CHAPTER 4 : MARRIAGE CONTRACT

11 0 0
                                    

Hindi ko alam ang nais nyang iparating saakin dahil ang sabi nya, susundin ko raw kung ano ang sasabihin nya.

Muka ba akong utusan? O alipin? Para sundin siya sa lahat ng sasabihin nya?

Iginaya nya akong pumasok sa Malaking Mansyon na'to, maraming mga Maid ang bumati sa kanya pero hindi nya 'yun pinagtuonan ng pansin.

Anong klaseng lalaki ba siya? Hindi marunong makisama.

Nang makapasok na kami ay bumungad saakin ang napakagandang kumikinang na Chandelier.

Namangha ako sa ganda nito dahil bukod sa Malaki ang Mansion na'to ay subrang linis rin  ng paligid at Wala kang niisang makita kahit kunting alikabok.

Natauhan lang ako ng hapitin nya ang bewang ko upang mag dikit kami, gusto kong umangal at hampasin siya pero hindi ko nalang ginawa.

Nagulat ako at lumakas ang tibok ng puso ko nang makarating kami sa Living Room nila, pinagtitinginan ako ng mga taong nandito.

Tumayo ang matandang babae ganun rin ang matandang lalaki, siguro mag-asawa sila dahil nakita kong nagyakapan sila bago tumingin sa direksyon namin.

"Who's that girl? "  Tanong ng matandang babae at tiningnan ako mula paa hanggang ulo.

"She's my  Girlfriend for now and soon to be my Wife" napalaki ang mata ko dahil sa sinagot ni Jayden at hinigpitan nya ang pagkayakap sa bewang ko.

Napalunok ako ng laway.

"Are you Crazy Jayden!?" Singit ng isang Babae at tumayo ito't hindi makapaniwala.

"No, I'm not crazy. I'm Just telling what is true" seryoso nyang sabi.

"How come?" Usisa ng Matandang babae, yumuko ako.

"Last month"

Ano raw? Last month?

Marunong rin naman palang gumawa ng kwentong hindi naman totoo.

"Hiwalayan mo siya, jayden! " Sigaw ng babae.

"Why would I do that?"

"Hindi kayo nababagay"

"Samantha is right, jayden" sabi ng Matanda .

"No mom! Hindi ko hihiwalayan ang girlfriend ko! Hinding hindi!" Pataas na pagsigaw ni jayden.

So Mama nya pala ang Matandang babae and i think papa nya ang tahimik lang habang nakikinig saamin.

"Alam mong inaarange marriage na kita kay Samantha, pero anong ginawa mo! Mag isip ka  jayden! Mas lalong maging malago ang ating Kompanya pag naging asawa mo si Samantha"

"I DON'T FVCKING CARE WITH THAT FVCKING MONEY! HOW SELFISH YOU ARE KUNG PURO NALANG KOMPANYA ANG INIISIP MO!? HINDI MO BA INIISIP ANG SARILI KONG KALIGAYAHAN!? PATI SA PAGPILI NG MAGIGING ASAWA KO AY KAYO PARIN ANG MAG DEDESISYON! MOM! MALAKI NA AKO MOM! HAYAAN NYO AKO SA GUSTO KONG GAWIN SA BUHAY!"

"Wala kang utang na loob Jayden! Nang dahil ba sa babaeng yan kaya mo natutunan na sumasagot sa ina mo!?" Pag sabat ng daddy nya kaya hindi ko na napiligan ang luhang lumabas sa aking mga mata..

Ni hindi nga ako makapagsalita ng nakipagsagutan sila sa isa't-isa

"Walang kinalaman dito si Celestine! Wag nyong idamay ang girlfriend ko!"

"Wag mong sagutin si tita jayden! Hindi ka nya pinalaki ng ganyan" pagsabat ni Samantha

"Just Fvcking leave here Sam! Hindi ka dapat makialam dito dahil unang-una pamilya ko'to, pangalawa hindi ako magpapakasal sa'yo dahil hindi kita mahal. Pangatlo umalis kana dito" dahil sa sinabi ni Jayden ay padabog na umalis ang babae sa harapan namin pero bago pa siya umalis ay binangga pa nya ako.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now