Chapter Nine
I didn't know how time flies so fast until our first semester was finally done. It's December. Sa ilang buwang nakalipas, gumaling si Pia sa pagsasayaw. May dalawang classic songs na kaming ginawan ng steps. Her birthday is coming first month of the new year. Kaya naman todo ang practice niya. I love teaching her, and I love how I learn from it, too.
And those months, I never talked to Luke. Nakikita ko naman siya sa Casa ng mga Gallego pero puro tango lang kami sa isa't isa. Kung kaausapin man ay tinatanong niya lang ang progress ni Pia. Matapos itong sagutin ay magpapaalam na siya. Hindi na rin ako nito hinahatid-sundo, na pabor naman sa'kin dahil kaya ko namang magcommute.
Hindi ko maitatangging minsan ay namimiss ko siya. May parte sa'kin ang gusto siyang kausapin pero nauunahan ako ng hiya at pride.
And I learned that Eloisa and my brother have been seeing each other for a month now. Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon, pero nang unang beses kong tumapak sa condo ni Eloisa, tinuro niya kung saan ang dorm ng kinaiinisan niyang lalaki. That's when I realized that it was my brother's dorm. Pero hindi ko pinansin dahil marami sila roon. Baka dorm mate ni Kuya. But when time goes by, Kuya told me that he likes Eloisa. 'Yon din ang araw na nalaman ni Eloisa na kapatid ko ang lalaki na dati ay kinaiinisan niya.
Wala namang problema sa'kin 'yon. Alam ko naman na kahit suplada ang babae ay mabait naman siya. Si Kuya naman ay responsable. Alam kong hindi niya sasaktan ang kaibigan ko.
"Left, right, left, left, and right! Good job, Pia!" Pumalakpak ako nang natapos siya. Lumapit ito sa'kin at nagtatalon. Gusto pa yata magpakarga ng bata kaya ginawa ko na. Hindi naman siya sobrang bigat.
Niyakap ako nito habang buhat-buhat ko siya.
"Thank you, Teacher Niña!" Masayang aniya.
"Isang stanza nalang. Tapos... practice nalang tayo kahit an hour every schedule, okay? Para maperfect mo pa lalo for your birthday!"
Mas yumakap ito sa'kin. "Please, don't leave me yet, Teacher." Bulong nito.
"Hindi naman kita iiwan, Pia. Dadalaw parin ako tapos sayaw tayo pareho. Hindi lang palagi," alu ko sa bata. Mukhang naiiyak na.
Ako ang nagsabi kay Miss Alison na magaling na si Pia. Ang kailangan na lang niya ay araw-araw or 3 times a week na magsanay. Hindi na niya ako kailangan pa. Ayaw pa ni Miss no'ng una dahil mukhang gusto talaga ako ng bata. Kaya sinabi ko nalang na dadalaw ako para naman minsan ay makapagbonding kami. Para rin masiguradong hindi niya makalimutan ang mga tinuro ko.
Mama:
Anak, ano'ng oras kayo uuwi ng Kuya mo? Magluluto ang Mama.Nang makita ang text ni Mama sa'kin ay agad akong nagreply at sinabing bukas.
Today is December 20. Kahapon ang last day ng exam for finals. Halos sabay lang kami ng UG. Ngayon ang last day nila. Umuwi naman kami no'ng undas. Binisita namin si Papa. Pero bumalik din kami agad ni Kuya rito sa San Lorenzo dahil ang dami talagang tatapusing requirements.
Around last week of January ang birthday ni Pia. I'm sure that by February, puro dalaw nalang ako sa kaniya. Pagiisipan ko pa kung maghahanap agad ako ng part-time job.
"Basta kapag wala si Teacher Niña, you still have to practice, okay? Babalik ako after new year tapos turuan kita ng step para sa huling stanza." Sabi ko sa bata nang pababa kami papuntang dining room nila.
Pinaunlakan ko ang imbita sa'kin ni Miss Alison na magdinner ngayon. Ayoko sana pero pinilit naman ako ni Pia. Dahil ito na rin naman ang huling araw na magkikita kami bago magpasko, um-oo na ako.
"Can I call you, Teacher? Facetime? I want you to watch me as I practice," ngumuso ang bata.
"Kung wala akong ginagawa, bakit hindi?" I smiled at her to cheer her up.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24