Chapter Twelve
Sa sobrang bilis ng araw, namalayan ko nalang ang sariling suot na naman ang departmental uniform namin. Nakakainis dahil unang araw palang, may activities na kami. Panay reklamo kaming lahat pero ginawa parin naman namin.
Nagkita pa kami ng Jenna sa cafeteria kanina at sumenyas ito na parang ginigilitan ang leeg. Natawa ako dahil alam ko kung bakit.
"Grabe! Pamajor ang lola mo!" reklamo ni Sofia. Sinundan naman ng iba ko pang kaibigan.
"Mukhang si Hanie lang ang walang reklamo. Mahiya naman kayo, ang iingay niyo," sabi ni Adelia nang mapansin ang pananahimik ko.
"Ang totoo niyan, naiinis din ako. Pero chill lang para hindi halatang walang naisagot sa surprise quiz kahit wala pa namang nadi-discuss." sabi ko. Agad silang natawa.
"First time kong marinig 'yan sa beshy naming witty! Grabe naman!" Tumatawang sabi ni Gera.
"Marami rin akong reklamo, 'no. Hindi niyo lang talaga naririnig. Sa utak ko lang." Sagot ko.
"S'yempre, 'te, kasi ginagawa mo imbes na masayang ang oras kasasalita. E, pa'no naman kami? Reklamo muna bago gawin!" Si Missy.
"Wrongness! Mas marami pa ang reklamo kaysa nagawa!" Nagtawanin kami sa sinabi ni Gera.
"Mabuti nalang hindi niyo nai-impluwensiyahan itong si Hanie," sabi ni Jacob.
"Aba'y paano mo ma-influence 'yan, e, matalino! Bobo tayo rito! Siya lang ang matalino sa pamilyang 'to!" napailing nalang ako sa kalokohan nila.
"Oo nga pala. Wala ba kayong balak sumali sa mga clubs? Feeling ko next year, sasali ako. Pagiisipan ko pa kung saan."
"Ako rin. Kapag nakapasa ako sa TAT, papasok ako sa club or student government." Sagot ni Adelia kay Sofia.
I was actually planning to join theater club. Rinig kong may recital every month. Iilan daw ang ballerina kaya naghahanap pa sila. Pinilit pa ako ng mga kaibigan ko pero hindi naman p'wede dahil nga tinuturuan ko si Pia. Kahit pa hindi araw-araw ang practice, mahirap pagsabayin ang tatlo. Pagaaral, club, at part-time.
Hanggang 4 pm ang klase ko kaya isang oras nalang ang practice ni Pia, everyday naman kaya okay din. At tsaka kaunting practice nalang 'yon, map-perfect niya na.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan nang makita ang kotse ni Luke. Agaw pansin talaga dahil mamahalin kaya sinabi kong huwag siyang lumabas kapag susunduin ako dahil baka pagchismisan.
I introduced him yesterday to my family. Personal na pinakilala ko bilang manliligaw kay Kuya. Magkakasama kaming apat nila Eloisa sa condo niya. Nagluto kami at hinayaan sila Kuya at Luke ro'n. Kung ano ang pinagusapan nila ay hindi ko alam dahil ayaw sabihin ni Luke. Nang nasa Casa kami, tinawagan ko naman si Mama. Nagfacetime kami at pinakilala si Luke. Ang dami pang paalala ni Mama, lalo na kay Luke. Magalang namang tumugon ang huli.
Nang makapasok sa kotse niya ay bumungad sa'kin ang magandang ngiti niya. Tinanong niya ang araw ko kaya nilahad ko. Panay reklamo ako. Ito ang unang beses na inilabas ko ang inis sa mga profs namin na kapag magdemand, akala mo 'yon lang ang subject namin. Sinabi ko ring ia-announce bukas kung kailan ang TAT. I was nervous for that. Rinig ko sa mga sophomores na kaunting oras lang daw ang binibigay every topic.
***
"Ano ang ibibigay mo kay Pia?" Tanong ko sa lalaki nang sunduin ako.
Today is January 27. It's Pia's 8th birthday!
"I gave her the set of ballet dress. Ako ang unang nagbigay ng regalo pagkagising niya. We surprised her." Ngiti niya.
That's so sweet of them. Naiimagine kong nakanguso ang bata at naiiyak dahil sa pakulo ng pamilya niya.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24