❝ I'M HER HUSBAND ❞Apat na araw na rin simula nung makabalik si Jayden Villamonte sa Mansion, bumalik na rin sa States ang kanyang parent's para ipagpatuloy ang Business ron, samantalang si Mattew ay nanatiling nasa Mansion dahil mag stay muna siya pansamantala.
' Sir Jayden, welcome back! '
' Mr. Jayden, ano po ang masasabi nyo sa nangyaring pagsabog ng eroplano? '
' May pinaghihinalaan po ba kayo sa nangyaring pagsabog? '
'Ano po ang masasabi nyo sa pagkamatay ng 'yong sekretarya? '
Mga iilang tanong ng mga Reporters kay Jayden, bumalik na rin kasi siya sa kanyang Company kaya pagkalabas at pagkalabas nya sa magarang nyang kotse ay bumungad sa kanya ang mga iilang nag tipon-tipon na mga Reporters.
Marami ring mga nakapalibot at nakaharang sa kanya na mga guards nya upang siya'y mapoprotektahan at hindi basta-basta malalapitan.
Maraming mga kumukuha ng video o litrato at may nakatutok rin na Camera sa kanya para maipalabas at maibalita na siya ay buhay at nakabalik na.
Ngunit hindi 'yun pinagtuunan ng pansin ni Jayden, isinuot nya ang kanyang shade at ang kanyang kamay ay inilagay nya sa bewang ni Celestine.
"Nakakahiya". Mahinang sambit ni Celes, nginitian lamang siya ni Jayden at nagpatuloy na sila sa paglalakad papasok ng building, ngunit bago pa sila makapasok ay napahinto sila ng nagtanong ulit ang isa sa reporter(s).
"Sir Jayden, bago mo po siyang Secretary?" Napakagat labi si Celestine at nahihiyang bumaling ng tingin kay Jayden habang hihintay ang maging sagot nito.
"No, she's not my secretary". Malamig na sagot ni Jayden.
"So ano mo po siya?" Ibinaling nya ang kanyang tingin kay Celes at ngayo'y nagkaharapan na sila, ngumiti siya at bigla na lamang nyang sinakop ang mapupulang labi ni Celestine sa harap ng mga taong nagkukumpulan.
Nabigla man si Celes sa ginawa ni Jayden ay isinawalang bahala na nya yun, ang lakas ng pintik ng puso ni Celes sa ginawa ni Jayden, at halos mukang hindi siya makahinga dahil sa kilig at sa susunod na sinabi nito.
" She's my Wife and I'm her husband " gulat ang umarko sa mukha ng mga nakapalibot sa kanila't Hindi makapaniwala.
Mga pisnge ni Celes ay muka ng kamatis dahil sa pula na nito, ' Lord, kunin nyo na po ako, hindi ko na po kaya ang kilig. Makakamatay ' sambit ni Celes sa kanyang isip.
Pagkatapos isinapahayag ni Jayden ang kanyang asawa ay tumalikod na sila't umalis sa harapan ng mga Reporters at mga taong nakapaligid sa kanila.
Habang tinatahak ang loob papasok sa office ni Jayden ay hindi maiwang isipin ni Celes ang ginawa sa kanya ni Jayden, kinikilig siya at hindi rin makapaniwala.
"Bakit mo 'yun ginawa?" Tanong ni Celes pagkapasok nilang dalawa sa opisina nito.
"Ang alin?"
"Pinublic mo na ano, asawa mo'ko"
"Is there a problem with that?" Umiling si Celes.
"Wala naman, kung sinabi mo sana saakin na ipakilala mo'ko ede sana, napaghandaan ko. Nakakagulat ka "
"Kahit hindi ka man maghanda, you're always beautiful and you're the Woman I will love 'till my last breath.
"Eh? Kinikilig na naman ako" tili ni Celes
Mahina lang siyang tinawanan ni Jayden at inangkin ulit ang kanyang labi.
Sa kabilang banda naman, nakakuyom ang kamao ng lalaki habang pinapanood ang balita. Balitang nilantad sa pobliko ni Jayden na asawa nya si Celes.
"Dãmn that!" He Shouted at inihagis kong saan-saan ang bote ng alak.
Hindi nya mapigilan ang mainggit, pinanood nya ito pinagtitigan ang babaeng hanggangg sa bewang nito na naroon ang kamay ni Jayden.
"Sir, ayos lang ho ba kayo?"
"Just fucking continue your work and don't brothered me. ". Nanginginig sa takot ang maid dahil sa inasta ng lalaki.
Akmang tatalikod na sana ang Maid ngunit pinaharap siya nito at inutusan na pulutin ang basag na bote, at sa hindi sinadya. Nasugatan ang Maid kaya dumugo ito.
Pinatay nya ang TV at tinawag ng Lalaki ang ibang maids upang linisin ang kalat nya na kaagad sinunod ng Maids.
Nanlisik ang mata nito't habang nakakuyom ang kamao, ngunit nabaling ang attention nya sa sanggol na umiyak , habang pinapatahan ng yaya.
Tumayo siya sa kanyang kinatatayuan at pumunta sa pwesto ng sanggol, kahit natatakot ang yaya ng baby ay hindi siya nag tangkang nagsalita ng kunin ito ng lalaki at kinarga't nilagay nya sa kanyang bisig.
Napangisi siya ng may naisip na plano, sa kalagitnaan ng pag-iisip ay bigla na lang umiyak ang bata na ikina-inis nya.
"Ang ingay "
"Sir Mattew, k-unin ko na po si Baby, p-apatahanin ko lang" Agad yung ibinigay ni Matt ang bata sa yaya nito at bumalik sa sofa.
Mabilis nyang inilagok ang Wine habang tinitingnan ang batang karga-karga na ngayon ng yaya nito.---
"Anne, anong nangyari sa kamay mo bakit may sugat ka?" Pagtatakang tanong ni Celes sa maid nilang si Anne..
"Ah, e- Maam Cel— " napahinto siya sa kanyang sasabihin ng biglang dumaan si Matt at tiningnan ito sa mata na nakakatakot dumaan kasi siya sa gilid nila papuntang Ref at may kinuha.
"W-wala po 'to maam, sa kutsilyo lang po to nasugatan nung naghiwa ako ng mga sibuyas"
"Ah, ganun ba. Sa susunod be careful okay?" Tumango si Anne habang pinagpawisan.
"Tka, bakit parang ang putla mo? Nakakita ka ba ng multo?" Celes asked again..
"H-hindi po maam, siguro kulang lang ito sa tulog"
Bumaling ng tingin si Celes kay Matt dahil kanina pa to nakatingin sa ref at para bang nag-iisip pa na kung ano ang kukunin nya.
"Ah, Matt" pagtawag ni Celes..
"Matt" pag tawag ulit nya at dun lang napalingon si Matt sa kanya.
"Yes, why?"
"May problema ba?"
"Wala naman, may naisip lang" sagot ni Matt at kinuha ang malamig na tubig sa Ref.
"Fvck! ". Napalingon sila Celes sa kinaroroonan ni Jayden dahil nagmura ito.
"Hubby? What happened?". Pag-alalang tanong ni Celes.
"Ninakawan na naman ang bangko sa Kompanya! Fuck that asshólé who stole money in my Bank!" Galit na sambit ni Jayden at bahagya pa nitong naikuyom ang kamao.
Gumaan lamang ang kanyang pakiramdam ng yakapan siya ng kanyang asawa kaya nanlambot siya at niyakap nya pabalik si Celes.
Palihim na napangiti si Matt dahil sa narinig, agad nyang kinuha ang phone nya sa bulsa nya dahil may nag message. Mas lalong umarko ang kanyang ngiti ng makita nyang may 800,000 pesos sa Account nya.
"What are you smiling?" Jayden asked ng makita nyang nakangisi si Matt.
"Ako? Nakangiti? Hindi ah" pag deny ni Matt.
"Don't worry bro, tutulungan kitang mahuli kung sino man ang taong nagnakaw sa Bank mo. " Matt added at tinapik ang balikat ni Jayden.
'Kung mahuhuli mo 'ko ' mahinang bulong ni Matt.
────────────
YOU ARE READING
THE MILLIONAIRE'S WIFE
RomantiekCelestine Cruz is a brave woman, always helping her mother to sell a Vegetables in the market, she have a friend named Thaliyah, Her friend invite her to come in a club to Celebrate her birthday but in an unexpected event, her drink was laced with...