Chapter 16

2 1 0
                                    

Unang practice palang, dyahe na. Alam nyo yun?

"Puro late! Late! Sabi 8 simula, 10 na wala pa rin sila!" Sigaw na ni Pres. Si Sheen nginangatngat na ang kuko habang chinachat yung mga kaklase naming game daw kuno na sumali.

Nasa isang open space basketball court kami, may mangilan ngilang naglalaro pero nasa gilid naman kami kaya walang pakielamanan. Nakaupo nga lang ako sa bench sa tabi ng puno. Chill lang, no stress, bahala sila dyan.

Filipino time is real.

Pero di man akalain ay nandito na ang tatlong ulupong, on time talaga sila. Di ko alam kung bakit parang nagpapalakas sila kay Pres. "Bakit parang nagbago ata ihip ng hangin?" Tanong ko.

"Baka kasi naliligo na si Ben. Nyahahaha!" Banat agad ni Evan.

"Oh?" Umasta akong nagulat. "Di nga?"

"How surpraysing." Gatong pa ni Jasper.

Si Ben ay napakamot nalang ng batok niya.

Nakangising umakbay si Evan kay Ben. "Inlababo to kay stawberry cake nya eh HAHAHAHHA!"

"Yuck pre ang baduy mo!" Si Jasper.

"Woy, di basta basta yun si Sheen, strict parents nun." Sabi ko.

"Nice, sanaol. Hahahaha!"

"Eh bakit parang kay Pres kayo dikit nang dikit?" Sabi ko sa kanila pero na kay Jasper ang tingin ko. Ngumisi ngisi pa ko para mas maasar siya.

"Bakit selos ka, Annie? Alam mo namang sayo lang ako." Sabi niya.

"Ano nga kasi?"

"Tutor." Si Ben na ang sumagot. "Kailangan na namin pumasa kahit pasang awa lang. Tutulungan niya daw kami eh."

"Ah. Totoo naman pala yung sinabi mo na tinuturuan ka ng English at Math ni Pres." Sabi ko kay Jasper.

"Buti nga kami may pag-asa na, eh ikaw? HAHAHAHA! Makalagpas ka kaya ng grade 9?" Banat niya din. Ngumiwi ako at binatukan siya na talagang nilakasan ko para damang dama niya.

"May utak naman ako di tulad nyo!"

"Meron nga di mo naman ginagamit. Where da sense?"

"Lah? Ayaw paawat?" Piningot ko yung tainga niya paikot sa sobrang gigil.

"Annie! Teka, teka! Hindi naaa! Sige na! Cute ka na, cute ka na!"

"Anong connect nun ha?!"

"Kahit b*bo ka cute ka naman! Oks na yun!"

Yung dalawa tatawa tawa lang habang nanonood ng live action.

Ganon lang kami nang tawagin ako ni Sheen. "Annie! Asan na ba si Adam?" Bumitaw ako kay Jasper at umasta na parang walang nangyari.

Tinaasan ko ng kilay si Sheen. "Malay ko? Bakit sa'kin mo tinatanong?"

Pero kusang tumikom ang bibig ko dahil mukang nabadtrip ata siya sa sagot ko at biglang napakunot ang noo. Pati pink na hairclip niya nagulo na di niya pa pansin.

"Nakakainis naman eh! Parang wala naman silang pake!" Ngumuso siya at naupo nalang basta sa tabi ni Ben na halatang naestatwa.

"Hehe." Nahihiyang tawa ni Ben. Pinanlisikan siya ng mata ni Sheen. "Ano nakakatawa?! Walang nakakatawa ha!"

Di rin nakaimik si Ben. Lumapit sa'min si Pres na mukang kunsumido na. "Di pa rin ba nagrereply, Sheen?"

"Yun nga eh, sana di nalang sila nagreply! Yung isa nagkasakit daw, sabi naman nung iba di sila pinayagan umalis ng bahay, tas yung isa pinagbantay daw ng pamangkin!"

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon