Chapter 5

4 1 0
                                    


Isang linggo ang lumipas at ngayon ay exam week na. Busy ang lahat kakareview, siyempre, maliban sa 'kin. Naaalibadbaran ako tuwing makikita ko yung mga grade-conscious na students ng DHS. Yung buong tropa ay puros di mo macontact, di rin online at mukang walang balak kitain ako. Imposible namang nag-aaral sila dahil magkakadikit lang utak namin at pare-parehas walang dulot.

Kaya heto, san ba ko pupunta kundi sa school lang? Ayaw ko naman sa bahay dahil mas malakas topak ng mga tao dun.

Kahit ayaw ko, pumasok pa rin ako ng room. Nadatnan ko pang naka-one seat apart na ang mga armchairs. Anak ng, bayaan na nga! Bakit pa ko kakabahan kung di ko naman balak pumasa? Ni hindi ko binasa ang kahit isang salita sa binigay na reviewer sa 'kin ni Sheen dahil sumasakit lang ang ulo ko sa sulat niya.

At ito na nga, kapag exam kasi wala nang seating arrangement. Kung san ka paupuin ng adviser nyo dun ka na. Madalas, yung mga pasaway at mukang mga mandurugas ay pinapaupo sa harapan, tapos yung mga matatalino at masunurin ay nasa likod. Para nga naman iwas kopyahan.

At ngayon, sa likod ako sinentensyahan. Sa gitna nila Adam at Sheen. Di naman kasi ako nangongopya dahil wala naman na kong magagawa sa grades ko. Alam yun ng adviser namin kaya mukang pati sya nawalan na ng pag-asa sa'kin.

"Tss. Papasok lang pag-exam." Bulong na sabi ni Sheen na sakto lang para marinig ko. Wala siyang kausap dahil bukod sa'kin ay pader na ang katabi niya.

Hindi ko naman siya pinansin at nangalumbaba nalang. Sinipa ko yung upuan ng nasa harap ko. Kunot-noo siyang lumingon sa'kin. Kilala ko 'to eh, siya yung president ng klase namin. Ubod ng sungit nito, panay sita pa sa mga maiingay kong kaklase pero wala namang imik sa 'kin. Siguro dahil lagi rin akong wala.

"Ms. Pres, wala akong papel tsaka ballpen. Penge."

Sumama ang tingin niya at nginiwian ako. Tinalikuran pa ko. "Mag-eexam ka ng di ready?" Aniya habang pumipilas sa intermediate pad at bumunot ng ballpen sa bag niya. "Sa susunod, bumili ka na agad para di ka na manghihingi." Saka niya marahang inabot sa 'kin.

May topak din to eh, sermon muna bago bigay.

"Tss." Rinig kong galing yun sa isa ko pang katabi kaya agad kong nilingon si Adam. Nakatingin ang mokong sa'kin at nakangisi.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Wag mo kong simulan gunggong!" Gitil na sabi ko. Lalong lumawak ang pagkakangisi niya at umiling-iling pa.

Kala mo cute, hindi naman.

Ok. Slight lang.

Pero di ko pa rin siya type!

Nang bumalik si Ma'am na dala yung mga test papers ay nanahimik agad ang mga kaklase ko. "First test, Math."

Kumurap ako nang ilang beses pero mukang tama ang pagkakarinig ko. Pinagpawisan ang kamay ko. Sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumigil ang oras at maging estatwa nalang si Ma'am. Binibilang niya na ang mga students bawat row saka ipapasa yung test papers. Palapit siya nang palapit at pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Kung alam ko lang na math ang unang ieexam, sana nagpalate nalang ako.

Huli na nang maisip kong umacting nalang na nahihilo dahil nabigay na sa'kin yung papel. Kinuwa ko yun gamit ang nanginginig kong kamay.

Bungad agad sa'kin yung malaking plus sign na puro numbers. Sumunod na pages ay puros may isosolve na problema.

Nakikita ko palang ang mga 'to ay parang mahihimatay na ko, di ko na kailangan umarte.

Nagsimula nang magsusulat ang mga kaklase ko, puros mga nakayuko at seryosong seryoso kala mo naman may tamang naisasagot.

Nilingon ko si Sheen na pilit tinatago sa'kin yung papel niya. Talagang pinantakip niya pa yung mahaba niyang buhok.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon