CHAPTER 31 : WEDDING PROPOSAL

7 0 0
                                    

  : ❝ WEDDING PROPOSAL   ❞


"Mom!  Tell me, Hindi yan totoo dba? " Halos pumiyok ang boses ko ng itanong ko 'yun kasabay ng pag patay sa lahat ng ilaw.

Nagbayad naman kami ng kuryente ah!

Wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid, tinawag ko sina Mommy and Daddy pero hindi sila sumagot. Tanging ang yapak at  paghikbi  ko lang ang tangi kong narinig.

Ano ba talagang nangyari?

Bakit bigla nalang dumilim at tumahimik ang paligid?

"Mom, wag na man gan'to ouh. Asan kayo?" 

Pero hindi nila ako sinagot, nanatili lang akong nasa pwesto ko at hindi gumalaw. Baka saan-saan pa ako mapunta at mabangga ko pa ang mga bagay na maaring mabasag.

Mga ilang segundo lamang ay bumalik ang liwanag pero nasa Harap yun.

Tumingin lang ako sa Harap at nakita ko ang isang pamilyar na Lalaki na nakatayo pero nakatalikod siya. May dala siyang bouquet of flowers.

Lumakas lalo ang pintig ng aking puso ng humarap siya at nakangiting nakatitig saakin, yung kaninang luha ko ay nanuyo na sabayan ng malamyos na musika

Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mga Mata ko si Mommy pero ayun,   nakangising nakatingin saakin at nag flying kiss at nasa tabi nya si Baby.

Anong ibigsabihin nito?

Acting lang pala yun ni Mommy?

Ang sama! Parang hindi nya ako anak e.

Pwede na siyang maging best actress may paiyak-iyak pa.

Nang binalik Ko ang tingin sa harap ay may hawak na na Microphone si Jayden, nagkatitigin kami kahit malayo kami sa isa't- isa.

Kitang kita ko kung paano siya ngumiti saakin, nakatutok lahat sa kanya ang Light and Camera's ng mga photographer(s).  Habang sa pwesto ko ay medjo madilim pero sakto lang na makita nila ako dahil sa ibang ilaw na  nasa paligid pero agad rin napawi ang dilim ng inilawan ang pwesto ko ngayon.

         " Hindi man araw araw na nakangiti
          At ilang beses na rin tayong humihindi
          Di na mabilang ang ating mga tampuhan
          Away bati natin di na namamalayan  🎶 "

Pagsisimula nya sa kanta,  I don't know na marunong pala siyang kumanta dahil ngayon ko lang siya narinig.

Ang ganda at ang lamyos ng kanyang boses, ang sarap pakinggan sa taenga na kahit paulit-ulit nya itong kantahin hindi ka magsasawa.

Woah! Hindi ako makapaniwala!

Pero bakit siya nag ganto? At wow! Pinalabas pa nilang pàtày na siya!  Halos mawala ako sa sarili ko kanina tapos prank lang pala 'yun.

Nagsimula na siyang humakbang papunta siguro saakin dahil nakatitig lang siya.

      "  Heto tayo ,
         Ngunit sa huli , Palagi
         Babalik pa rin sa yakap mo
         Hanggang sa huli Palagi
         Pipiliin kong maging sayo
         Ulit ulitin man
         Nais kong malaman mong
          Iyo ako 🎶 " 

Rinig ko ang mga tili at kilig sa mga taong nakatingin saamin, ako rin ay hindi mapigilang mapangiti at kiligin. Mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko habang kinakanta nya ang kantang  ngayon ko lang narinig.
Ang sarap sa taenga at feelings na kinakantahan ka sa taong mahal mo, ramdam ko talaga ang bawat  pagkasabik at pagmamahal sa kantang kinanta nya. And this time, "palagi " is my new favorite song.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now