CHAPTER 17 : MEMORIES BACK

4 0 0
                                    


❝  MY MEMORIES BACK   ❞

Tatlong araw na ang dumaan ngunit wala paring balita kay Jayden.  Nawawalan na ako ng pag-asa  pero kakayanin para sa anak namin. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa dahil may anak kami, at naniniwala akong buhay pa ang Asawa ko dahil bukod walang bangkay nya ang natatagpuan ay malakas ang kutob kong buhay pa ang Asawa ko. sana nga...

I never expected  this but I know everything's happen for a reason.

Umiiyak kong pinagmasdan ang kabaong ng pinsan ko habang unti-unti na itong tinatabonan ng lupa, habang si Tita naman ay hinahagod hagod ang kanyang likod dahil kanina pa siya umiiyak ng walang tigil. Hindi matanggap ang Biglaang pagkamatay ng kanyang Anak, maski ako, kami. Hindi rin matanggap pero kahit baliktarin man ang Mundo, hindi na namin maibabalik ang Buhay ni Liyah.

"Anak ko"  halos mapiyok na ang Boses ni Tita at namamaga na rin ang kanyang Mata, kumirot ang dib-dib ko habang tinitingnan si Tita na nakaluhod at tinatanaw ang kabaong. Hindi ko na nakayanan ang sakit at umalis na, pumunta ako sa malaking Puno ng makita ko ito at don ko na binuhos ang sakit, hindi ko kayang makita si Tita ng ganun. Kasi Yung puso at pakiramdam ko ay hindi titigil sa paninikip.

Nagpaalam mo na ako kay Mama at Papa na uuna na ako  at para narin  hindi sila mag-alala saakin at mabantayan rin nila si Baby pero ang totoo gusto ko lang ilabas ang lahat ng mga luha ko.

   THIRD PERSON POV ;

Habang nakasandal si Celestine sa Malaking puno ay naisipan nyang doon  muna maghapon dahil narerelax siya don at nagawa nyang magtahan, ang sarap rin ng  simoy ng hangin, kinuha nya ang Cellphone nya at tinitingnan ang litrato nilang Dalawa ng pinsan nya at naiyak na naman. Napatigil lamang siya ng pakiramdam nya na niyakap siya ng malamig na hangin.

Doble-dobleng sakit ang kanyang nararamdaman ngayon dahil nawalan pa siya ng kaibigan, nawawala pa ang kanyang asawa.

Sa araw na nabalitaan nyang sumabog ang eroplano ay ibinalita nya yun sa mga parents ni Jayden kaya labis ang pag-alala nito't pagkagulat at nag hired rin sila ng mga taong pwedeng tumulong sa paghahanap ng kanilang Anak pero hindi parin ito nahanap.

Sa kabilang Banda naman, Sa araw na naganap ang Aksidente,  sa Iiblib ng tulay may isang Matandang Lalaki ang  nangingisa dahil kung wala siyang mahuling isda ay wala silang panghapunan.

Habang patuloy siya sa pangingisda ay may napansin siyang tao na palutaw² sa Tubig habang nakasuot ito ng parachute, agad nya yung nilapitan dahil sinisigurado nyang tao nga ba talaga ang kanyang nakita o namimilik-mata lang nya dahil sa pagod na rin ng kanyang nararamdamn.

Nang makalapit na siya ay nanginginig siyang iniangat ang mismong Lalaki dahil wala na itong Malay, may galos rin ang kanyang mukha at magkaliwang braso, ng suriin nyang tumitibok pa ba ang puso nito ay labis ang kanyang saya dahil buhay pa ito, dali-dali nyang isinakay sa maliit nyang Bangka at umuwi.

Nang makaahon na sila sa Tubig ay mabilis nya itong ginawan ng CPR upang maibuga ang tubig na nainom ng Lalaki.

Wala siyang pagdadalawang isip na ihiga ito at gamutin upang maghilom ang mga sugat na natamo nito ng dalhin nya ito sa kanyang maliit na bahay.

" Laurine! " pagtawag nya sa kanyang nag-iisang Anak na babae, si Laurine ay matangkad, morena at ang buhok nito ay medjo kulot, mabait at masayahing Babae kahit na ang kanyang Ama nalang nito ang bumubuhay sa kanya.

"Po,  tay?" Pagsagot nya.

"Halika dito, tulungan mo nga ako"

"Bakit ho itay?" Taka nyang tanong at pumunta sa kwarto ng kanyang Tatay ngunit laking gulat nya ng makitang may Dala itong Lalaki sa kwarto na mahimbing ang tulog  habang ginagamot nito ang mga sugat sa katawan..

"Sino siya 'tay?"

"Hindi ko Alam, nakita ko lang siya sa gitna ng dagat  lumulutang, kuha ka ng maligamgam na tubig,   bilis"  agad namang sumunod si Laurine at mabilis na kumuha ng tubig at  Bimpo. 

Inilagay ng kanyang Tatay ang Bimpo sa Noo ng lalaki dahil mataas ang lagnat nito.

"Kawawa naman siya, ano kaya ang nangyari sa kanya?" Mahinang Tanong ni Laurine habang pinagmasdan ang Lalaki,  tinitingnan nya ito ng Maigi hanggang sa napunta ang tingin nya sa Labi nitong kaakit-akit, panay lunok siya ng Laway dahil kahit  walang Malay ang Lalaki ay nakakaakit ang mukha nito, sobrang gwapo rin kasi ng Lalaki kaya kahit sinong babaeng makakita sa kanya ay magagwapohan..

"May asawa na ba kaya siya?" Tanong nya sa isip nya at nalungkot.

Parang nagka Love at First sight siya nito pero alam nyang mali yun dahil malabong mangyari na papatulan siya at alam nyang  galing rin mayaman ang lalaking natagpuan ng kanyang Tatay at baka may pamilya na ito.

"Hay naku, wag titigan ng matagal dahil baka matunaw"  sambit ng  Kanyang tatay. Umiling-iling nalang si Laurine at nag sandok ng kanin upang silay maghapunan na, hindi naka huli ng isda ang kanyang tatay kaya gulay ang magiging ulam nila.

Gulay na tangkong at may natira pang tuyo sila kanina kaya yun ang kanilang hinaponan.

Wala silang Kuryente dito at tanging Lampara lang ang kanilang Gamit upang magsilbeng liwanag at liwanag ng Buwan..

Lumipas ang isang Linggo ay nagpapaalam ang kanyang Tatay na mangingisda na muna kaya binilin ng kanyang Tatay na siya na ang bahala rito.

Habang nagbabasa ng Libro si Laurine ay may narinig siyang parang may umubo sa silid ng kanyang Tatay, dahan-dahan siyang tumayo ay nagtungo roon.

"Naku po" sabi nya at nilapitan ang Lalaking  nagtangkang tumayo  at inilayan nya itong umupo ulit "magandang Balita to pagbalik ni Tatay dahil sa wakas ay nagising kana rin" masayang sambit ng Babae.

"Who are you? " Takang tanong ng Lalaki at inilibot ang kanyang paningin sa Maliit na bahay na gawa sa Kahoy pero Maganda ito dahil sa sobrang Linis at desenyo nito.

"Ang ganda ng Boses mo at ang Pogi mo rin. " mahinang bulong ni Laurine  sa sarili at pinigilan ang ngiti.

"Ah, a-ako pala si Laurine" pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

"Ikaw Anong pangalan mo po?"

Sandaling natigilan ang Lalaki at napatingin sa Babae.

"My name?". Tumango si Laurine

"Anyway, ano bang nangyari sa'yo? Natagpuan ka nalang ni Tatay na walang Malay habang palutang-Lutang sa Dagat. At buti nalang nakita ka nya habang siya ay nangingisda at ginamot ang iyong sugat" pilit na pinoproseso ng Lalaki ang lahat pero wala siyang maisagot.

Tahimik lamang nyang pinagmasdan ang Babae habang may inaalala ito.

"My name is.. "

Naghintay lamang ang Babae sa maaaring sabihin nito..

"My name is ..."

"Arghh!" Napahawak siya sa Kanyang ulo dahil biglaan itong sumakit, halos mabingi siya sa tunog na nanggaling sa ulo nito dahil sobrang sakit at tinis ng tunog nito. Natatarantang tumayo ang babae at kumuha ng Tubig, nang matapos siyang kumuha ng Tubig ay bumalik siya sa silid at tiningnan ang Lalaki na ngayon ay nakayuko habang nakahawak sa Ulo.

Nanginginig siyang inabot ang Baso na may tubig dahil hindi gumalaw ang Lalaki  habang nakayuko ito pero kalaunan ay unti-unting tumingin ang Lalaki sa Babae at ang kaninang sakit sa ulo ay biglang naglaho.

"My Name is J-Jayden"

"And my Memory is Back"

─────────────

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now