Chapter Eight
"Miss, pakihintay daw si Ma'am Alison sa office niya." Salubong sa'min ng helper.
"Ako na po ang maghahatid sa kaniya, Manang," sabat ni Luke na nasa likuran ko.
"Sige po, Sir."
Hindi ko alam kung bakit ako gustong makausap ni Miss Alison. Baka naman nagback out na ang bata? Do I need to find new part time? Tsaka ko na siguro iisipin kapag nalaman ang sasabihin ni Miss.
Ang advance mo mas'yado, Harleigh.
Naunang naglakad si Luke kaya sinundan ko ito. Mukha talaga siyang pagod. Dapat hindi na niya ako sinundo pa. Kaya ko namang magcommute. Isang tricycle lang naman.
Nang mapasok kami ay bumungad sa'kin ang modernong office. May chandelier pa nga. Akala ko opisina ng presidente. Napansin ko ang frame sa gilid. Luke was sitting on a chair, kandong si Pia. Sila Governor at Miss Alison naman sa likod nila. They really look like a happy and contented family. Hindi ko maiwasang isipin ang nakitang frame sa bulwagan nila.
I shook my head to stop overthinking about it.
"Hey, are you alright? Kanina kanina ka pa tahimik," sabi ko sa lalaki.
He nodded and cleared his throat.
"So... they were your friends?" Nalito pa ako sa tanong nito. Nang mapagtantong sila Jacob ang tinutukoy niya ay tumango ako.
"Oo. P'wede mo naman akong iwan dito. Magpahinga ka na kaya? You look restless." I said.
Bago pa ito makasagot at bumukas na ang pintuan.
"Luke? Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ng ina. Lumapit naman si Luke at humalik sa pisngi niya.
"An hour ago? I don't know..." Sabi nito. Kailangan na talaga niyang magpahinga. Wala siyang matinong sagot.
"Magpahinga ka na, hijo. You look tired." Napatango ako, sumasang-ayon sa sinabi ni Miss.
Hindi naman na umangal pa ang lalaki. Nagtuluy-tuloy lang siya sa paglabas. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin kahit segundo.
"Niña, here," inabot ni Miss ang sobre.
"Ano po 'to?" Tanong ko.
"Your first salary?"
"Pwede naman pong kahit monthly nalang, Miss. Okay lang po. Pero thank you po!" Nginitian niya ako at sinabing naghihintay na raw si Pia sa kwarto.
Nilagay ko sa loob ng sling bag ang sobre na bigay ni Miss at dumiretso sa dance room ni Pia.
"Teacher Niña! I missed you po!" She jumps in excitement.
"Missed you, too, little miss!"
***
Matapos ang dalawang oras na pagsasayaw ay agad na akong nagpaalam. Miss Alison even offered a ride but I refused it. Wala naman sa kontratang hatid-sundo nila ako.
Sumakay ako ng tricycle papuntang bookstore. Bibilhin ko na ang librong nilagay ko sa likod ng shelf. Sana nando'n pa.
Pagkapasok sa bookstore ay agad akong nagpunta sa shelf. I jump in happiness when I saw the book!
Nang nabayaran ko na ito, napagpasyahan kong itext ang secretary ni Madam Eliana kung nasa bahay siya ngayon. When she said yes, sinabi kong pupunta ako ro'n. It's about the scholarship.
"Hanie! Aba'y mukhang gumanda ang pangangatawan mo, ah? Marami ka sigurong kinakain sa dorm niyo!" Salubong ni Ate Marie.
Natawa ako. Lagi nalang niyang sinasabi 'yan pero ang totoo, kabaliktaran 'yon.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24