Pagkatapos ng sembreak, balik pasukan nanaman. Pero parang nagbago ata ang ihip ng hangin at nagawa kong makapasok ng room on time.
"Annieee!!" Masayang bungad ni Adam pati nila Pres at Sheen. Pigil ang ngiti nalang na tumango ako kay Adam at ipinatong ang bag ko sa armchair.
"Mukang maganda dinulot sayo ng sembreak ah? Bagong buhay?" Ngingisi ngising sabi ni Sheen.
"Wag mo kong simulan."
"Ayy? Init agad ng ulo?"
Inirapan ko sya saka umupo.
"Bakit di mo kinuwa card mo? Pumunta kami dito eh." Tanong ni Adam. Magkatabi kaming dalawa pero nasa pagitan namin yung armchair ko. Dahil dun ay amoy na amoy ko yung pabango niyang di pamilyar sa'kin.
Amoy baby.
"Bakit pa? Alam ko naman nang bagsak na ko." Iniiwasan ko yung tingin niya sa takot na baka mapansin niyang sinisinghot ko na sya. Umasta nalang akong nagkukutkot sa upuan ko.
"Mag-aral ka na kasi." Natatawang sabi ni Pres.
Sasagutin ko sana siya nang mapalingon kami lahat nung magdatingan ang mga ulupong.
"Pre wag ka kasing torpe!" Sabi ni Evan.
"Anong sinabi mo?! Kung sinasapak kita ngayon na?!" Sigaw ni Ben.
"Puro talk."
"Aba't!" Pumasok sila ng room na para silang mga lubid na magkakabuhol. Halos daganan na ni Ben si Evan habang nakapulupot yung braso niya sa leeg nito.
Pinanood namin silang magkagulo habang si Jasper ang siyang lumapit sa'min na tatawa tawa lang.
"Aking Prinsesa, kami'y nagagalak na ikaw ay makasama sa silid na ito. Maaari ko bang halikan ang iyong mga kamay?" Akma niyang hahawakan yung kamay ko.
"Woooy! Siraulo! Walang patusan ng tropa!" Sita sa kaniya ni Evan na pinakawalan din sa wakas si Ben.
"Babaero amputs. Kakabreak mo lang sa tatlo mong syota tapos maghahanap ka nanaman ng bago?!" Sabi ni Ben.
Natatawa nalang ako nung batukan ko sila pare-pareho. "Mga luko-luko! Ano ba kasing ginagawa niyo dito?"
"Sobra ka naman, Annie. Siyempre mag-aaral!" Napakamot si Ben sa batok.
"Alangan namang mamalengke kami dito?" Patangang sagot ni Evan.
"Lol! Wala sa itsura niyo ang matinong estudyante."
"Tss. Baka gusto lang manggulo." Pamalditang sabi ni Sheen na siyang pairap na lumayo sa'min.
Si Ben naman ay parang nakakita ng anghel at ngiting ngiti na tumabi sa inupuan ni Sheen. "Good morning Chuchibooboo." Nanlaki ang mata ni Sheen at parang kinilabutan sa narinig.
Di ko na sila pinansin na magkulitan dun at nilingon ulit si Jasper at Evan. "Ano nga kasing ginagawa niyo dito?"
"Minalas eh. Nalaman ng mga erpats namin yung grades namin. Ayun, muntik na kaming palayasin." Tugon ni Evan.
"Kaya papasok na kayo, ganon? Bawi grades?"
"Oo. Haha! Kung may mababawi pa."
"Tsaka nandito ka naman. Edi di kami mababagot." Kinindatan ako ni Jasper kaya inambaan ko agad siya ng suntok.
"Easy." Binaba niya yung kamao ko.
"Mababawi niyo lang yun kung talagang mag-aaral na kayo." Paglingon ko kay Pres ay nakaupo na pala siya sa Teacher's table at nakakrus pa ang mga braso.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...