13

1K 16 3
                                    

Chapter Thirteen

Matapos kunin ang grade sa registrar, pumunta ako sa cafeteria kung saan hinihintay ako ng mga kaibigan. Malaki ang ngiti kong ipakita sa kanila ang certificate of achievement ko. I was a Dean's List! Pumalakpak pa sila kaya pinagtitinginan kami.

"May ipagmamayabang ka na sa bus kapag umuwi ka ng probinsiya niyo. Manong, para po para sa Dean's Lister! Pak! Pangarap ko 'yan, 'te!" Sabi ni Gera.

Natawa ako sa sinabi nito. Pupunta ako mamaya sa mansion nila Eloisa para ibigay kay Ma'am Eliana ang grades ko. Kinuhanan ko ang mga 'yon at sinend kay Kuya at Mama.

Nandito kami ngayon sa gym, nagpa-practice ng calisthenics para sa PE namin. Sakto namang wala akong dalawang prof namin sa magkasunod na subjects kaya tinapos talaga namin ang sayaw.

Pagod kaming magkakaibigan na pumasok sa Dee's Safe Place.

"Sakit sa puson ang maghapong nagsasayaw. Ayoko na," sabi ni Adelia.

"Sakit naman sa mata 'tong mga puso na 'to. Oo na, Valentine's day bukas. You have proven that we're single. Pakitanggal na, please?" Sabi ni Missy. Si Sofia naman ay tumawa habang nakikipagtext. Probably with her boyfriend.

"Bitter," sabi nito.

"Happy birthday, Hanie!" sabi ni Gera. Sa sobrang lakas, pati ang mga estudyante sa loob ng café ay bumati rin kahit hindi naman nila kami kilala.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Bukas pa. Excited ka naman," sabi ko kay Gera.

"Ano'ng oras ka raw susunduin ng kaibigan mo?" Tanong ni Jacob.

"4 pm dismissal niya. Mamaya siguro kaunti," sagot ko.

Nasabi ko kasi kay Eloisa na pupunta ako sa mansion nila. At si Eloisa ay gaya-gaya kaya uuwi rin daw. Nagpasundo siya sa driver, sabay na raw kami.

"Miss Missy!" Tawag sa counter kaya si tumayo na siya pati narin si Jacob para tulungan sa order namin.

"Ship ko talaga 'yang dalawang 'yan!" Bulong ni Adelia.

These past few days, napansin naming parang may something sa kanilang dalawa. Minsan nga, nakita kong nakatitig si Jacob sa babae.

Saktong natapos ako sa pag-kain ng meryenda ay nakita ko na si Eloisa sa labas.

"Hello, Mare!" bati ni Gera nang makalapit si Eloisa.

"Hi! Kumusta?"

They talked for minutes. Sa limang kaibigan ko sa eskwela, si Gera at Eloisa ang talagang naging close. Parehas na pinaguusapan ang tungkol sa mga mamahaling gamit.

Nang nasa kotse ay ipinakita ko kay Eloisa ang certificate ko. She was so proud. Naunahan nga niya akong sabihin sa parents niya. Pagpasok palang namin ay binalita na niya agad nang makita sila sa living area.

Inabot ko kay Ma'am Eliana ang grades ko. Napapalakpak pa ito ng ipakita ko ang certificate ko. Sir Enrico congratulated me and gave me the envelope. Ang assistance ko for the second semester.

Sa bahay natin nila ako nagdinner. Sabay din kaming bumalik ni Eloisa. Inihatid ako nito sa dorm. Siya naman ay dadaan pa raw kay Kuya para ibigay ang pinadala ng Mommy niya na pastries.

"Babygirl," bungad ni Luke nang sagutin ko ang tawag mula sa Instagram.

"Hi!"

"I'm really sorry. Hindi ko napansin sa schedule ko na may flight ng 13."

"It's okay, Luke. Trabaho mo 'yan," sagot ko. Kahit nalulungkot akong wala siya bukas ay wala akong magagawa. Kailangan siya sa trabaho.

"But tomorrow is your birthday, Nins. I just can't pass that!" naf-frustrate na aniya.

Almost Everything Where stories live. Discover now