EPILOGUE

0 0 0
                                    

Pagdating ko palang ng Pilipinas ay nag-message na sa'kin si Ben na dumiretso nalang ako sa bahay nila. Sinabay na din kasi yung house-blessing para sa bagong patayo nilang bahay. Kahit walang pahinga at tinamaan pa ng jet-lag ay sumakay nalang agad ako ng taxi papunta sa kanila. Hindi rin naman ako nahirapan dahil wala naman akong maletang dala. Hindi ko rin kasi balak na magtagal dito.

Pagkabayad ko sa taxi ay nag-atubili pa kong buksan ang pinto. Napatitig ako sa mahabang pila ng sasakyan sa tapat ng bahay nila Sheen. Pakiramdam ko ay nagbalik ako sa nakaraan kung saan puro masasakit na alaala ang meron ako.

"Miss?" Tawag sa'kin ng driver. Nahihiyang tumango ako sa kaniya saka tuluyan nang bumaba. Dahan-dahan akong lumapit doon sa gate, nang pagbuksan ako ng guard nila ay bumungad nalang sa'kin ang mga bisita nila na hindi pamilyar sa'kin. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa sala nila. Doon ay may tumawag sa'kin na agad kong nilingon. Agad bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Inasahan ko naman nang nandito rin siya pero bakit parang nagulat pa rin ako sa presensya niya?

"Annie!" Mas nagmature na ang itsura niya, pati ang pangangatawan niya ay mas naging masculine, lalo siyang gumwapo. Kumikinang pa rin ang mga mata niya kapag ngumingiti, mas totoo na nga lang ngayon.

"Adam." Mabilis lang kaming nagyakap at nagkamustahan.

"Ang tagal nating di nagkita." Aniya na sinang-ayunan ko nalang. "Alam mo ba? Si Kuya Renz? Naaalala mo pa siya diba? Ayun! Engineer na sa Batangas."

"Good for him." Sinserong sabi ko.

Ang dami niyang kwento, maging yung dating computer shop na pinuntahan namin ay naikuwento niya pa kung panong mas umunlad ang may-ari nun. Madaldal pa rin siya at palangiti.

"Ikaw ba? Ang huli kong balita sayo, sikat ka na daw dahil sa libro mo! Hahaha! Annie! Di ko akalaing magiging author ka! Alam mo ba? Bumili ako ng ilang copy nung mga libro mo ha! Lagi ko ring nirerecommend sa mga estudyante ko!"

"Estudyante mo?" Natatawang tanong ko, ang taas ng energy nito.

"Mm! Teacher na ko ngayon noh. Hahahaha!"

"Talaga? Saan?"

"San pa ba? Sa DHS siyempre."

Pag-akyat namin sa second floor ay agad kong nakita si Sheen. Napatakip pa siya ng bibig nang makita ako. OA pa rin siya.

Nautal-utal pa siya nang tawagin ako. Mabilis siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako nang sobrang higpit. Binaon niya pa ang muka sa balikat ko. Naramdaman ko nalang na basa na yun kaiiyak niya. "Hey.." Tinapik ko ang likod niya. "I'm sorry." Sabi ko pero hinampas niya lang ako sa braso habang humihiwalay sa'kin. Matapos nun ay nagsimula na ang dasal, saka nagsimulang kumain. Panay ang tanungan nila habang ako ay piniling manahimik. Gusto ko lang na wag mapunta sa'kin ang atensyon dahil iniiwasan ko ang mga pwede nilang itanong sa'kin.

Sinabi nila na nagkatuluyan sina Pres at Jasper pero naghiwalay din matapos ng tatlong taon. Kaya raw parehas wala dito ay ayaw makita ang isa't isa. Samantalang wala namang balita tungkol kay Evan. Nagpatuloy ako sa pakikinig sa mga kwento nila habang nanatili akong tahimik.

Magkatabi ang upuan namin ni Adam. Panay ang lingon niya kaya di ko mapigilang mailang. Napansin tuloy nila kaya naging tampulan kami ng asaran. Matapos nun ay inaya pa ko ni Sheen na sa bahay na muna nila matulog na siyang tinanggihan ko agad. Kabago-bago palang, mas magandang solohin nila yun magpamilya. Tutal ay isang linggo lang naman ako dito, minabuti kong sa isang hotel na muna tumigil. Isa pa, mas makakapagpahinga ako kapag mag-isa. Matapos kong maglinis ng katawan ay naupo lang ako sa sofa. Nakatapat to sa bintana kung san makikita mo ang iba pang nagtatayugang buildings. Dahil napupuno nanaman ng kung anu-anong isipin ang utak ko ay pilit kong iwinagli yun at natulog nalang.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon