CHAPTER 13 : BIRTHDAY

6 0 0
                                    


    ❝  BIRTHDAY SURPRISED ❞

Tama nga si Jayden, hindi ako makakalakad pagkatapos ng ginawa namin. Grabe ba naman, takot na iwan ko siya. He's always here by my side habang hindi pa ako nakakalakad, sasakit rin kasi pag pinilit kong tumayo kaya si Jayden ang nag-aasikaso at nag-aalaga saakin.

How Lucky am I to have a husband like him? Kahit na minsan ay may tupak ka handa ka nyang intindihin.

Naiinis ako sa kanya dahil dalawang araw na pero Hindi parin kami uuwi, paano si Baby dun? Sinong nag-aalaga?

Kanina ko pa siya kinukulit na uuwi na kami pero binigyan lang nya ako ng nakakaakit na ngiti, hindi daw dapat ako mag-alala dahil nandun naman kina Mama at Papa si Baby and also, nagpaalam siya na mag laan muna raw kami ng oras para sa isat- isa?

Sumbungerong Jayden!

Hanggat raw Hindi pa ako makakalakad ay hindi pa kami uuwi, kaya ipakita ko sa kanya na kaya kong tumayo at okay na ako.

Pero bush!t Hindi man lang nakisama ang aking mga paa, sinamaan ko siya ng tingin ng narinig ko ang mahina nyang tawa sa pagkadapa ko.

Wala rin akong magawa kundi ang mag stay talaga dito na kasama siya, Hindi ko rin kasi alam anong lugar o saan to tinanong ko siya kanina pero puro secret lang ang isinagot.

———

"Ang ganda mo" biglang sambit saakin ni Jayden na naging dahilan nabasag ang katahimikan saaming dalawa, nandito kami sa Harap ng Dagat, nakaupo sa Mapuputing buhangin at Inaabangan ang pagsikat ng araw at kung gaano ito kaganda.

Lumingon ako sa kanya "Sge lang, mambola kapa" sabi ko at muling lumingon sa Langit.


Ngunit tumawa lang siya at pinalingon sa kanya, "nagsasabi ako ng totoo, wifey. Ang ganda mo, Ackk thankyou lord!" Sumigaw siya na parang bata, ano bang nakain nya?

Inilagay ko ang aking ulo sa kanyang balikat, habang siya naman ay sinuklay ang aking mga buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Ramdam ko rin kung gaano nya iniingatan ang buhok ko sa bawat pag dampi ng kanyang mga daliri sa buhok ko, hinayaan ko lamang siya na gawin yun hanggang sa unti-unting sumikat ang araw, napabangon ako at itinuro ko ang sunrise.

"Picturan mo'ko dali" sabi ko at ibinigay sa kanya ang phone ko, agad nya yung tinanggap at tumayo, nag posting ako.

"I loveyou" he said dahilan napangiti ako, hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha  kapag sinabihan nya ako ng mahal nya ako, kahit maraming beses ko na narinig ang salitang yun galing sa kanya, still kikiliginn parin ako hindi kasi nakakasawang pakinggan dahil sa simpleng ganun nya, ramdam kong mahal na mahal nya ako.

"Done" he added. Nagulat ako dahil hindi pa nga siya nagsabi ng  1... 2... 3... Smile tapos na agad?

"Ulitin mo, ano bang klaseng pag pic nyan? Mag count ka naman" reklamo ko ngunit ngumiti lang siya at umiling-iling

"I don't need to count, My I loveyou is enough, I loveyou" at sa pangalawang pagkakataon napangiti ako at nag flash agad ang Camera. Huhuness!

"Tayo namang dalawa hubby" sabi ko ngunit umayaw siya dahil ako nalang raw ang pipicturan nya kasi hindi siya mahilig mag take ng selfie pag siya.

"Ayaw mo? Wala kang kiss and hugs saakin" sabi ko dahilan agaran siyang tumabi saakin, kinuha ko sa kanya ang phone at ako na ang nag take ng pic sa Kanya at sa aming dalawa at masali rin sa pagkuha ang sunrise.

"Smile ka naman, mawala pagka gwapo mo pag hindi ka ngingiti"

Ngumiti siya at tinimer ko ang phone ng 3, at  3, 2 , 1 kasabay ng pagpitik ng Camera kasabay rin ang pag angkin ni Jayden sa mapupula kong labi. I was froze for a moment sa ginawa nya. Parang huminto ang lahat, ang mundo , at tanging kalabog lamang ng puso ko ang aking narinig.

THE MILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now