CHAPTER 2 : PREGNANT

19 1 0
                                    

" Don't forget to follow and vote. "

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw, at napabalikwas ng bangon ng may naramdaman akong lalaking nakayakap sa hubad kong katawan?

Pinagmasdan ko siyang natutulog at inilibot ang aking paningin sa kabubuan nitong room at dito ko napagtantong nasa Vip room pa ako.

Fvck!!!

What did I do?

Parang kamatis sa pula ang aking mukha ngayon ng maalala ang nangyari kagabi.

Malaking kakagagohan to!

Ramdam ko rin ang hapdi ng pribadong parte ko, at ang sakit rin ng ulo ko.

Nang tingnan ko ang oras sa aking cellphone ay nanlaki ang aking mata na  alas nuebe na ng umaga, malutong akong napamura sa aking isipan  ng makitang naka 23 missed call si Mama at liyah.

Marahan kong itinabi ang kanyang brasong naka yakap sa katawan ko at bumaba sa kama, at pinulot isa-isa ang aking mga damit upang suotin yun ulit.

Nang tumingin ako sa Kama ay ang dumi na nito at may dugo rin na galing saakin.
Paika-ika akong naglakad palabas ng Bar at kung may mga tao akong nakasalamuha ay maging ayos ang aking lakad upang hindi nila ako mapansin.

Pumara ako ng taxi pauwi, nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong nagbayad  at bumaba.

Pagpasok ko pa lang ay nakita ko si Mamang umiiiyak na nakaupo sa Sala  at nang makita nya ako bigla nya akong niyakap.

"Saan ka galing Celestine!" Humikbi siya ng humikbi  at patuloy na tinatanong kong saan ako nanggaling

"Nakailang tawag ako sa'yo pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko"

"Pasensya kana Ma, ang sakit kasi ng ulo ko kaya hindi ko nalamayan na tumawag ka" pagpapaliwanag ko..

"Saan ka natulog kagabi?"

"Sa bahay ni Liyah"

"Nandito siya hating gabi hinahanap ka asan ka raw bakit mo siya iniwan"  dahil sa sinabi ni Mama ay napalunok ako ng laway.  What if? Malaman ni Mamang may nakatalik ako na lalaki?

At ano? Siya nga itong nang-iwan saakin sa Bar tapos hahanapin nya ako?

Ayokong madag-dagan ang problema ni Mama. Anong ipapalusot ko?

"Ha? Andun naman ako sa bahay ni Liyah Ma, don ako natulog" pagsisinungaling ko at napaniwala ko naman si Mama.

Pagkatapos ay pinaakyat nya na ako sa itaas upang mag-ayos ng sarili dahil para raw akong babaeng pulubi sa itsura ko ngayon, nakailang hakbang ako ng paika-ika ako at napansin yun ni mama

"Okay kalang Celes?" Tumango ako "anyari sa paa mo?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa tanong ni Mama at napaisip kong anong magiging sagot ko

"Ah dbale, sge na akyat kana at pupunta na ako sa palengke upang magbenta ulit nitong gulay" nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na muling nagtanong pa si Mama.

——

"Saan ka nanggaling kagabi? Bakit mo ako iniwan at hindi ka nagpaalam na umalis?" Nakabusangot na tanong ng aking kaibigan na si Thaliyah, andito kami sa Cafee. Balak ko kasing sabihin sa kanya ang mga nangyari kagabi pero ako'y nagdadalawang isip paano kong sabihin nyang andumi ko nang babae?
Pero dbale, hindi naman siguro nya ako huhusgahan dahil para ko na rin siyang katapid, she's my cousin at wala rin kaming tinatagong sekreto sa isa't isa.

"Huh? Ako nga dapat magtanong sa'yo nyan kung bakit mo ako iniwan at don kapa kay Tarla nagsabi na uuna kanang uuwi". Sabi ko

"Pinagsasabi mo? Alam mo namang kaaway mo ay kaaway ko na rin kaya paanong mangyaring don ko kay tarla sasabihin?" Nagulat ako sa sinabi ni Liyah, kung ganon paanong nagawa yun ni Tarla saakin? May posibilidad ba kaya na nilagyan nya ng gamot ang alak upang maging ganon nalang ang gusto ng aking katawan?

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now