10

1.2K 20 1
                                    

Chapter Ten

After celebrating the holidays with my mother and brother, I had to go back to San Lorenzo today.

It's the second day of the new year and USL is being a killjoy. Bukas ang enrollment naming mga first year for the second semester. Buti pa ang UG, sa January 10.

Throughout the Christmas break, Luke never missed a day to greet me. My brother was suspiciously looking at me when he knew I was smiling because of a text message.

Kailangan ko pang takbuhan siya mula sa sala hanggang sa kwarto ko para lang hindi magisa.

"Sinabi ko namang magt-tricycle nalang ako," sabi ko kay Luke nang makita ito pagkababa ko ng bus.

It's three in the afternoon. Bago ako bumyahe ay nagmessage ako sa kaniya na babalik na ako ng San Lorenzo. Gusto akong sunduin pero ayoko namang mapagod pa siya. Baka makita rin ni Kuya at baka kung ano ang isipin no'n!

"You didn't let me fetch you to your hometown, sweetie. I missed you." Sabi nito habang kinikuha ang bag na dala ko.

Halos tumakbo ako nang sabihin niya 'yon. Ang dami tuloy tumingin sa banda namin.

He was so straightforward!

"Ano ka ba! Tara na nga," nauna akong naglakad. Hinanap ko ang Lamborghini niya pero hindi ko makita.

I felt his hands on my shoulders and turned me to where his car was.

"How was your Christmas?"

He glanced at me. Ako naman ay humarap sa kaniya. Sinandal ang sarili sa pintuan.

"Masaya. It was my first time celebrating Christmas in a cemetery," I said, smiling.

"Hmm? How was it?"

Natawa ako nang maalala ang reaksyon nila Mama at Kuya no'ng i-suggest ko 'yon.

"A–anak... Maintindihan naman ng Papa mo kung dito tayo sa bahay mag-pasko." Gulat paring sabi ni Mama.

"Pero, Ma, gusto kong bisitahin si Papa," ngumuso ako.

"Bukas natin bisitahin, Hanie. Bukas naman talaga ang pasko," sabat naman ni Kuya. Napapailing ito at ang sama ng tingin sa'kin.

"Kung anu-ano ang iniisip mo. Nabaliw ka na ba?" dagdag pa niya.

"Kuya, please? Malapit naman sa entrance ang puntod ni Papa. Makakatakbo tayo in case na multuhin ng ibang nakatira ro'n."

Nang nasa sementeryo na kami, para ako naman ang nagaayaw na. Pero tinuloy nalang namin. Marami namang ilaw. May nakikita nga kaming binibisita rin ang mga mahal nila sa buhay.

"It was fine. Though, we could feel the eerie feeling being there. Pero no'ng nasa harap na kami ni Papa, parang nawala lahat ng takot namin." Ngumiti ako.

"Mabuti nalang at hindi sa pinakadulo ang kay Papa, malapit lang sa entrance. It's been years since the last time we celebrated Christmas with him..." paunti-unti ay naging bulong ang mga 'yon.

"You must be missing him," I could see concern in his voice.

"Everyday," nginitian ko ito.

"How 'bout your New Year?" I was glad that he shifted the topic.

"It was fun. Tradisyon na sa street namin na nasa iisang lugar kami. Tapos nagpapalaro sila at nagkakatuwaan. Parang late Christmas party narin. And of course, hindi mawawala ang fireworks! They are so pretty! I love them! Mas matagal ang pafireworks nila ngayong year. I hated the loud they make, but looking them at the sky, they are wonderful!"

Almost Everything Where stories live. Discover now