23

1.9K 24 0
                                    

Chapter Twenty-three

"Mama, I miss Tito Liam na po. When is he going to visit us, Mama?"

Buhat ko siya pababa ng building. Pupunta kami ngayon sa dentista niya para ipabunot ang ngipin niyang malapit nang matanggal.

"I will ask him later, baby. Do you want to go anywhere after going to the clinic?"

Binuksan ko ang pinto ng backseat at pinaupo siya ro'n.

"I want to go school, Mama," ngumuso siya.

"Anak, it's Saturday. Walang tao sa school ngayon." Inayos ko ang buhok niyang humaharang sa mata niya.

"I think your hair needs to be cut again, baby. It's gotten long na!" I kissed his cheeks before proceeding to the driver's seat.

"Mama, I want another set of coloring books po."

"But you still have coloring books in the unit, anak." I glance at him in the rearview mirror.

"I already finished coloring them, Mama."

He was about to touch his tooth that was wiggling but I stopped him. Ang kulit talaga!

Sinabi niya ang mga librong gustong kulayan. Nagpapabili rin siya ng bago pastels at color pencils. Naisingit niya pa ang nasira niyang pencil case na kabibili ko lang last week. Nahirapan daw siyang buksan kaya nang ipilit ay natanggal ang sara no'n.

Matapos namin sa clinic ay nagrereklamo ang anak kong hindi raw sanay na kulang ang ngipin niya.

"Can't we buy another teeth po, Mama? It feels uncomfortable po."

Natawa ako sa sinabi niya.

Bago kami bumaba ay nilagay ko ang pin na may pangalan niya at contact number ko sa damit niya. May pangyayari kasi noon na sa sobrang mangha niya sa mga nakikitang laruan, nawala siya sa tabi ko. Halos mabaliw ako noon kahahanap lalo na't hindi ko pa kasama sila Mama at Kuya. Kaming dalawa lang talaga.

Binati pa ng anak ko ang guard. Natuwa naman si Kuya at sinabing pang gwapo ang anak ko.

My son blushed and hid his face on my neck. Buhat ko parin siya hanggang sa bookstore.

"Mama, look! I want this! And this! This, too!" Pinakita niya ang tatlong coloring book.

Nilagay niya ang mga 'yon sa basket na hawak ko.

"Come on, I'll help you choose colors and pencil case."

I held my son's arm to the pencil cases. Pinili ko ang may magnet tulad nung huling binili ko pero ang sabi niya ay mas gusto na niya ang may zipper. Kumuha ako ng tatlo no'n para kapag nasira ay may extra.

Hinayaan ko siya sa mga kulay dahil kita ko naman siya rito sa bandang mga libro. Matagal-tagal na ring hindi ako nagbabasa. Huli pa yata no'ng pinagbubuntis ko si Lucas.

Binasa ko ang description sa likod. Tatlo ang pinagpipilian ko pero isa nalang muna ang kukunin.

Pinuntahan ko Lucas sa kung saan siya kanina. May kausap siyang babae kaya nilapitan ko.

"Baby, are you done?"

"Teacher Niña?"

My eyes widened when I recognized the girl's face!

"P-Pia..." Gulat man ay binalik ko ang yakap ng binigay niya.

"Teacher Niña! Omygod! It's been a long time! I missed you!"

"You're squeezing my Mama po..."

Natigilan si Pia nang magsalita si Lucas.

Looking at Pia today, she's wearing the private school's uniform. It's been 7 years so, I guess she's around 15 or 16 years old? Ang mature niyang tignan para sa edad niyang 'yon. Malapit narin niya akong abutan sa height ko. Ang ganda niyang tignan lalo na dahil malinis ang mukha at naka bun ang buhok.

Almost Everything Where stories live. Discover now