Annie's POV
Masyado ba 'kong simple? O masyado lang siyang naging maporma sa suot niya? Para ata akong naging tuod sa kinauupuan ko dito sa loob ng jeep. Nasa dulo ako at katapat ko siya. Ni hindi ko malaman kung san ibabaling ang tingin ko dahil napapalingon talaga ako sa kaniya!
Hanep na legs yan, mas makinis pa sa'kin!
"Annie, hinay hinay sa pagtingin. Wag mong gawing buffet meal si Adam sa paningin mo." Bulong sa'kin ni Sheen.
Eksena naman ngayon ay biglang nagpatugtog si Manong Driver at sa lakas nun ewan ko ba kung may pandinig pa ko pagbaba ko ng jeep.
"The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it a time
Just a little more time
We'll be together"
Di ko inaasahan na mapapatingin din sa'kin si Adam. Ngumiti siya ng tipid tapos siya din ang unang umiwas. Napalunok ako at ilang beses kumurap. Sorry not sorry pero langhiyang timing to at ngayon pa tumunog yung kantang 'yan.
"Every little smile
That special smile
The twinkle in your eye in a little while
Give it a time
Just a little more time
So we can get closer
You and I"
[Closer You and I, Gino Padilla]
"Uyyy, damang dama." Tukso ulit ni Sheen. Sinamaan ko nga ng tingin kaya mahina nalang siyang natawa.
PESTE!
Nakarating kami sa Farms Park na parang sila lang ang masaya. Sila Ben parang may sariling mundo dahil panay ang tawanan nila kahit di ko naman na naiintindihan dahil wala ako sa huwisyo! Si Adam, Sheen at maging si Pres ay nagkukwentuhan na habang naglalakad kami papasok ng entrance. Ako ang nahuhuli, mag-isa, at nagmumukmok.
Nang lumapit kami sa stall kung saan aarkela kami ng bike ay tumabi sa'kin si Adam na may dalawang hila-hila. Idinikit niya sa'kin yung isa sabay tango. "Dito ka na."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre ko. Ayaw mo pa?" Natatawang sabi niya.
Umirap ako at kinuwa nalang yun, aarte pa ba 'ko eh libre na ang lumalapit?
Napalingon kami sa gawi nila Sheen na siyang nakakrus ang mga braso at salubong ang kilay habang nakikipagtalo pa ata kay Ben.
"No way! Di ako sasakay diyan!" Singhal niya. Tinignan ko si Pres na may nagtatakang tingin.
Nagkibit siya ng balikat. "Wala nang single bike para sa kaniya eh. Meron nalang yung isa na dalawahan ang sakay. Isang magpipidal at isang nasa side na nakaupo. Ayun. Nagpresinta si Ben na siya nalang ang tagapidal pero ayaw ni Sheen."
Gusto ko tuloy matawa sa itsura ni Sheen, buti nga sayo. Hahaha! Pano, matagal na niyang nirereklamo sa'kin 'yang sila Ben. Kesyo di daw ako dapat sumasama sa mga katulad nila, and so on. Ngayon malalaman niya kung anong feeling pag kasama sila.
"Ben, ayaw yata eh. Ako nalang magpipidal para kay Sheen." Kumindat pa si Jasper, agad siyang binatukan ni Evan. "Loko. Tara na nga, alam mong kay Ben na yan aagawin mo pa." Nanguna nang nagbike yung dalawa at sumunod sa kanila si Pres.
"Ganto nalang chuchiboo, ikaw magpipidal, ako ang sasakay." Pang-aasar niya pa.
Namula si Sheen sa sobrang inis kaya talagang di ko na napigilan ang matawa. Sinamaan niya ko ng tingin sabay padabog na sumakay nalang sa sidecar nun.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...