CHAPTER 11 : ARGUMENT

9 0 0
                                    


   ❝ ARGUMENT   ❞

"Tama na nga 'yang pag-iinom mo Couss, makakasama 'yan sa kalusugan mo" reklamo saakin ni Liyah.

Nandito kasi kami sa Bar ngayon, at gusto ko lang rin maglabas ng sama ng loob.
Wala rin kasing work si Liyah ngayon dahil Sabado na at alas dyes na ng gabi kaya inaya ko siya dito sa Bar.

"Hindi kana man ganyan dati, hindi ka mahilig mag-inom e, anyari ba?" Napatigil ako sa pagtunga ng wine at tumingin sa kanya.

Well, tama nga naman siya Hindi ako mahilig uminom ng wine, pero ginawa ko Talaga dahil gusto kong kalimutan ang nangyari kanina.

"Hindi nya ako pinansin" diretso kong sabi sa kanya, nakita ko siyang nagpigil ng tawa dahil sa sinabi ko kaya nagsalita pa ako "kanina kasi, ako ang naghanda ng dinner para sa amin at gusto kong sabay kami kumain but he's nothing. Binalewala nya ako Hannggang sa dinaldal ko siya pero sinigawan nya ako, huwag ko raw siyang distorbohin dahil may ginagawa siya at hindi pa siya gustom" halos tumulo ang luha ko sa sinabi ko kay liyah, at siya ay nakikinig lang saakin..

"Seryoso? Sinigawan ka ni Sir Jayden?" Hindi makapaniwalang tanong nya saakin, tumango ako at uminom ng wine.

"Huwag mong sabihing mahal mo na siya?" Tumango ako sa tanong nya saakin.

Gusto ko lang naman kasing gawin ang mga bagay na ginagawa talaga ng asawa pero sana pala'y hindi ko nalang ginawa.

Ito rin kasi ang kauna-unahang sinigawan nya ako at nakakatakot siya. Natatakot ako sa kanya kaya napagdesisyonan kung lumabas ngunit nahuli nya ako at  hindi nya ako pinayagang lumabas kaya  tumakas ako. Tulog na rin kasi si Michael kaya bukas na ako uuwi dahil ang gusto kong gawin ngayon ay mag-inom ng mag-inom.

Bahala siya sa buhay nya kakaisip kong saan ako nagpunta, simula ngayon! Hindi ko na siya papansinin o disturbin.  Well, sino ba naman ako para hanapin nya dba? Haha

Nakaka-inis nga e.

"Look, couss. Kita mo yang boy na nakaupo ?" Tanong saakin ni Liyah

"Oh tapos?"

"Kanina pa 'yan nakatingin sa pwesto natin. Parang kung makatingin ay hinuhubaran tayo pero ang pogi nya" napairap ako at muling tumingin sa tinutukoy nyang lalaki.

Nang magtama ang tingin namin sa Lalaki ay kumindat ito't tumayo at lumapit saamin

" Hi, girls" bati ng poging lalaki pagkalapit nya..

"Hi" — Liyah

"You're both beautiful" Sabi ng lalaki, rinig kong nagpasalamat si Liyah.

"My name is Cleo"  inilahad nya ang kanyang kamay.

"Thaliyah" 

"And you're?" Tumingin siya saakin.

"Celestine" — I said.

Nagkukuwentuhan kami habang umiinom ng wine, maraming bote ng alak na akong naubos kaya naman ramdam ko parang nahihilo na ako gawa ng epekto sa Alak.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at tiningnan yun, It was Jayden. Siya ang tumawag. Napaikot ako ng Mata dahil naka 16 missed call na pala siya.

'Where are you!?'

'Damn! Answer my fvcking call!'

'Hey, where are you? Susunduin kita'

'Im worried, I'm sorry'

'yan ang basa ko sa mga message nya kaya inioff ko ang cellphone ko upang hindi makareceived ng message o tawag galing sa kanya.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now