CHAPTER 16 : MISSING

5 0 0
                                    

❝  MISSING    ❞

" NEWS ALERT!! Isang eroplano sumabog matapos lagyan ng Bomba ang loob,  babae patay  natagpuan sa tabing dagat palutang lutang at halos hindi ito makilala  at ang iba  ay —— "

Hindi ko napigilan ang sarili kong humagolhol ng iyak dahil sa narinig kong Balita. Hindi ko tinapos panoorin o pakinggan ang Balita dahil sa sakit ng puso ko.  Halos gumuho ang mundo ko ng  may sumabog na eroplano.

Ang daming tanong na nabubuo sa aking isipan, what if hindi pala yun ang eroplano ang sinakyan nila ng Asawa ko?   Inion ko agad ang Tv pero wala na ang Balita.  Tapos na, pero bakit nahulog ang Frame namin ni Jayden? Hindi ko maiwasang hindi mangamba at ang mga luha Ko'y walang tigil sa pag-agos.

Natataranta ako ng sagutin ko ang Phone ko, Si Mama at Papa tumawag.

"M-ma" My voice Cracked.

"N-abalitaan mo Yung balita anak?" Tanong ni Mama saakin sa kabilang linya, tumango ako kahit hindi nila ako makita, bakas sa boses nya ang pag-alala at umiiyak ito.

"Si T— thaliyah" 

"M-ma? Anong nangyari sa pinsan ko? "

"N-nak, si Thaliyah ay p— patay na" bigla kong nabitawan ang phone ko dahil sa narinig ko.

So ibig sabihin si Jay—

Hindi!

"A-nak, andyan ka pa?" Hindi ako makasagot sa tanong nya bagkos ay umiyak ako ng umiyak. 

"Hindi totoong wala na si Thaliyah ma! Ma, d ba hindi?"

"Nandito ako sa Hospital ngayon, i text ko ang Location , andito ako sa Morgue"

Halos nanghina na ang tuhod ko at iniisip na sana hindi yun si Liyah. Na sana hindi totoong wala na siya.
Nakisuyo muna ako sa mga Yaya na pakibantayan ang anak ko, nag suot ako ng shade bago pumunta sa Hospital.
Ang lakas ng pintig ng puso ko at mukang nagdadalawang isip ng pumasok pero nandito na ako, nagtanong muna ako sa mga staff rito kung saan ang pinsan ko.

Nanginginig kong tinahak ang loob ng hospital papunta sa kinaroroonan nya, nasa malayo pa nga ako pero nakita ko na si Mama na umiiyak habang pinapatahan ni Papa, at nandun rin si Tita? Si Tita. Mama ni Liyah.
Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha, nanginginig ang aking mga kamay at binti.

"A-anak"   tumingin sila saakin at niyakap ako, pulang pula narin ang mga mata nila Mama ganun rin si Tita. Nang makita nya ako ay mabilis nya akong niyakap at umiyak ng umiyak si Bisig ko.

Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na umiyak, umiyak sa sakit na nadarama.

Bakit?

Dahan-dahan kong inalis ang puting tela na nakatabon sa mukha nya, halos hindi na makita ang kanyang mukha dahil sa sunog ito.  at dito na mas lalo akong umiyak ng makita ko ang Bracelet na nasa kamay pa nya.  Itong bracelet na'to ay ibinigay ko sa kanya nung  elementary kami, mayroon din ako nito  na ibinigay nya.

"Liyahhh! " Humagolhol ako,  sobrang sakit. Sobrang sakit na mawalan ng kaibigan.

Siya ang pinsan ko, kaibigan ko at higit sa  lahat ang itinuring kong Kapatid.

Iniwan na muna ako nila Mama at Tita para mailabas ko ang sakit.

"A-akala ko ba, w-walang iniwanan? Pero bakit nauna ka! Nauna kang magpunta sa Langit?"

"Ang daya mo Liyah! Wala na akong kakampi!   Wala na akong masasabihan sa mga problema ko o pinsan na malalapitan"

"Andaya mo!  Gumising ka Liyah! Wag mo naman akong iwan " pilit kong niyugyog ang kanyang katawan pero hindi e, wala na siya. Hindi na siya muling magigising pa.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now