Annie's POV
Tinatawag ako ng mga tao. Nakita kong umiyak sa harap ko si Sheen. Maging si Adam ay kinakausap ako pero ni isang salita nila ay wala akong naintidihan. Para bang ang layo ng distansya ko sa kanila. Ni hindi ko nagawang bumigkas manlang.
Wala akong nararamdaman. Para akong namanhid, dahil ba to sa mga gamot na pinapainom sa'kin? Di ako makaramdam ng galit at sakit, para bang wala akong kontrol sa sarili kong katawan at emosyon.
Para sa'kin, ang ideya ng oras at araw at gabi ay nawala sa isang iglap. Ngunit habang naglalakad ako dito sa pasilyo, na may gumagabay sa akin sa aking mga braso, gumagaan ang pakiramdam ko.
"It's peaceful here." Ang unang mga salita na nasabi ko mula nang maipadala ako rito. Dito sa isang klinika para sa mga taong may karamdaman sa pag-iisip.
Minsan ay sinabi sa'kin ng nars na ito na isang taon na kong nagtatagal dito. Kaya siguro pakiramdam ko ay napakakomportable dito na tila ba nasa isang bahay lang ako. Nag-iisa lang ako sa kuwarto ko, mula dito ay tanaw na tanaw ko ang garden kung saan madalas akong tumitigil tuwing umaga at hapon. Doon ko nakikilala ang ilang mga pasyente dito. Bagama't hindi naman talaga kami nag-uusap. O mas magandang sabihin, hindi ako nakikipag-usap.
Nung tumagal-tagal ako dito ay noon lang sinabi sa'kin ni dad na nasa Canada kami pero dahil wala naman akong pakielam noon, siyempre ay di ko lang siya pinansin.
"Gusto kong mag-aral ng literature, Dad." Sabi ko sa kaniya ngayong dumalaw siya.
Ngumiti siya nang sinsero. "Of course. You really should. You have the talent in writing."
Ang pagsusulat ang pinagkaabalahan ko dito. Naging parte siya ng recovery ko dahil ito talaga ang kumuha ng atensyon ko. Nakailang tula, sanaysay at maikling istorya din ang naisulat ko habang nandito ako at nagpapagaling. At sa ilang linggo at buwan na dumating, yung hobby na yun ay parang naging passion na sa'kin.
"Have you read Sheen's mails?" Tanong ni dad.
Umiling ako. "I'm not yet ready."
Soon after, hinayaan na rin ako ng doctor na umalis ng clinic only with a condition na I'll strictly follow my schedule for taking my meds.
Unti-unti ay hinanda ko ang sarili ko sa pag-aaral, ilang taon ang lumipas ay napawi din ang lahat ng pagod ko nung grumaduate ako na may bachelor's degree sa literature. Ginawa ko ang lahat ng to dito sa Canada. Ngayon, sinusulat ko na ang pangatlo kong libro. Nasa kalagitnaan ako ng writer's block kaya nagdesisyon ako na magpahinga saglit. Nagpunta ako sa cafe, pero dahil ipinagbawal sa'kin ang sobrang kape ay vanilla shake lang ang na-order ko. Naupo ako sa isang tabi at chineck ang cellphone ko. Then, out of curiosity, I ended up typing my old email. I clicked on my inboxes and was overwhelmed by all the messages.
Everything was almost from Sheen a few years back. Then the most recent one was from her now husband, as it says..
"Hi, Annie! Remember meh? It's Ben! Haha! The husband of Sheen yah know? Nga pala, birthday niya na next month. Gusto ko sana siya isurprise sa tulong mo. Hanggang ngayon miss ka pa rin nya. So, kung pwede ka, please inform me. Naks! Umienglish na rin no? Nahawa ako nung kaibigan mo eh. REPLY BACK!"
I immediately smiled. Guess it's time to take a visit.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Novela JuvenilWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...