Tulad ng ibang kabataan, nahirapan din ako sa pagdiskubre sa kung sino talaga ako. Sa tuwing itatapon ang pagsubok sa harap ko, nalilito ako kung pano ko yun gagawan ng solusyon. Kasi bago lang ang lahat ng yun sa'kin dati. Sa takot kong mabigo, tinatalikuran ko yung mga problema. Nagtatago ako sa isang sulok at lumalayo sa mga tao para di nila makitang mahina ako.
"SABIHIN MO NGA NGAYON, MAY BALAK KA PA BANG MAGTINO?!" Dinuro ako ni Mommy.
"Elisse, give it a break!" Pigil sa kaniya ni Dad.
"Shut it! Gusto ko lang ipasok sa kokote ng anak mo kung ano ang ginawa niya!"
"Why don't you ask her first what's her reason for doing it?!"
"Reason?! Whatever reason she has, I am hell sure that it's not valid! No decent person will do such a thing!"
"Listen to yourself! You're talking like a great professor when in fact, your daughter needs her mother!"
"And it is me now?!"
Nagtatalo sila para sa walang kwentang bagay.
"May I remind you what Annie just did all in this span of months. She transferred herself to a far-away public school, got herself a bunch of good for nothing friends, and now she slept in someone else's house! In a squatters area per se! How would I know if it was her friend's or foolish boyfriend's house?! Tell me what valid reason she can possibly have?!"
"The hell with that! Look at Annie! She wasn't like that until she found out about your infidelity! Kaya sabihin mo sa'kin sino talagang may mali dito?!"
Then finally, it was silent. Kakauwi ko lang at ito, sermon agad ang inabot ko. Alas singko na ng umaga kaya alam kong late na ko sa late. Natuloy ang inuman kila Pearl at alas kwatro na rin yun natapos. Bumabyahe lang ako kaya lalong natagalan.
Habang nagtatalo sila sa sala ay unti-unti na kong rumesbak paalis. Di naman nila ko napansin dahil busy sila sa pakikipagpataasan ng pride at padamihan ng kasalanan.
Nilock ko ang doorknob sa kuwarto ko, in-on ang switch ng ilaw, at sumalampak ng higa sa kama. Nang makaramdam ako ng hilo ay naupo nalang ako. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto. Nakakatawa dahil mas malaki pa to kesa sa room ko sa DHS pero mas ramdam ko ang lungkot dito.
Hindi kami sobrang yaman tulad ng mga pinaka-elite sa bansa. Pero masasabi kong masUwerte ang pamilya namin. Business minded si Dad, meron siyang sariling fine dining restaurant.
Si Mommy naman ay nagmula sa pamilyang ubod ng talino. Ang parents niya, sila Lola Estella at Lolo Roel, ay parehas retired Filipino Teachers. Tapos si Mom ay isang professor sa Aldea Evangelical University na pinapasukan ko noon bago ako lumipat sa DHS.
Tulad ng sinabi ni dad kanina, I found out na may ibang lalaki si mommy. Ayos naman kami noon ni mom, pero nagbago lang ang lahat nung nakita ko sila ng harapan. Siya at ang lalaki niya na naghahalikan sa loob mismo ng opisina niya dito sa bahay.
Naawa ako kay dad.
Nagalit ako kay mommy.
Nagalit ako sa mundo.
Matapos nun ay wala na 'kong lakas ng loob na makita siya na nirerespeto ng mga estudyante sa AEU. Kaya ako lumipat ng school.
Iba naman ang kuwento ni Sheen. Noon pa man baliw na ang isang yun. Loyal lang talaga siyang kaibigan. Sa sobrang loyal ay sumama siya sa'kin hanggang DHS kahit na ba grade 9 palang kami.
Nawalan ng direksyon ang buhay ko dahil yung taong sobra kong hinahangaan at pinakainspirasyon ko sa pag-aaral ay sinira ang tiwala ko.
Para tuloy akong tumatakbo habang hinahabol ng mga halimaw.
Halimaw ng nakaraan dahil yung simpleng Annie, naging pariwara. Black ship of the family.
Nagpapasalamat nalang ako dahil walang pakielam ang mga estudyante sa DHS kung mayaman ka o mas mahirap ka pa sa daga. Ang importante, marunong ka makisama at sumabay sa trip nila.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...
