CHAPTER 5 : A WIFE

12 0 0
                                    

     ❝  I AM NOW A WIFE OF        MILLIONAIRE.  ❞

"  Mag kwento kana kasi,  kumusta ang pagsasama nyo?"  Ilang beses na 'tong nangungulit si Liyah saakin, naiirita na rin ako sa boses nyang panay tanong kung ano ba ang nangyari, anong ginawa namin ng Jayden na 'yun.

"Mag kukuwento ka o magkukuwento" umiling ako sa sinabi nya at bahagya akong napatawa.

"Ah, ayaw mo? Susumbong kita kay Tita"  sabi nya na ikinalaki ng mata ko, kinuha nya ang phone nya sa bag at pinakita saakin ang number ni Mama.

"Isa" pagbabanta nya

"Dalawa" dugtong nya at inilapit ang kanyang daliri sa phone upang mapindot ito.

"Oo na, ito na" sabi ko

"Yeheyyy!!"  Parang bata nyang sigaw at niyakap yakap nya ako.

Nakikinig lang siya saakin habang ikinukwento ko ang mga nangyari kanina, as in lahat-lahat.
Pati rin ang nangyari saakin kakagawan ng Mommy ni Jayden.

"So, ano pinermahan mo ang Marriage contract?" Tanong nya saakin.

Umiling ako  "hindi, Hindi ko gagawin yun"  dahil sa sinabi ko bigla siyang sumimangot

"Bakit? Cousss, halos lahat ng babae ay hinahangad siya. Crush siya sa ibang mga kababaehan pati rin ako nag ka crush sa kanya, kung ako siguro ang nasa posisyon mo malamang sa malamang pinirmahan ko na 'yun. Bukod sa gwapo siya beh ackkk! Ang sikat rin nya! Pinaka sikat siya na Actor alam mo 'yun?"

Umiling iling nalang ako sa sinabi nya "alam mo namang may reason ako dba? Kaya Hindi ko 'yun pinirmahan at tyaka hindi ko siya tatanggalan ng karapatan sa baby dahil siya ang ama ng dinadala ko  "

"Sabagay"

Hindi rin kasi kami bati ng Mommy nya kaya hindi ko magawang pirmahan yon. At bukod sa lahat mas gusto ko pa siyang kilalanin ng husto.

Pinagsabihan ko rin si Liyah na huwag mo nang sabihin kay Mama ang mga nangyari dahil alam kong mag-alala lang siya para saakin.

Niligpit na muna namin ang mga gamit namin at inilagay sa bag, malapit na kasing mag Alas-syete ng gabi kaya dapat na kaming pumunta sa pinagtatrabahoan namin..

Marami sigurong mga clients ngayon,  nagpara muna kami ng taxi at pumasok na kami agad.

Alas syete mag-simula hanggang ala una ng madaling araw matapos

Hindi  madali ang pagiging Call-center lalo na't wala kang tulog ng maaga, maaawa ka talaga sa sarili mo pag humarap ka sa salamin dahil mayroon kanang malaking eyebag at lalo na pag nag ka-client ka ng ang lakas maka-english, manonosebleed ka talaga.

Pagkapasok palang namin dito ay laat ng mga ka co'work ko ay nakatingin saakin na para bang nakakita ng multo dahil sa gulat na makita ako..

Anyari sa kanila?

Nakatingin lamang sila sa phone nila habang palipat lipat ng tingin saakin, at dahil chismosa tong cousin ko. Inagaw nya bigla ang phone ng babae at tiningnan yun..

"Ackkkkkk Cous!!" Sigaw nya na para bang walang bukas..

"Bakit?"

"Viral kana cous!"

"Famous kana " sabi ni Liyah saakin kaya Kinuha ko ang phone ko sa bag at inopen 'yun pero nagulat nalang ako ng andami  ko ng  natanggap na mga spam messages.

Pinamulahan ako ng makita ang mukha ko sa Cp,  sa nangyaring eksena kanina habang nasa Mall.

At kitang kita rin don kung paano ako buhatin mi Jayden. Gags!!

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now