CHAPTER 24 : THE TRUTH

6 0 0
                                    


   ❝     THE TRUTH  ❞

★★ THIRD PERSON POV;

Nagdadalawang isip si Anne kung sasabihin ba nya kay Jayden ang kanyang mga iniisip patungkol kay Mattew.

Labis nya itong pinaghihinalaan dahil sa mga galaw nito at expression nito sa Mukha sa tuwing nakatalikod si Jayden sa kanya.

Naisip nya rin na baka ay may kinalaman si Mattew sa pagkawala ni Celestine.

Ngunit nagdadalawang isip siya na sabihin ito Kay Kayden dahil wala siyang sapat na ebidensya at baka yun pa ang maging dahilan mawalan siya ng trabaho at maging dahilan ng pag-away away ng magkakapatid, pero kapag 'yun ang ikabubuti  na dapat nyang gawin ay wala na siyang pakialam na mawalan siya ng trabaho basta masabi lang nya ang masamang kutob nya  kay Mattew.

" Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Rachel, isa rin sa kasambahay.

Napansin nya kasing halos hindi mapakali si Anne, at halos kada minuto ay maging tulala naman ito.

"Ah oo "  sagot nya.

"Sigurado ka? " Paninigurado ni Rachel.

Tumango lamang si Anne, mga ilang minuto lamang ay nagpapaalam na muna si Anne kay Jayden na umalis na at may bibilhin sa palengke.

Awang -awa siya sa Amo nya dahil halos  wala itong pahinga at hindi kumakain sa tamang oras dahil kay Celestine na Hindi parin mahahanap kung sino mang Dèmonyô ang kumuha nito.

Napailing-iling na lang si Anne sa sinapit ngayon ni Jayden dahil sa pinapabayaan nya ang kanyang sarili, kung Nag-alala si Jayden  sa kanyang Asawa mas doble ang pag-alala ni Anne kay Jayden.

Dahil sa magiging bunga kapag sinabi nya kay Jayden ang napapansin nya kay Matt.

Naisip ni Anne  na pagbalik nalang nya sa Mansion ay sasabihin nya kay Jayden ang mga hinala nya.

"Ate Anne" pagtawag pa sa kanya ni Rachel ngunit hindi siya nito narinig dahil nakasakay na at malayo na rin ang sinakyan nito.

Naiwan nya kasi ang Perang dapat pambayad ng pinamili kaya walang choice si Rachel kundi sundan si Anne.

Pagkarating ni Anne sa palingke ay namili na agad siya ng dapat nyang bilhin.
Nang matapos siya sa kanyang pinamili ay bigla nyang naaalala na hindi siya naka dala ng pera.

" Aling susan, pwede bang maiwan ko na muna sa'yo itong pinamili ko? Babalik lang ako sa Mansion ng Amo ko dahil naiwan ko ang pera"  pagpapaalam ni Anne.

"Oh sge, maasahan mo ako "

"salamat ho, babalik rin ako agad. "

Habang nag-aabang si Anne ng sasakyan ay pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanya o nakatingin.

Kinakabahan siya at hindi na naman mapakali,   dahil hindi siya nagkakamali ng hinala na may nakaabang o nakatingin sa kanya.

Palinga-linga siya sa paligid at hinintay ang mga dadaan na sasakyan  ngunit walang huminto o dumaan,  pinauna nya kasi ang Naghatid sa kanya sa Palingke na driver nina Jayden  dahil gusto nyang mamasahe nalang pauwi.

Naglakad lakad siya pauwi hanggang sa may napansin siyang nakasunod sa kanya kaya mas dumoble ang kanyang takot.

Binilisan nya ang kanyang paglalakad dahil alam nyang may hindi magandang mangyayari sa kanya kapag nag bagal siya ngunit sa hindi inaasahan may nakaharang sa kanyang dalawang tao na naka maskara.

Mabilis ang pangyayari bigla na lang siya nitong pinaslang ng tatlong beses at hindi rin siya nakasigaw dahil sa taong  tumakip ng kanyang bibig bago pa ito sinaksak.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now