Chapter 10

2 1 0
                                    

Pagdating ko sa DHS, kumpulan na ang mga estudyante. May iba na nakasilong sa waiting shed, meron namang sumusugod nalang sa ulan.

Pumasok ako ng gate at dumiretso sa room namin. Pero wala na siya dito. Inis na napakamot ako sa ulo ko.

'Adam! Bakit ba nakakagulo ka ng buhay ng may buhay?!'

'Di kaya pumunta siya sa comp shop na sinasabi niya? Tss! Ilan nga ba ang kompyuteran malapit dito? Napuntahan na namin yung isa...' bumilang ako sa kamay ko, 'meron pang natitirang tatlo.'

"San ka naman nagsuot sa tatlong yun?!" Singhal ko sa kawalan. Hayys! Bahala na nga!

Kaya heto at sumugod ulit ako sa ulan ng parang tanga lang. Pansin ko yung ilang napapalingon sa 'kin dahil nga kilala nila ako, pero di ko na sila pinansin.

Sa sobrang lakas ng buhos ng ulan ay pati bag ko basa na. Although wala naman talagang laman yun dahil props lang. Hindi na nga 'ko nag-abala sumilong dahil basa na rin naman na 'ko.

Pumunta ako sa unang comp shop at wala nang tao dun at sarado. At kahit talagang nilalamig na 'ko at nagkandahalo-halo na ang hampas ng hangin at ulan sa muka at katawan ko ay pumunta pa rin ako sa pangalawa. May mangilan ngilan lang na estudyante doon na naglalaro.

Hinihingal na pumasok ako dun. Pinagtinginan nila akong lahat dahil napalakas ata ang bukas ko sa sliding door.

"Witwiw! Chicks!"

"Taga-DHS din oh. Kilala mo tol?"

"Oo. Si Annie yan tol, yung kinukwento ko sayong tropa nila Ben."

"Yung kaskasera bunganga?"

"Oo."

Agad kong nilingon yung dalawang nagbulungan na rinig na rinig ko naman. Pamilyar ang boses ng dalawang to eh. "Hoy." Tawag ko sa kanila. Takang tumingin sila sa'kin.

"Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa at itapon sa kanal?"

Ngumisi yung isa sa kanila. "Gawa." Mayabang na aniya saka binaba yung headphone niya.

Sa inis ay hinablot ko yung kuwelyo niya at hinigpitan ang pagkakahawak dun. Napatigil yung mga katabi niya at sinubukan akong pigilan pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Halos maubo naman 'tong lalaki dahil halos masakal ko na siya.

Kumukulo talaga ang dugo ko at isang mali niya lang ay baka masuntok ko siya. "Gagawin ko talaga pag di mo nasagot ang tanong ko."

"H-hoy! Kung hindi ka lang babae papatulan ka namin!" Sabi niya.

"Wala akong pake. Di ako magaling makipagbasag ulo pero magagawa ko kung gusto ko. Lalaki ka nga pero mas mautak ako lalo na kung galit ako."

Hindi siya nakasagot. Huminga naman ako nang malalim. "May dumaan ba dito na lalaking nakajacket?"

"W-wala. H-ha! Wala nga!" Nahihirapang tugon niya. Hinigpitan ko to lalo. "Alalahanin mo!"

"A-annie, merong pumunta dito na nakajacket na gray. May hinahanap siya na Laurence kaya tinuro ko sa kaniya yung comp shop sa Kamagong Street. Meron atang Laurence na madalas makipagpustahan dun." Sabi ng kasama niya. Agad ko namang binitawan siya.

"Ilang oras na nakakalipas nung pumunta siya dito?"

"Ahm. Isang oras na rin siguro."

Tinanguan ko siya sabay lingon ulit sa hinablot ko kanina. Hinihimas niya na ang leeg niya at masama ang tingin sa'kin. Ngumisi naman ako. "Ipadagan kaya kita kay Ben para mapisat ka?"

"Tss. M-mayabang ka lang dahil tropa mo sila. Kung hindi, w-wala ka ring binatbat!"

Umiling-iling ako at bago umalis ay talagang siniguro kong masasaktan muna siya. Napahiyaw siya sa sakit nang marahas kong piningot yung tainga niya.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon