pakiramdam ko kasi kapag tinuloy ko 'yon ay papangit. So I left it like that.

"Pero alam niyo ba, medyo masakit din talaga 'yun!" Gera said.

Nagvideo call kami. Wala si Jacob sa call kasi naglalaro raw ng mobile game.

"We can't dictate our heart, Gera. That's Missy's feelings," si Adelia naman.

I learned that Missy rejected Jacob. Naiintidihan daw ni Jacob. He even said that it's better if they stayed friends. Kaya raw naiintidihan niya. Ang sabi pa raw nito ay he just tried his luck. Ayaw daw niyang ilihim na may gusto siya sa babae kaya umamin. Pero okay naman na daw sila, an information from Sofia. Hindi naman daw naging awkward.

"Oo na, 'te! Pero gusto ko lang malaman, Missy, may someone else ba kaya...?" Sofia asked.

That's my question, too.

Missy nodded.

Napasinghap ang tatlo. Pati nga si Adelia ng roommate niya ay mukhang nagulat din.

"Medyo... hindi kasi..." she sighed. Hindi niya matuloy ang sasabihin.

"It's okay if you're not ready, Missy. We understand." I smiled at her.

"Pasensiya na talaga," she said apologetically.

"No, that's your privacy! You don't have to feel bad," dagdag ko.

I saw Gera pouted. Gusto talaga nitong malaman kung sino.

"E, kumusta naman ang lovelife ng Hanie naming 'yan?" Adelia shifted the topic to me.

"Okay naman," I answered in finality so they grunted.

After the call, I messaged Luke on IG. He probably be back before a week. May klase na kami no'n.

"Wala akong masabi sa unang araw. Mabuti nalang at hindi ako nagco-commute talaga!" Reklamo ni Sofia namg palabas kami ng university.

Ni isa kasi sa mga prof namin ay walang nagpakita. Siguro dahil unang araw.

"Babalik na ako ng dorm, masakit ang puson ko, e," paalam ko sa kanila.

Kanina pa ako wala sa mood. Mabuti naman at walang prof, magpapahinga nalang ako.

Binigyan ako ni Tita Marga ng maiinom at hot compress bago pumasok sa kwarto. She even gave me soup. I really appreciate her. Parang nanay ko narin siya rito.

Luke's video called me through Instagram. Sinabi kong walang prof kaya nasa dorm. He was so worried when I said that today was the first day of my menstruation.

"Do you have a hot compress with you? You can go to the casa, I'll tell Mom to take care of you."

"I'll be alright, Luke. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang sumakit ng gan'to. Hindi usually gan'to kasakit, e," napanguso ako. "But I'll be fine, don't worry. Nandito naman si Tita Marga. Katatapos ko lang uminom ng gamot at..." Pinakita ko ang hot compress.

Natapos ang tawag na puro siya pagaalala. He said he was sorry that he couldn't take care of me. Natawa nalang ako.

Throughout the week without Luke, it felt really gloomy for me. Natapos ko na nga 'yung sketch ko sa kaniya. It turned out so well. Pinakita ko pa 'yon kay Jenna kung kamukha ba ni Luke. Oo naman daw.

Almost Everything Where stories live. Discover now