Chapter 4

4 1 0
                                    


Matapos ako walkoutan ni Sheen ay bumalik ako sa pinagtatambayan ni Pearl kanina pero wala na siya dun. Kaya wala na kong nagawa kundi pumasok na ng school.

Late na ko. Di ko pa alam kung san ako tatambay dito. Wala kasing mga estudyante kahit sa hallway dahil nasa kani kaniyang room na sila lahat.

Bago ko pa makasalubong ang mga teachers ko ay lumiko na ko papunta sa likod ng building. Dito kasi ay merong lumang kubo. Wala na tong bubong pero may mauupuan pa naman kaya naupo nalang ako dun. Walang pumupunta dito bukod sa barkada. Kaso hindi rin ata sila pumunta dito.

Mula dito ay rinig pa rin ang boses ng mga estudyante at mga teachers na nagtuturo. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagtitigan sa pader na may malaking naka-drawing na parte ng tao na di ko dapat banggitin. Tapos may narinig pa kong boses sa malapitan, palakas yun nang palakas na para bang papunta dito yung nagsasalita.

"Don't worry. I'll be there once everything is settled."

"Thank you for understanding me, Jen."

"I'm fine. I won't be here for too long anyway."

"Haha! You're being funny."

Nagkatitigan kami nung transferee. Sa pagkakaalala ko ay Adam ang pangalan nito. Nakatapat yung phone nya sa tenga nya. Nakangiti siya kanina pero nung makita ako ay sumimangot bigla.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"H-hello? Ha? Wala haha!" Naglakad pa rin siya pero nilagpasan niya ko. Pumunta siya dun sa pinakadulo kung saan puro halaman at sumandal sa pader..

Akala mo naman muka siyang model sa lagay na yan. 'Muka kang kokey loko.'

Nakajacket pa rin siya. Di ba talaga naiinitan to?

Di ko na maintindihan yung sinasabi niya kasi hininaan niya na yun. Di ko nalang siya pinansin at sumandal nalang. Pinagkrus ko ang binti ko pati ang mga braso ko. Pumikit nalang ako dahil medyo inaantok pa ko.

Nakakatulog na ko pero naalimpungatan ako nung maramdaman kong may bumato sa'kin. Agad kong minulat ang mata ko at napansin ko ang maliit na bato sa gilid ko.

Ramdam ko yung dugo kong unti-unting umakyat sa ulo ko. At sinasabi kong nabwisit agad ako!

Nilingon ko si Adam na hanggang ngayon ay may kausap pa rin sa phone. Nagdilim ang paningin ko dahil mukang masaya pa siyang nakikipag-usap sa cellphone kaya kinuha ko yung bato at ibinato yun sa kaniya. Sapul sa balikat!

"Hoy! Sino may sabi sayong pwede mo kong batuhin?!" Sigaw ko. Tumayo ako at nilapitan siya. Bawat hakbang ko ay sinigurado kong malakas ang impact ng tunog ng takong ko.

Salubong ang kilay niya na tumingin sa'kin.

"It's nothing. Just a pest maybe. I'll call you again later." Binaba niya yung phone at kunot noong tumingin sa kin. "Anong problema mo?"

"Problema ko? Ang problema ko ay binato mo ko! Bakit ka nangbabato ha?! Nananahimik ako dun!" Tinuro ko yung kubo.

"Sorry? Bakit parang baliktad? Ako ang binato mo! Nababaliw ka na ba?!"

"Ah! Idedeny mo pa?! Loko ka ba?! Sapul na sapul sa bumbunan ko yung pagbato mo! Bukod sa'kin ay ikaw lang ang humihinga dito! Kaya malamang ikaw yung bumato!"

"Pinagbibintangan mo ko? Una, pano kita babatuhin kung nandito ako sa dulo at may kausap ako? At pangalawa, bakit kita babatuhin?!" Sabi niya.

"Aba malay ko! Ba't ako ang tinatanong mo eh ikaw tong unang nangbato?!"

"You're crazy!"

"Nanguna ka eh!"

"Miss! Hindi nga kita binato! Ikaw tong parang baliw na nambibintang agad sa'kin!"

"Aminin mo kasi! Sino pa ba babato sa kin kundi ikaw?! Wag mo sabihing may multo dito?!"

"Shut up! You're too noisy!"

"Shut up? HA!" Pumulot ako dun ng mas malaking bato at inambaan ko siya. Sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Don't shut up me ha! Baka gusto mo paramdam ko sayo magkabukol sa buong muka?! Kahapon ka pa ah?!"

"War freak." Bulong niya.

"ANO?! Kung manlalait ka lakas-lakasan mo!"

"Sinabi nang hindi nga ako! Wala akong pakielam sa'yo at wala rin akong pakielam sa presensya mo kaya bakit ko sasayangin ang oras ko sayo?!"

"WAAAAWWWW BANGIS! Galing mong lumusot ah?! Ge! Magdahilan ka pa! Tignan natin kung gano kalayo ang mararating mo sa pagrarason mo!"

"Watch your language! Parang di ka babae!"

"And watch your face! Dahil sinasabi ko sayo! Di ka makakauwi ng walang bangas sa bahay nyo!"

"Tinatakot mo ba ko?!" Aniya.

"Hindi! Iniinform kita!"

"ANO BA NANGYAYARI DITO?! NAGSISIGAWAN KAYO ALAM NIYONG MAY NAGKAKLASE! SINO BA KAYO?! BAKIT WALA KAYO SA CLASSROOM NYO?!"

Napapitlag ako sa gulat. Paglingon ko ay teacher pala. Nakapamewang siya at nanlalaki ang ilong sa galit.

___________

"Kasalanan mo lahat to." Bulong niya.

"Ako? Ako pa talaga? Sino unang nambato? Ha? Kung sana inamin mo nalang. Hindi yung halata ka na nga nagsisinungaling ka pa." Bulong ko din.

Kanina pa masama ang tingin sa kin ng isang to na para bang lahat ng to ay kasalanan ko.

Dahil nga sa pagsisigawan namin kanina ay nadala kami sa Guidance office. Nahuli pa tuloy na nagcacutting kami. Kaya ito ngayon, pinagwalis kami at dito pa talaga sa madaming puno.

Padabog kong winalis yung mga dahon dahon dito. "Ano ba? Kinakalat mo lang lalo yung mga dahon! Di ka ba marunong?" Singhal niya sa'kin.

"Makapagsalita ka! Parang marunong ka din? Eh di mo nga alam kung pano gumamit ng dustpan!"

"Oy! Oy! Nag-aaway nanaman ba kayo dyan?" Tanong ni manong guard. Nakaupo siya dun malapit sa gate. Pinakiusapan kasi siya ni Ma'am na bantayan kami.

"Ito po kasi eh!" Turo ko kay Adam. "Nagmamarunong di rin naman alam pano magwalis!"

Tumayo si manong guard at lumapit sa min. Kinuha niya yung walis at dustpan tapos tinuro niya sa min kung pano gamitin yun. "Mga anak mayaman ba kayo? Ito lang di niyo pa alam kung pano."

Umiwas ako ng tingin. "Baka ito ang mayaman. Daming pambili ng jacket eh." Mahinang sabi ko.

"Ano kamo?" Tanong ni manong. Si Adam naman ay nagwalis nalang. Mas alam niya na kesa kanina.

"Wag na kayo magtalo dyan. Tapusin niyo nalang yan at magbebreaktime na."

Nakakahiya dahil halatang naparusahan lang kami. Dalawa lang kasi kaming nagwawalis dito. Yukong yuko na ko dahil ayokong makita ako nila Ben. Siguradong mang-aasar lang yung mga yun.

Tumahimik nalang kaming dalawa para mapabilis na rin to. Nakaganti naman na ko sa kaniya kanina kaya quits na kami. Nung natapos kaming magwalis ay walang pasabing umalis si Adam. Buti naman dahil wala rin akong balak kausapin siya. Padabog kong tinabi yung walis.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon