Chapter 1

3 1 0
                                    


CHAPTER 1

Unang beses palang namin magkita ni Adam, alam ko na agad na sya yung tipo ng tao na hindi ko makakasundo. Kaya nga tuwing aalalahanin ko yung mga panahong high school palang kami ay natatawa nalang ako. Naikukumpara ko ang nakaraan sa kung sino ako ngayon.

Binago ako ni Adam sa paraang hindi ko kailan man inakala. Pinaramdam niya sa kin ang kakaibang pagmamahal. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit at walang katumbas na halaga ng kahit na anong bagay sa mundo.

"Lloyd, tignan mo, ang ganda talaga ni Annie, no?"

"Sinabi mo pa! Maganda talaga yan. Kaso nga lang–"

"Ano?"

"Eh ang kaso magaslaw at kaskasera ang bunganga! Daig pa lalaki kung magmura!"

"Ows? Di nga? Sa gandang yan?!"

"Oo nga! Langya, nung unang kita ko nga din dyan kala ko anghel! Muka pang mahinhin."

"Eh ano nangyari?"

"Ayun! Narinig kong magsalita. Tan*ina, pre, na-turnoff ako agad!"

"Nak ng- haha! Sayang."

"Sobrang sayang."

Naglakad lang ako sa canteen habang rinig na rinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang mokong sa likod ko. Di ako pamilyar sa boses nila kaya malamang na di ko sila kilala. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod pero dahil siksikan dito sa hallway ay nahirapan na kong makita sila.

At dahil hindi ko alam kung saan ibubuhos ang inis ko, piinanlisikan ko nalang ng mata yung babaeng napatigil sa harap ko. "Dumaan ka na kung dadaan ka. Kung makatingin ka dyan parang pati tigyawat ko nakaharang sayo ah?!" Napapitlag agad siya sa pagtaas ko ng boses at dumaan nalang sa gilid ko. Nakatungo pa siya na akala mo iiyak na.

"C2 nga! Isa." Sabi ko sa tindera sa canteen.

Halatang nagulat siya sa'kin. Estudyante rin dito sa school ang isa sa mga tindera nila kaya nung tignan niya 'ko ay alam kong alam nya na kung sino ako. Di naman sa pagmamayabang ay peymus ako dito.

"12 pesos." Sabi nya matapos iabot sa 'kin yung C2. Nagbayad naman ako agad at naglakad na palayo. 12:30 na at lunch break na rin kaya bago pa lalong magkasiksikan sa loob ng canteen ay umalis na ko.

Ako nga pala si Annie. Isang Grade 9 student dito sa Diamond High School. Isang public school kung saan madaming loko lokong junior high, mga nagpuputukan ang liptint at cheek tint ang mga babae (isa na ko dun) at nagpapayatan naman ang mga lalaki.

Maraming mga nagsisigasigaan dito (at kasama ulit ako dun). Tanggap ko sa sarili kong basagulera ako. Kaya ayun, madaming galit sa'kin kaya madami rin akong kaaway.

Habang naglalakad ako sa hallway ay panay ang tawag sa'kin nung mga kakilala ko. Halos harangan na nila ang daan na akala mo mga hari ng Tondo.

"Oh! Boss Annie!" Kumaway pa sa'kin si Ben, isa sa mga tropa ko. Siya ang pinakasiga sa lahat. Kaya naman to lumalakas ang loob makipagbasag ulo dahil mas malaki ang katawan niya kumpara sa mga estudyante dito.

"Ano ba yan, di ka nanaman naligo." Pang-aasar ko. Nagtawanan naman yung mga kasama niya. Nakangiting nagkamot naman siya ng ulo.

"Asset ko na ata ang di pagligo, Boss! Hahahaha!"

"Annie! Gumaganda ka lalo ah?" Sabat nung kasama niya, si Jasper na ubod ng payat. Napakababaero ng isang to. Sinubukan pa nga niya kong ligawan noon pero agad ko siyang binasted.

Binatukan tuloy siya ni Evan. "Di ka pa rin papasa kay Annie!" Siya yung mukang pinakamatino sa lahat. Muka lang. Pasimuno yan ng gulo eh.

"Makabatok ka ah?!" Reklamo ni Jasper.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon