28

1.6K 22 2
                                    

Chapter Twenty-eight

Warning: Rated 18. Read at your own risk!

8 pm 'yung dinner pero 6:30 palang ay papunta na kami. Sinabi ni Luke na nando'n na raw lahat ng angkan nila. Nagulat nga ako. Akala ko ay sila Tita, Tito, at Pia lang. Nasabi raw kasi ng Daddy niya sa mga kapatid nito dahil saktong sabay-sabay silang naglunch kanina. Kaya imbes na umuwi raw ay hinintay ang dinner para masilayan ang apo. Tinawagan nga rin daw ang mga pinsan Luke.

"Are you nervous, son?" Tanong ni Luke sa anak.

Binalingan ni Lucas ang ama niya at umiling.

"Hindi po, Papa. Baka si Mama po, she looks nervous po, e," sagot ng anak ko.

Natawa si Luke at tinignan ako ng mabilis bago tumingin sa daan.

"Mas kabado ka pa sa anak natin, Niña. They'll love you both, don't worry."

Hinawakan niya ang kamay ko nasa nasa kandungan ko at hinalikan ang likod noon.

"Hindi ko maiwasan, Luke. Your family is big people." I sighed.

"They are nice, baby. My family may hold power, but they are nice people."

Alam kong mababait sila, minsan na noong naikwento ni Pia. Pero kinakabahan parin ako.

Parang matatanggal ang puso ko sa sobrang pagkabog nito. Pagkababa palang ng kotse ay rinig ko na ang mga tawanan at kwentuhan sa loob.

"They are here!" An unfamiliar female voice excitedly exclaimed.

Naunang naglakad ang mag-ama. I greeted Pia nang nang lumapit ito sa akin.

"Kaya pala familiar siya sa bookstore noon!" Sabi pa niya bago ako yakapin.

"Oh, Jesus! Young Luke Isaac! I mean, look at him!"

We gathered in the living room. Aliw na aliw sila dahil bibong sumasagot ang anak ko. Nakangiting pinapanood ko sila. I can feel that my son is happy. Ang laki ng ngiti niya habang sumasagot.

"Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo, Justice?" Tanong ni Sir Ricco Gallego sa anak. Siya ang ikalawa sa tatlong magkakapatid.

"Kapag bumalik na 'yung nang-iwan sa kaniya, Dad." Natatawang sagot ng babaeng kapatid ni Justice. Siya 'yung nagdeklara kanina no'ng dumating kami.

"Nagsalita ang iniwan," sagot naman ni Justice.

Kung titignan silang magpipinsan, mukhang mas bata sila kay Luke. Pero nasabi ni Luke na halos o isang taon lang ang agwat nilang magpipinsan.

Ritchie Gallego, the eldest of the three siblings, has two sons. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila. Pero pansin kong 'yung isa ay parang maloko, 'yung isa naman parang ang seryoso sa buhay.

"Excuse me? Sino ang iniwan? Ikaw 'yon!" Sagot ng babae sa kapatid.

Narinig ko ang buntong hininga nung anak ni Sir Ritchie na seryoso sa buhay. He looked so done with the noise.

"Twin sis, let's stop fighting. Kanina pa ang pangit ng tingin ni Lods."

Tumawa ang kapatid ng seryosong lalaki.

"Lods, tang—" he stopped and cleared his throat and laughed after.

"Stop calling me that shit, Justice." Sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses ng lalaki. Normal pa ba 'yon? Mas malalim pa kailaliman ang boses niya!

"Your mouth, Elodie! May bata!" sabi ng babaeng pinsan ni Luke.

Parang may pader sa gitna ng mga magulang nila at sa mga anak. While their parents was lovingly talking to my son, their children were bickering.

Almost Everything Where stories live. Discover now