"Aray ko ma, Ah aray" daing ko ng Hablotin ni Mama ang buhok ko"Huwag ka kasing maingay! Awah. Namatay ako sa laro" ngumuso siya at ipinakita saakin ang nilalaro nyang granny, tumawa ako ng malakas dahilan sinamaan nya ako ng tingin
" Ano ba 'yan Ma, pangbata naman ho yang nilalaro mo" reklamo ko
"Ikaw ba naglalaro?"
"Hindi"
"Ede maglaro ka ng sa'yo" sabi nya at tumayo dahil may bumili sa tinda naming gulay, yes. Andito kami sa palengke ni Mama dahil nagbebenta kami ng mga Gulay at prutas ito lang kasi ang kaya namin, mahirap man pero walang problema 'yun saakin basta't kasama ko lang si Mama.
Tinulungan ko si Mama na balutin lahat ng pinamele ni Ale, bale 250 lahat.
"Salamat po, sa susunod ulit" pahabol kong sabi ng umalis na yung bumili.
"Sineswerte nga naman, malapit na maubos ang paninda natin" tumango ako kay Mama minsan kasi walang masyadong bumibili sa paninda namin at swerte ngayong araw dahil may bumili.
Tumingin ako sa orasan at napagtanto kong alas 3 na pala ng hapon, may pupuntahan pa ako kasi birthday ng kaibigan ko at don raw sa Bar gaganapin ang kaunting celebration
"Ah, Ma"
"Bakit?"
"Magpapaalam lang sana kasi pupunta ako sa bahay ng aking kaibigan" pagsisinungaking ko kahit hindi naman sa bahay gaganapin kundi sa Bar, paniguradong hindi ako papayagan ni Mama if sa Bar punta ko
"Birthday nya kasi e at inimbita ako" dugtong ko
"Oh tapos?"
"Eh ma, Si Mama naman parang hindi na gets ang ibigkongsabihin" ngumuso ako at nagkunwaring nagtatampo
"Ouh siya! Biro lang, anong oras ba 'yan?"
"Alas kwarto ma"
"Sge, umalis kana. Huwag kalimutang mag-ingat ha" bilin nya saakin, yumakap muna ako kay Mama ng mahigpit na mahigpit at nagpapasalamat dahil pumayag siya
"Mag-ingat karin ma pauwi ha" sabi ko na agad nyang ikinatango "loveyou Maaa!" Pahabol kong sigaw at nag flying kiss pa
Umuwi muna ako saamin at nagbihis, nagsuot ako ng palda na hanggang tuhod lang at t-shirt na white naglagay rin ako ng kaunting make-up sa mukha ko para hindi hagard tingnan at kinuha ang maliit kong bag sa kwarto ko at nagtungo agad sa Bar
"Ang tagal mo naman" reklamo ng aking kaibigan na si Thaliyah, she's my Best friend at siya rin ang may birthday ngayon
"Alam mo na, tinulungan ko pa si Mama sa pamementa kaya medjo natagalan ako" sabi ko
Hindi na siya muling nagsalita pa at iginaya ako sa loob ng bar, amoy na amoy ko ang amoy ng alak at halos masusuka ako dahil sa lakas ng amoy nito, marami rin akong nakikitang mga babaeng naghahalikan at nakakandong sa mga jowa nila ede sana all
Nakita ko rin ang kinaiinisan kong Babae, andito rin pala siya. Invited tskk. Nang napansin nyang nakatingin ako sa kanya ay inirapan nya ako
"Liyah, pwede namang sa bahay mo nalang tayo mag eenjoy e" saad ko dahil first time kong pumasok rito sa ganitong uri na lugar at hindi rin ako mahihilig sa mga matatao.
"Ano kaba! Birthday ko ngayon ouh at tyaka ngayon lang naman okay? Let's enjoy this night" she said and shouted while itinaas nya ang bote ng alak.
Binigyan nya ako pero tumanggi ako, "alam mo namang hindi ako umiinom ng alak e" sabi ko pero pinilit nya ako, wala akong magawa dahil birthday naman nya ngayon kaya pagbigyan ko nalang.
YOU ARE READING
THE MILLIONAIRE'S WIFE
RomanceCelestine Cruz is a brave woman, always helping her mother to sell a Vegetables in the market, she have a friend named Thaliyah, Her friend invite her to come in a club to Celebrate her birthday but in an unexpected event, her drink was laced with...