❝ A KIND OF DISEASE ❞Matapos kong hinatid ni Jayden sa Hospital ay hinalikan na muna nya ako ulit bago nagpapaalam, kumaway ako sa kanya bago nag sarado ang bintana ng kotse.
Pagkapasok ko sa Hospital ay marami akong nakikitang mga pasyente, ang iba ay umiiyak sa sakit ng kanilang katawan, may lagnat at humihingi ng tulong o nanlilimos para raw gamot sa kanyang anak.
Nilapitan ko ito't binigyan ko ng pera, laking tuwa at pasasalamat nya saakin dahil sa binigay ko kaya napangiti ako dahil kahit minsan ay may natutulungan ako.
Napakamot ulit ako sa ulo ko dahil kumirot ito ng kauti, at nang tingnan ko ang palad ko ay may mga buhok ang nasa kamay ko, bakit na tanggal iba kong buhok?
I sighed bago pumunta sa Nurse,
May pinermahan pa ako at nag wait ng ilang minuto bago tawagin ang pangalan ko, nag cp muna ako para na rin malibang kaunti ang buhay ko rito." Mrs. Villamonte, please Come inside " rinig kong tawag ng assistant ng Doctor saakin.
"Mrs. Villamonte, please come inside. Your next" pag-ulit nito kaya agad akong tumayo at pinihit ang doorknob para pumasok na.
Sinenyasan ako ng Doctor na umupo at ngumiti saakin bago nagsalita.
"How may I help you? "
" Gusto ko lang mag pa check-up Doc, I always have a headache and get tired easily, so I thought of going for a check-up to find out what's going on with me " Mahabang lintaya ko.
Tumango siya sa sinabi ko at tumayo, may kinuha sa maliit nyang Box at inilabas ang isang Syringe.
" Kukuhanan muna kita ng blood, para masuri kung anong dahilan kung bakit ganyan ang Karamdaman mo " sambit nya saakin at itinutok ang syringe sa braso ko, hindi naman masakit kahit napaka tulis at haba ng karayom. Parang kagat lang ng langgam.
Dumaan kami sa pag blood test ng doctor saakin saakin, at mga 30 minutes ang tinagal non bago matapos.
Dinaan pa sa Laboratory at dinouble check pa if yun na ba ang kalabasan.
Parang may kung anong something akong nararamdaman ngayon, na para bang sinasabi sa aking isipan na huwag na lang tingnan o alamin ang magiging resulta.
I don't know what's happening to me, napaparanoid na siguro ako. Haha
__________
" Doc, anong resulta, okay lang ba ako? " Tanong ko ng pumasok na ang Doctor habang may dala ng result paper.
Umupo siya sa upuan nya at malungkot na tumingin saakin.
"Bakit ho doc? " Taka kong tanong.
"Mrs. Villamonte, kung ano man ang malaman mo sa resulta dapat maging handa ka sa marinig mo " pagsisimula ni Doc.
Bakit ganun siya magsalita? Tumango na lamang ako sa kanya.
"Lumabas na nga ang Resulta kong bakit madalas sumasakit ang ulo mo at manghihina ka dahil may sakit kang Syphilis. "
"Syphilis? Anong klaseng sakit yan? "
" Ang syphilis ay isang impeksiyon na dulot ng bacteria na Treponema pallidum at ito rin ay isang sexually transmitted infection (STI) na maaaring maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Kapag ang isang tao ay may syphilis, maaari niyang maipasa ang impeksiyon sa kanyang sexual partner. "
"Doc? Ano!? May syphilis ako? " Taka kong tanong.
"Yes Mrs. Villamonte, based sa result naging malubha na ito kaya mas lalong sumasakit ang 'yung ulo at pwede mo itong ikamatay. " Hindi ako makapaniwala na may ganoong sakit ako, pero saan ko naman ito nakuha?!
YOU ARE READING
THE MILLIONAIRE'S WIFE
RomanceCelestine Cruz is a brave woman, always helping her mother to sell a Vegetables in the market, she have a friend named Thaliyah, Her friend invite her to come in a club to Celebrate her birthday but in an unexpected event, her drink was laced with...