Warning: Sensitive issue is included in this chapter. Read with an open mind and guidance from others.
Annie's POV
Kinabukasan ay nagpatuloy ang practice namin para sa contest. Pero ito at di ako mapakali dahil sa pinapagawa nila sa'kin.
"Annie! Masyado ka namang makalayo kay Adam! Muntanga lang!" Sigaw ni Sheen.
"Ba't ba ikaw yung galit na galit?! Kay direk nga okay lang eh!" Singhal ko.
"Di. Pansin ko nga rin, medyo awkward kayong dalawa." Sambit ni Pres.
"See?!" Pinanlakihan pa ko ng mata ni Sheen.
Tinignan ko si Adam na nakaswitch on ang mood. Pano, nakabusangot na siya at halatang naiinis na rin sa'kin, tapos may hangover din. Dagdag mo pa sigurong tirik na ang araw at sobrang init. Tagaktak na nga ang pawis niya at bakas na sa longsleeve shirt niya yun.
Pero bakit kasi kailangan may pagdikit pang nalalaman? Pwede namang may sapat na distansya! Nag-iinarte ako dahil naiilang ako! Bukod dun kakaiba ang tibok ng puso ko, para yun tumatambol tambol at nakakainis yun! Di na 'to nakakatuwa!
"ANNNIIIIEEEE!!! Ge! Tulala pa more!" Napalingon sa'min yung mga naglalaro ng basketball sa lakas ng sigaw ni Sheen. Nalamusok ko ang sariling muka at matalim siyang tinignan.
"Lapit ka lang onti oh?! Akbay lang sapat na! O baka gusto mo ikaw ang umakbay kay Adam? Kahit ano pwede na basta magmuka lang kayong sweet!"
"Sigaw ka naman nang sigaw!"
"Eh kasi wala ka sa ulirat!"
Tapos nakisabat pa yung tatlong ulupong.
"Woooaahhh!!!"
Napakunot ang noo ko at pinagkrus ko ang mga braso. "Di naman kailangan magkaakbay para maging sweet."
"Eh ano pala?" Taas ang kilay na sabi ni Sheen.
"Connection." Sagot ko.
"Anong connection?"
"Eye contact!"
"Lah? Hahahaha! Annie, yung connection niyo kasing lag ng internet sa Pinas! Kaya nga kailangan ng body language!" Maangas na bira ni Jasper.
"Bobo! Body language na nga yun!" Singhal ko.
Pero di nila nagets. "Ang alin?" Sabi ni Jasper.
"Annieee, makisama ka naman oh?" Pakiusap ni Pres. Nahiya naman ako sa kaniya. Sumulyap ako kay Adam.
"Lalapit ka kay Adam, kung gusto mo hawakan mo nalang yung kamay niya, kung san ka komportable dun ka. Tapos nun kakanta ka."
Bumuntong hininga ako. "'Ge, para lang matapos na 'to."
Nagsimula na kami. Lahat sila ay pinanood lang akong mabagal na naglakad palapit kay Adam na siyang nakaupo sa bench. Nasa likuran niya ko habang siya ay nakasapo sa noo. Para siyang umiiyak.
Nakaramdam ako ng kaba, takot, at lungkot. Hindi ko sinasadyang maisip na totoo ang lahat ng 'to. Tulad nung gabing kinuwento niya sa'kin ang sikreto niya.
'Wag mo saktan ang sarili mo. Dahil parang maiiyak ako sa tuwing makikita ko ang sugat mo.'
Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit na ano pang pagdaanan niya sa buhay, wag siyang susuko. Kailangan niyang magpakatatag sa marahas na mundong 'to.
'Gusto kong sabihin ang lahat ng to sayo. Pero pano? Ayokong sabihin mo na sarili ko nga ay di ko matulungan.'
Naging natural ang lahat ng sunod kong ginawa. Nawala ang lahat ng tao sa paligid at parang kaming dalawa nalang ang nandito. Mula sa likod niya ay yumuko ako at pumantay sa muka niya. Marahan akong ngumiti at nagsimulang kumanta. Kumpara sa orihinal, mas mabagal ang pagkakasambit ko ng bawat liriko.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...