Sheen's POV
So ayun nga, after ng seminar ay nagmamadaling umalis si Annie. Ang kawawang si Adam ay naiwang nakatunganga. Kaya dahil mabait ako ay nilapitan ko siya. Ang kaso, nung makita ko siyang habol ang tingin kay Annie ay agad kong nakita ang pader sa China, may barrier sa pagitan namin ni Adam bes. The Great Wall of Annie. Char.
"Annyeong!" Malakas ko siyang tinapik sa balikat. Uy, ang lambot. Baby fats?
Kunot noo siyang tumingin sa'kin. Galit agad?
"What?"
'Sungiiit!'
"Bestfriend ako ni Annie!" Ngiting ngiti na sabi ko. Muka namang lalo siyang nainis. Di effective ang shining, shimmering smile ko!
"So?"
"So.. friends na rin tayo!"
Umirap siya. "We're not even friends. She's just helping me out with something. Besides, she won't consider me as one."
"One, two, three sabi ni Marie! Bakit ka nagienglish?! Tsaka, di daw friends. Eh kung makabuntot ka ganon ganon na lang!" Lumapit ako sa kaniya at talagang sinigaw ko yun.
"I just badly need her help. Lumayo ka nga." Pero siya ang naglakad palayo sa'kin. At ako itong si chismosa sinabayan siya sa paglakad.
"About saan? Baka makatulong ako!"
"May kilala kang Laurence?"
"Ahm. Wala. Hehe."
"Then you can't. Madaming koneksyon si Annie. Mas matutulungan niya ko kesa sa 'yo."
"Edi wag!" Di mo na kailangang pagkumparahin!
Sige lang kami sa lakad. Sumasabay pa rin ako sa kaniya dahil mukang palabas na rin siya ng gate since wala na kaming klase. Ito ang gusto ko sa seminar, instant suspension!
"Alam mo, mabait si Annie." Pag-umpisa ko ng usapan. Madami dami ang mga estudyanteng kasabay namin kaya mabagal lang ang lakad namin.
"Di ko tinanong."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Single siya." Pagpapatuloy ko. Di ako matitibag ng kasungitan mo!
"Di ako interesado."
"Hala bakit? May girlfriend ka na?"
Pero di siya sumagot. Sana di totoo yung silence means yes. Boto kasi ako kay Adam. Kita ko sa kaniya na matino siya, o basta mas matino siya kumpara naman sa mga binboyfriend ni Annie.
Judgemental na kung judgemental. Ganon nga siguro ako, pero ayoko lang talagang napapalapit si Annie sa mga.. mga tulad ni Pearl.
"Eh bakit kay Annie ngumingiti ka na? Samantalang sa iba nating kaklase ni hindi ka nakikijoin. Ganon na kayo kaclose no?"
"Walang ganon. Wag ka mag-assume."
"Pero bakit nga?"
"Anong bakit?"
"Bakit ganyan trato mo sa kaniya?"
Please sabihin mong dahil type mo siyaaaa! Team AnDie for the win!
Nagbuntong hininga siya. "Dahil nga tinutulungan niya ko. Alangang ako na tong nang-iistorbo ako pa ang masama ugali?"
Oo nga naman.
"Anyway, muka rin naman kayong mababait. It's just that I already have a lot on my plate right now kaya di ko na magawang makipagsocialize sa iba. Maybe some other time I can join you and our other classmates." Sabay ngumiti ng tipid.
Kaya naman pala niyang magsalita nang di nakasalubong ang kilay eh. Moody.
"Sorry rin dahil nasungitan kita. Ang dami ko lang talagang iniisip kaya ganito ako."
Tumango ako. "Same with Annie. Madami ring iniisip yun eh. Sa sobrang dami, ayon, kung san san napapadpad para makalimot."
"What do you mean?"
"Uyy, interested na siya."
Bahagya siyang natawa.
"Basta. Di ko pwedeng sabihin sayo eh. Masyadong personal. Pero kung minsan nagmamaldita siya, intindihin mo nalang. Kita mo naman, kahit gaganon ganon yun, tinulungan ka pa rin."
'Kaya nga gusto kong napapasama siya sa 'yo. Nalalayo mo siya sa act of rebellion niya sa parents niya. And maybe, you can bring back the old Annie. Or maybe, you can at least make her feel better.' Isip-isip ko. Nakikienglish lang bakit ba?
"Don't worry." Aniya. Nakalabas na kami ng gate at magkaiba na ang way namin. "I'm getting to know the real her bit by bit." Sabay tinalikuran na ko. Tinaas niya pa ang isang kamay at naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...
