Natatakot ako.. kasi unti-unti, nararamdaman kong may kung anong dinudulot sa puso ko si Adam.
'Hindi pwede 'to.'
Madaling araw na at gising pa rin ako kakaisip ng mga nangyari kanina. Heto nga at inaapoy ako ng lagnat, pano pa kaya siya?
'Hays! Annie, kakasabi mo lang na hindi pwede tapos siya nanaman ang nasa isip mong malantod ka!'
Mababaliw na ata ako. Bakit ba kasi sumunod pa ako sa kaniya?
"Ano man 'yang nasa isip mo. At ewan ko ba bakit trip mong gawin 'to, sasamahan nalang kita hanggang sa maging okay ka."
"Arrrggg! Bakit nga ba sinabi ko yun?! Nakakahiya!"
"Aching!" bigla akong nabahing. Mariin akong pumikit at nagsumiksik sa gilid ng kama ko. Binalot ko lalo ang kumot sa katawan ko at pinilit nang matulog. Sumasakit na rin ang ulo ko pati pa ata puso ko may diperensya na.
*****
Nasa isang kalsada ako na wala namang mga bahay. Walang nakapalibot kundi pader sa magkabilang gilid. Ang dilim ng langit at kala mo'y uulan. Sa di kalayuan ay may natanaw akong tao. Naglakad ako nang naglakad papalapit pero sa bawat paghakbang ko ay parang lalo pa siyang lumalayo, gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin.
"Adam."
Nilingon niya 'ko at pinasilay ang matipid niyang ngiti. Nagsasalita siya pero wala akong marinig sa sinasabi niya. Pakiramdam ko ay lumuluha na 'ko pero wala akong maramdaman na patak nito sa pisngi ko.
May gusto akong sabihin na hindi ko masabi. Pilit ko siyang inaabot. Pero nawawala na siya at nanlalabo na ang paningin ko. Sumisigaw na ko at tinatawag ang pangalan niya kahit sobrang hina lang nun sa pandinig ko. "Please. Wag kang umalis."
Napabalikwas ako ng bangon habang mabilis ang paghinga. Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Nilingon ko yung cellphone na panay ang ring, nanginginig na kinuha ko yun at agad sinagot kahit di ko pa nakikita ang caller.
"Good Morning, Annieleth." Sabi ng nasa kabilang linya.
"Aaahh!!!" Nabitawan ko yung cellphone sa sobrang gulat!
Nananaginip pa rin ba 'ko? Malakas kong sinampal ang muka ko. Masakit!
Para akong tangang nagising sa kagagahan ko! Kinuha ko ulit yung cellphone at inis na in-end yung call. Pero sa kakulitan niya, tumawag nanaman!
"Hello? May problema ba?" Tanong niya.
"Ikaw, anong problema moooo?!!! Agang aga Adam! Pati sa pagtulog ko nakakaabala ka na!"
"Ha?"
Napatakip ako ng bibig. Bakit ko sinabi? Bakit?!
"San mo nakuha number ko?!" Palusot ko nalang.
"Kay Sheen." Sabay ubo niya. Sabi na, may sakit din 'to.
"At bakit ka tumawag? Tibay mo may load ka?" Ay oo nga pala. Muntik ko na makalimutan na anak pala to ng Rolex.
"Eh. Kakamustahin sana kita. Magssorry na rin ako kasi umpisa na sana ng sembreak tapos nagkasakit ka pa dahil sa'kin."
Napatigil ako at napalunok ng mga three times. "W-wala yun." Nasabi ko nalang.
"Pagaling ka ha?" Dugtong niya pa.
Napahawak ako sa pisngi ko, nag-iinit ba 'ko dahil sa lagnat, sampal, o dahil sa lumalakas nanamang tibok ng puso ko?
"G-ge. Ikaw din."
"Pag gumaling na tayo, punta tayo sa Farms."
"Anong Farms?"
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...