Malungkot ba siya? Galit? Nasasaktan? Bakit di ko mabasa kung ano yung sinasabi ng mga mata niya? Ngumingiti siya, pero parang hindi siya masaya.
Tapos ito naman ako, parang sira ulong nag-aalala.
"And then, as Dad begun to get sick, he told me that I have an older brother. Haha! I was so shocked my mind went blank for a few minutes." Pagkukuwento niya habang naglalakad kami pauwi. Si Pres ay nakauwi na dahil mas malapit bahay nun.
"You see, we're not close. So as soon as he asked for a favor, I couldn't really say no. I can't even complain."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Pakiramdam ko ay ayaw niya na ipagpatuloy yung tungkol dun kaya natahimik kami saglit. Hanggang sa naramdaman kong may gusto siyang sabihin na di niya lang mabigkas. At parang alam ko na kung ano ba ang iniisip niya kaya nagsimula nalang rin akong magkuwento. "Five days lang naging kami ni Renz, siya yung pinakauna kong naging boyfriend. Kaso siya rin yung unang nakipagbreak kasi sabi niya ang boring ko daw kasama. Nakilala ko siya dahil kay Pearl."
"Sino yun?" Tanong niya. Di pa nga pala sila nagkakilala.
"Si Pearl yung unang estudyante sa DHS na kumausap sa'kin. May sinabi siya sa'kin nun kaya kami naging magkaibigan eh. Sabi niya, okay lang yan, ishot mo nalang. Paggising mo bukas hindi mo na yan maiisip kasi hangover na ang aabala sayo." Natawa pa ko nang maalala yun. "Siya at ang iba pang tao na pinakilala niya ang nagpalimot sa'kin sa lahat ng problema ko. At kasama na dun si Renz."
Nilingon ko si Adam. "Kung alam ko lang na dadating pala yung oras na kakailanganin kong malaman yung buong pangalan niya, edi sana sinulat ko pa sa notebook. Para sana di ka na nahirapan maghanap, diba?"
Tipid lang siyang ngumiti.
"Lagi akong sinasama ni Pearl papunta sa B&P, pero nung nagbreak kami ni Renz, di na ko tumambay ulit dun. Dun ko naman nakilala sila Ben, Jasper at Evan."
"Si Sheen? Kailan ka lang niya sinundan?"
"Isang buwan muna bago niya ko sinundan. Nagulat ako siyempre, pero mas nagulat ata siya sa naabutan niyang ako."
Bumuntong hininga siya. "Si Laurence ba? Naging seryoso ang relasyon niyo?"
"Ano bang aasahan mo sa limang araw? Kung hindi alak ang pinag-usapan namin, mga computer games naman na di ko naiintindihan. Kaya siguro naburyo ang loko. Mas gusto niyang katapat yung screen kesa sa muka ko."
"Annie."
"Hm?"
"Sayo ko lang sasabihin to," aniya, "gusto kong mas makilala pa siya. Nung una ko kasi siyang nakita, aaminin kong nakaramdam ako ng inggit. Pakiramdam ko kasi, mas matapang at mas malakas siya kesa sa 'kin."
Napaismid ako. "Adam, ganon siya umasta kasi ito ang klase ng mundo na kinalakihan niya. Tingin mo ba, porket nag-aaya ng suntok ay matapang na? Karamihan sa kanila, mga duwag ding tulad natin. At lahat sila may kinakatakutan din kaya ginagawa nilang depensa yung pagiging maangas. Dahil kung hindi sila aakto nang ganon, mamaliitin sila ng iba."
Naupo muna kami sa tabi ng puno. Tulad ng nakagawian ay pinanood lang namin ang mga dumadaang sasakyan. Pati yung mga tao na puros abala sa kani kaniyang buhay. Magaalas-sais na rin kaya marami nang pauwi ng bahay nila ngayon.
"At alam mo, kahit ganoon si Renz, ni minsan hindi niya ko hinawakan manlang sa kamay. Siguro, napansin niya ring bagong salta lang ako. Kaya di ko man alam yung buong pangalan niya, may isang bagay na sigurado ako, yung pagrespeto niya sa mga babae. Kahit sa mga tropa niya ganon siya eh." Pagpapatuloy ko.
"Siguro dahil malapit siya sa mama niya. Ang kaso, namatay naman siya nung bata palang si Kuya Laurence."
Wala naman akong naging reaksyon.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Novela JuvenilWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...
