Chapter Twenty-two
Pasukan na naman ng mga bata pero hindi talaga natuloy ang plano sa group chat namin.
Palagi kasing hindi kompleto kapag nags-set ng date si Gera. Natawa kami ni Missy dahil do'n. We even took a picture and send it in our group chat.
My son is already in his kindergarten. Si Mama ang nagbabantay sa kaniya dahil hindi naman ako puwedeng lumiban sa trabaho para bantayan siya kahit nasa iisang eskwela lang naman.
"Good morning, Ma'am Harleigh!"
"Good morning, Ma'am!
"Magandang umaga po, Ma'am Leigh!"
Bati ng mga bata sa akin nang makasalubong ko sila sa hallway. I greeted them back with smile.
Matapos ang flag ceremony ay nagsibalikan na ang mga estudyante sa mga classroom nila. Nakita ko pa ang anak kong nakanguso sa linya nila.
Akala ko ba excited siya? Bakit ang haba ng nguso ng anak ko?
Napailing ako. Dahil siguro nakatayo siya ng mahabang oras. Medyo napatagal ang flag ceremony dahil nagmessage pa ang principal. Pinakilala rin ang mga bagong faculty staff.
I gave the name tags I made to my students. Ginawa ko 'yon nang matapos ang enrollment. I printed it out para readable.
"You can now take your lunch! Huwag pong magtulakan sa paglabas!" Paalala ko sa kanila.
Nang makalabas ang mga bata ay tinignan ko ang cellphone.
Mama:
Anak, ayaw kumain ni Lucas. Tapos ka na ba sa klase mo?Harleigh:
Saan kayo, ma? pupunta ako d'yan.Nagliwanag ang mukha ng anak ko nang makita ako.
"Mama!" Nagtatalon ay bata at gusto pa yatang magpakarga.
"Akala ko ba big boy ka na, anak?" I teased him after carrying him.
Ngumuso siya.
"I am po! Can I cancel po today? Bukas nalang po ulit ako big boy, Mama!"
Natawa ako at niyakap siya.
"Mamita told me that you're not eating your lunch. Why is that?"
Binaba ko na siya at kinuha ang lunch box niya.
"I'm not hungry, Mama. My seatmate and I were eating—"
Tumigil siya nang tignan ko. Tinakpan nito ang bibig niya at nilapitan si Mama. Agad nitong sinubsob ang mukha sa dibdib ng mamita niya.
"Baby, did you eat too much sweets again?"
I went near and held his hand. Umupo ako sa tabi ni Mama at pinaharap ang bata sa akin.
"I'm sorry, Mama." Naiiyak na sabi niya.
Hindi ko naman siya pinagababawalan, pero may patakaran akong bawal siyang sumobra ng matatamis. Once every six months ang check up nito sa dentista. No'ng nasa Natividad ay hinahayaan ko pa dahil palaging binibigyan nila Liam at Kuya. Pero nang may nasira sa ngipin niya, sinabi ng doctor na huwag masiyado sa mamatamis dahil madali lang talaga masira ang ngipin. Lalo na't bata pa siya.
"Mama will pass this today, Lucas. 'Di ba Sundays are chocolate days? Hindi ko pinagdadamot ang mga 'yon, 'di ba?"
My son nodded and hugged me.
"I'm sorry, Mama. I will not do it again po."
Half day lang naman si Lucas pero gusto niya akong hintayin hanggang mamaya kaya pinagbaon ko nalang din. Itatanong ko pa sa principal kung puwedeng dalhin ang anak ko sa room kahit hapon lang. Hindi naman sobrang kulit ang anak ko at isang saway lang ay nakikinig na.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24