Chapter 6

6 1 0
                                        

"Bakit ba hindi kita makausap ng matino? Will you please stop being so.. so.. argh!" Hinampas niya ang manibela.

Napangisi nalang ako habang patuloy na nakatingin lang sa daan. Sige, magalit ka, like I care?

"Kaya kita sinundo dito dahil gusto ng dad mo na kausapin kita. Heck! Siya nga di ako kinakausap ng ayos, ikaw pa kaya?!"

Ito nanaman tayo. Galit nanaman siya, pero bakit ako ang sinisigawan niya? Siya naman yung may kasalanan.

Siya ang sumira sa tiwala namin ni dad.

Hanggang ngayon, naninikip pa rin ang dibdib ko tuwing maaalala ko yung araw na 'yon. Minsan nga hinihiling ko na sana hindi ko nalang nakita. Sana di ko nalaman. Para walang problema, wala sana ako ngayon sa ganitong sitwasyon.

"Annie, you can't ignore me forever!"

Nakarating kami ng bahay na puro siya dada. Badtrip na buhay to oh. Pagkapasok pa nga lang ay bumungad na sa'kin si dad na salubong ang kilay.

"Nakapag-usap ba kayo?" Tanong niya sa 'kin.

"As if that's even possible!" Singhal ni mommy. Napatingin ako sa mga pagkain na nakapatong sa lamesa.

"Elisse, pwede bang kumalma ka muna? Nagluto na ko ng hapunan, baka naman pwedeng sabay-sabay tayong magdinner this time?" Sabi ni dad.

Nagkibit balikat nalang ako at umakyat na ng hagdanan. Dumiretso ako sa kuwarto at sumalampak sa kama. Nakailang buntong hininga muna ako bago nagpalit ng damit saka bumaba.

Nagsimula kaming kumain na tanging si dad lang ang nagsisimula ng usapan. Panay tango lang ako at ngata ng manok. Paborito ko to kaso nga lang ay nawawalan ako nang gana sa sitwasyon na to.

"Alam mo ba kung bakit kita pinasok sa Catholic School?" Biglang nagsalita si mom. At sa tono palang niya ay alam ko nang hindi maganda ang patutunguhan nito.

"Elisse." Sabi ni dad pero di siya nagpaawat.

"Kasi gusto kong matuto ka ng manners at proper etiquette. Ayos na ang lagay mo dun sa AEU pero nung napadpad ka dyan sa public school na yan nagkaganyan ka na. Hindi ka na ba marunong gumamit ng spoon and fork ngayon?"

Kinagagalit niya ay ang pagkakamay ko ng pagkain. Kaya ayan, tuloy tuloy nanaman siya sa pagsasalita. Hanggang sa nauwi nanaman sila sa pagtatalo ni dad. Tinitigan ko silang dalawa at dun ko nalaman na ilang araw nalang ang bibilangin bago tuluyang masira ang pamilyang to.

"You don't know the real story, Annie." Sabi sa'kin noon ni mommy nung kinompronta ko siya. Pero di niya ba ramdam kung gaano niya nasaktan si dad? Gusto pa rin ayusin ni dad ang lahat pero anong magagawa niya kung di maiwan ni mom yung lalaki niya?

Kaya ayaw ko silang nakikita, ayaw ko silang makausap. Mas lalong di ko gustong marinig yung nakakarinding pagtatalo nila.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon