Umuwi ako ng may mabigat na pakiramdam. Di ko akalaing pinagdaanan niya yung mga pagsubok na yun.
Patuloy lang na nagkuwento si Adam kanina. Halos lahat sinabi niya sa'kin ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung maiiyak ba ko o matutuwa dahil pinagkatiwala niya sa'kin yung storya ng buhay niya.
Binuksan ko ang bintana at humaplos agad sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Huminga ako nang malalim habang nakatingala sa langit. Wala pa ring mga bituin. Tanging buwan lang ang nakikita ko na napapaligiran ng makakapal na ulap.
Naaalala ko pa ang lahat ng sinabi niya. "Grade 6, araw mismo ng graduation ko. Masaya pa kami ni Mom na nagcelebrate, wala si Dad since busy siya sa trabaho. Later that night, Mom's mood changed. Pagkauwi namin, she was all silent. I thought may kung anong problem lang so I ignored it.
Past 10, I craved for sweets so I went to Mom's room. She wasn't there. Then to the kitchen, wala rin." Akala ko ay nagbuntong hininga lang siya pero mukang nahihirapan na siyang huminga.
"You can stop there. Kung di mo kaya wag mo na ituloy." Nag-aalalang sabi ko.
"No. I think I really need to let this out, kung hindi, kung hindi sasabog ako. I've never told this to anyone, not even to Jen. I badly need to say it, Annie."
Tumango nalang ako at muling nakinig. "Then there's only one room left, to Dad's office. So I went inside, slowly opening the door, I peeked then found her.
She slid the blade, so deeply on her wrist. Repeatedly, with her blank eyes. I believe she didn't notice me. Because if she did, she would've stopped. I know that for sure.
Hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong pinanood ko lang siyang gawin yun. Kung sana humingi agad ako ng tulong. Edi sana..." namuo ang luha sa mata niya, "edi sana buhay pa siya. Sana, kasama ko pa rin siya."
I had the urge to hug him but I wanted to give him his personal space.
Naiisip ko palang na mangyayari yun sa'kin ay di ko na alam ang gagawin, ano pa kaya para sa kaniya na nasaksihan yun? Posibleng ang nangyaring yun ang isa sa mga dahilan kung bakit niya nasasaktan ang sarili. Pero di ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit niya ginagaya ang nakita niya.
Kinabukasan, pagpasok ko ng room ay abala pa rin lahat ng kaklase ko sa pagdecorate. Winter Christmas ang napili nilang theme, para daw kahit mainit ay muka pa ring malamig.
Lahat ng upuan ay nakahilera sa gilid. Nilapag ko yung bag ko at hinintay kung may mga asungot bang tatawag sa'kin ng malakas. Iba rin pala kapag nakasanayan mong may mga luko lukong nangungulit sayo, kapag nawala, hinahanap-hanap mo.
Wala yung madalas na bungad sa'kin nila Adam, pano, abala pa rin sila sa pag-aayos nung pader. Naupo ako at pinanood silang lahat. Si Pres, na namamaos na kakasaway ay pinapaypayan nila Ben, Jasper at Evan. Itong tatlong to, sigurado akong may kapalit yang ginagawa nila. Sila kasi yung tipong kapag gumawa ng kabutihan, maghihinala ka kung anong binabalak nilang kalokohan.
"Oh? Nandito ka na pala?" Taas ang parehong kilay na sabi ni Sheen.
Tinignan ko yung hawak niyang papel. "Mm. Para san yan?"
"Ah ito? Contest sa December. Sasali tayo."
"Mandatory?"
"Hindi. Pero sasali tayo... tayong lahat." Pinagkadiininan niya ang huling salita.
"Di naman ata required yan ba't sasali pa 'ko?" Kunot noong wika ko.
"Dahil sinabi ko." Mabagal na tugon niya.
"Ayoko."
Umirap siya at naupo sa tabi ko, huminga pa siya nang malalim. Pakiramdam ko ay mahaba haba ang sasabihin nito dahil ganyan siya kapag may pagbuwelo.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...