Chapter Twenty-seven
Halos mapatalon ang anak ko nang may magdoor bell sa unit namin.
"Papa!"
"Did you miss me this much?" Tumatawag sabi ng lalaki.
Nang lapitan ko sila ay nakauniform pa siya kaya napasimangot ako.
"Sana nagbihis ka muna bago pumunta rito."
He looked at me and smiled. Wala akong nagawa nang lumapit ito sa akin at humalik sa noo ko.
"Good evening, too, sweetie."
Sasagot na sana ako nang makita ang anak kong tumitingin sa bag ni Luke.
"Lucas," I authorotily said.
Agad naman siyang napatayo at tinignan ang Papa niya, humihinga mg tulong.
"Later, big boy. The boss will be mad," binuhat ng lalaki ang anak.
Inayos namin ni Luke ang hapag. Kinakausap nito ang anak niya. Narinig ko pang tinanong kung may pasalubong ito, naninigurong merong tsokolate sa bag ng ama.
Luke settled with his white shirt, yung slacks parin ang pangibaba.
Sa unit ni Luke natulog ang anak namin. Ako naman ay nandito sa unit ko, nagtse-tsek ng mga papel ng estudyante ko.
My phone lit up. Kinuna ko 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Luke? May prob—" Napatigil ako nang boses ng anak ko ang narinig.
"Mama!"
Binaba ko ang cellphone ko at ni loud speaker 'yun.
"What is it, Lucas? It's already 9 pm. You should be sleeping by now," sermon ko.
"I love you, Mama!"
Narinig ko ang mahinang tawa ng ama niya. Alam kong may hiling na naman ang anak ko.
"I can hear you, Luke. What is it, baby?"
"Nag- I love you lang po ako, Mama. Bawal po?" Inosenteng tanong niya.
Hindi ako naniniwala.
"I know you need something, Lucas. Tell me."
Matapos ang huling papel ay inayos ko na ang lamesa at lumabas ng kwarto. Hindi ko marinig ang usapan ng mag-ama. Hinintay kong matapos sila sa pagbubulungan.
"Mama, I love you—"
"Yes, Lucas. I love you, too."
Bumuntong hininga ako.
"I'm sorry, Mama. Are you mad? Papa said po kasi na matulog ka here. I love you, Mama ko."
"Son, did you just betray me?"
"Mama is mad, Papa. I can't let her be mad at me po. Sorry, Papa. I love you po."
I stopped myself from laughing. Ang loyal ng anak ko sa'kin!
"Ano pa ang sinabi ng Papa mo, anak?" Tanong ko.
I smirked when the call ended.
Tinawagan ko ulit ang number ni Luke, pero pinatay niya 'yon. Napailing nalang ako.
***
It's the last day of August, and I remembered his birthday. No'ng last week pa 'yon. Nasa trabaho siya. Ngayon ko lang din naalala.
I sighed and glance at him. Pauwi na kami. Hindi ko mapigilang tignan siya dahil may bumabagabag talaga sa akin.
"What is it?" Tanong niya. Sa daan lang ang tingin nito.

YOU ARE READING
Almost Everything
Roman d'amourNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24