7

1.1K 18 3
                                    

Chapter Seven

I woke up before 6 am to prepare for my first day. My first class starts at 9 am, pero papasok ako ng maaga para hanapin ang room ko. I just wore a simple puff-sleeved top with a pleated skirt. Sinuot ko ang white shoes na binili ni Mama.

Hindi kami parehas ng schedule ni Jenna kaya mahimbing pa ang tulog nito nang bumaba ako. Naabutan ko naman si Ate Fiona at Ate Meehan sa kusina kaya tumulong ako sa pagluluto ng agahan. Kaming tatlo lang pala ang maaga ang klase. Ang iba pa sa dorm mates namin ay mamayang hapon pa. Mabuti nalang talaga at walking distance lang ang USL mula sa dormitory namin. Less gastos.

Binati ko ang guard nang makapasok ako. Dumiretso ako sa College of Teacher Education Building. Nilabas ko ang phone para tignan ang unang room.

Napatulala ako nang marealize na taas-baba ako dahil sa schedule. Napabuntong hininga ako. Sa second floor ang unang klase ko. Pero siguradong sa gymnasium kaming mga first years para sa orientation.

Eloisa:
wru? cut ka na, malamang orientation lang naman ganap niyo just like here🙄

Napailing ako. Unang araw palang ng klase, cutting na ang nasa isip.

Harleigh:
Magbago ka na, Eloisa.😇

Eloisa:
🙄🙄🙄

It was 11am when the orientation ended. I texted Eloisa that I have 3 hours vacant. Nagreply naman ito na magkita nalang kami sa Dee's Safe Place sa harap ng USL.

Pagpasok palang niya ng café ay pansin ko na ang magkasalubong niyang kilay.

"Nakakainis talaga. Hindi naman nakaka-cool ang pagiging cold!"

"Ano bang nangyari sa'yo?"

"Just bumped into someone annoying."

Dahil ayoko nang dagdagan pa ang inis niya, hinayaan ko nalang itong magorder. Hindi narin ako nakipagpilitan sa pagbayad.

Tinanong niya kung ano'ng nangyari sa buong linggong hindi raw ako nagpakita sa kaniya. Nadagdagan na naman ang kasalanan ko nang sabihin kong nagsimula no'ng weekend ang pagtuturo ko kay Pia ng ballet.

"Hindi mo sinabi sa'king anak ng gobernador si Luke," sabi ko sa kaniya.

Ngumisi naman ito. "I said it's for you to find. So, how was it? I mean, Luke."

"What about him?" Nagtatakang tanong ko. "Si Pia ang tinuturuan ko, Eloisa."

Tumawa ito. Halos takpan ko na ang mukha dahil pinagtitinginan kami. Ang lakas ng tawa niya!

"Baka iba ang tinuro kay Luke, ah. Baka tinuruan mong magmahal?" Nagngising aso siya.

"M-magtigil ka nga. Ang corny mo, Eloisa." Sabi ko at kinain ang huling parte ng croissant.

"Aren't you attracted to him? If not, uunahan na kita. God, ang hot niya!" sabi niya na tila kinikilig. Kumindat pa ito.

Mukhang nawala na ang inis niya kanina. At ngayon naman ay panay tukso nito.

One thing I learned today, I will never tell her that I am attracted to Luke. Though, it isn't actually a big deal, because it's normal that I feel this way. Pero alam kong tutuksuhin ako nito kaya hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya.

"Anyway, let me see your schedule para magkita tayo minsan. Oh, and before I forgot, Mom wanted to see you. About the scholarship thingy." I nodded. Nagtext sa'kin ang secretary ni Ma'am Eliana kahapon, sinabing kakausapin daw ako.

"Oh my God! Bakit 9am sa'yo? Mine is 7:30! It's too early!" Natawa ako.

Eloisa and her too early.

"Totoo ang karma, Eloisa," sabi ko. Tinignan ako nito ng masama.

Almost Everything Where stories live. Discover now