CHAPTER 8 : UNEXPECTED HAPPENED

1.6K 14 0
                                        

  :   ❝  UNEXPECTED HAPPENED❞

"How are you wifey?" Tanong saakin ni Jayden ng makapasok siya sa kwarto. yes nasa iisa na kami ng kwarto dahil gusto raw nyang makatabi si Baby, alangan namang aangal ako eh anak rin namn nya yun.

"Mabuti naman"

" e si Baby?" Tanong niya saakin habang nakatingin ni Baby na mahimbing sa pagtulog.
Mabuti nalang at hindi pressure ang pag aalaga dahil palaging tulog si Baby at iiyak lang siya pag nagugutom na.

"Our baby is fine and healthy" sambit ko at lumapit sa kanya upang ako na ang magtanggal ng nick tie nya.  "Aangal ka?" Siga kong tanong na ikinailing nya.  I know he was shocked dahil ito ang kauna-unahang beses na ginawa ko sa kanya, pagkatapos kong hubarin ang Nick tie ay tinanggal ko ang suot nyang suit.  "Thankyou" pagpapasalamat nya saakin, ngumiti lang ako. Well, ito naman kasi ang gawain bilang asawa yung pagsilbihan ang asawa mo.

"Pupunta ako saamin Bukas" sabi ko kay jayden "Dadalawin ko si Mama at gusto rin nyang makita ang inaapo nya, matagal na rin kasing hindi ako nakakadalaw kay Mama simula nung andito ako" dugtong ko.

Wala siyang imik kaya pinitikan ko ang kanyang noo "ouch!" Reklamo nya

"Nakatutula ka e"

"I'm sorry, ano nga pala ang sinabi mo?"

"Dadalawin ko si Mama bukas at isama ko na rin si Baby"

"Anong oras uwi?"

"Ayy aba! Hindi panga nakakapunta tinatanong mo na kung anong oras uuwi"

"To make sure lang kasi"

" Hindi ko alam kong anong oras ako uuwi pero siguro gabi na o sa susunod na araw"

"Sasama ako"

"Paano yung work mo?"

"I can go wher'ever I want and I don't have to worry about our Company dahil nandoon naman si Thaliyah"

"Our?"

"Yes, our" sabi nya, "My owned,  my everything is our, specially this (sabay turo nya sa baba nya) is yours"  dugtong nya.

Inirapan ko siya at umiling iling, marami pa kaming  mga pinag-uusapan at napagpasyahan na naming sabay kumain pagkatapos nyang magbihis.

Kinaumagan  maaga akong nagising para maaga rin kaming makarating sa Probinsya.
Inilibot ko ang aking paningin ng hindi ko nakita ang mag-ama ko dito sa kwarto. Naghilamos muna ako bago ko napagpasyahang bumaba at baka andun ang mag-ama ko sa Dining room..

"Good morning Ma'am Celestine" bati saakin ng mga kasamabahay, nginitian ko sila at bumati pabalik "asan sila?" Tanong ko "nasa dining room po sila maam celestine" agad akong nagtungo sa Dining room pero bago pa ako nakarating sa Dining room ay rinig na rinig ko ang Boses ng asawa ko at ang tawa ng baby ko, hindi ko muna sila dinistorbo at tumitingin lang ako kay Jayden habang  kinakausap nya si Baby na nasa Crib..

Kahit saang direksyon mo siya tingnan ay lahat  ang perpekto, walang kulang at walang labis. Ang puti at ang gwapo, yung dimple nyang kay lalim pag ngumingiti at yung mga ngipin nyang kay puti at pantay ay nakakapang-akit.

"Kanina ka pa dyan?" Napansin nya siguro ang presensya ko kaya dahan dahan siyang lumapit saakin, umiling ako sa tanong nya..  "goodmorning, wifey."

"Yeah, morning"

"Bakit morning lang?"

"Anong dapat isagot?"

"Goodmorning too, hubby.  Ganon dapat para mas lalo akong kikiligin" sabi nya at niyakap nya ako't binigyan ng goodmorning kiss..

THE MILLIONAIRE'S WIFE Stories to obsess over. Discover now