Chapter 21

0 0 0
                                    

Mismong araw na ng contest ngayon pero pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko. Hinang hina ako kahit na kagigising ko palang naman.

"Annie, going to school?" Sabi ni Dad nung pagbaba ko ng hagdan.

"Opo."

May hawak siyang papel, nung napansin niyang nakatingin ako doon ay mabilis niyang inilagay yun sa suitcase niya.

"Kumain ka muna ng almusal. Pinagluto kita." Aniya.

Tumango lang ako. Dumiretso kami sa kusina habang pinaghain niya ko.

"Kayo po?" Naupo lang kasi siya habang nakatingin sa'kin. Pilit siyang ngumiti. "Tapos na ko." Tugon niya.

Nagsimula akong kumain habang namagitan ang katahimikan sa'min ni dad.

"I'm sorry, anak." Marahang sabi niya.

Hindi ko maituloy ang pagnguya ko. Mabilis namuo ang luha sa mata ko.

"Wala na kong magawa sa mommy mo. H-hindi niya na talaga kayang makasama ako."

Pinilit kong lunukin yun kasabay nang dahan dahan kong paglapag ng kubyertos sa lamesa. Nagtatanong ang tingin ko sa kaniya.

"Papayag na 'ko sa annulment na hinihingi nya kasi sabi niya, di ka niya kukunin sa'kin. So maybe, pwede tayong magmigrate sa ibang bansa, for a new start."

Tumigil ang oras para sa'kin, kasabay nang pagbagal ng paghinga ko.

So it's final. I want to tell him I don't mind. But I do.

"Pauunahin na kitang pumunta doon once I settle our new house. Maybe you can take a tourist visa first. Ako na ang bahala. You don't need to worry about anything. And your mom, well, she won't--she won't visit you for the time being."

"Why?"

"She left already. Last night."

Natigilan ako. Ilang segundo akong di nakapagsalita hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili ko na tumatango. "I see." Pinagpatuloy ko ang pagkain na parang wala lang sa'kin ang narinig ko.

Pagkatapos ay tumayo ako at nagpaalam sa kaniya. "Annie, I'll book your flight early next year."

I nod again. Sinukbit ko ang bag ko at naglakad palabas.

Bawat hakbang ko, naaalala ko kung gaano kami kaclose noon ni mom at kung pano niya ko yakapin tuwing uuwi siya sa bahay. Madalas niyang sabihin na ako ang pinakaimportante para sa kaniya, higit pa sa kahit na ano at kanino.

Pero nagsinungaling siya. Iniwan niya ko para sa letseng lalaking yun. Ni hindi manlang siya nagpaalam na parang wala lang ako sa buhay niya.

Yung mga ganitong parte sa buhay ko ang pinakakinatatakutan ko. Pero dahil nga hindi ko naman kontrolado ang mga mangyayari, kahit anong pigil ko, nangyayari pa rin. Na para bang sinasabi ng mundo na kahit kailan...

Kahit kailan ay hindi ako magiging masaya.

Sheen's POV

Alas tres na ng tanghali tapos 5 pm ang start ng contest, pero hindi pa dumadating si Annie at Adam.

"Anong nangyari sa dalawang yun?" Tanong ni Ben.

Sa totoo lang, di ko magawang mainis sa kanila dahil nag-aalala ako ng sobra. Iba yung kaba na nararamdaman ko ngayon. Para bang may nangyaring hindi maganda.

Si Annie kasi yung tipong tumutupad sa usapan. Kahit na ba magkandabaha sa daan ay panigurong susulong yun para lang makapunta dito. Hindi niya gawaing mangtalkshit lalo na't alam niya kung gaano 'to kaimportante sa tropa niya.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon