Chapter 7

2 1 0
                                    

"Annie? Sige na naman oh?" Pangungulit ni Adam.

"Ano ba?! Hahambalusin na kita eh! Ang kulit mo! Sabi ko naman sa 'yo, hindi ako aattend sa lintek na seminar na 'yan!"

Naiinis ako! Talagang kumukulo ang dugo ko tuwing pipilitin ni Adam na samahan ko siya sa seminar. Imbes na walang klase, imbes na tatambay nalang ako kasama sila Pearl at Ben ay pinagpipilitan ni Adam ang gusto niya!

"Sinabi ngang ayaw ko! Hindi! No! Alam mo ba kung gano kaboring ang seminar, ha?! At alam mo rin ba kung gaano kainit sa covered court lalo na't pinagsama-sama ang grade 9 at 10? Para kang nasa oven! Kaya di mo ko mapipilit!"

Di ko ba naman alam sa talas ng mata niya ay nakita pa kong naglalakad sa tapat ng likod na gate. Wala naman akong balak pumasok pero hinarangan ng loko ang dadaanan ko. Kung hindi lang sobrang aga ay talagang masasampal ko siya sa gulat! Umalis ako ng maaga sa bahay dahil ayaw kong makita sila mommy, pero ito naman may peste pang bumungad!

"Diba nga madaming takot sayo dito. Tulungan mo nalang ako, magtatanong-tanong kasi ako habang di pa nagsisimula yung seminar. Sayang naman kung palalagpasin ko. Ang dami kayang tao dun."

Pilit ko siyang nginitian at talagang sinadya kong mahalata niyang peke 'yon. "Ano naman sa 'kin ngayon? Nakakaabala ka!"

"May benefits naman yung pagpunta mo para sa 'yo." Sabi niya habang may malawak na ngiti. Ngiting asong gala.

"Oh eh ano?"

"Bagay sayo yung title ng seminar eh."

"Aba, eh ano nga?!"

"The dangers of substance and drug abuse."

Napaismid ako. "Wow, ga*o ka talaga eh no?"

Pero di siya tinablahan ng mura ko. Pumunta siya sa likod ko at tinulak-tulak ako papasok ng gate. Ako naman 'tong si utouto ay pumayag nalang.

"Kailangan mo 'kong ilibre at bayaran sa pagtulong 'ko sayo!" Salubong ang kilay na sabi ko. Parami na nang parami ang mga students na dumadating. Bawat isa sa kanila ay talagang lalapitan ni Adam para tanungin. Pag may di pumapansin sa kaniya ay ako ang humaharap. Siyempre takot lang nila kaya napipilitan nalang silang sumagot.

At lahat sila ay walang kilalang Laurence Dominguez na tinutukoy ni Adam. Meron mang isa o dalawa na kapangalan ay sinesearch agad nila sa social media. Ipapakita nila kay Adam tapos dismayadong umiiling nalang siya.

"Wala ka bang picture niya? Magpaskil ka nalang ng Wanted: Missing. Mas madali yun!"

"Di naman siya nawawala eh. Hinahanap ko lang siya para kausapin."

"Eh kaya nga! Pakita mo nalang litrato niya sa mga pagtatanungan mo."

Napapakamot siya ng batok niya. "Nawala ko yung picture niya eh. Wala ring nakasave sa phone ko."

"Dito ba talaga nag-aaral 'yan? Ano ba section niya?"

"Basta grade 10 na ata siya. Nagtanong ako sa mga teachers pero di naman daw siya kasi pumapasok."

"Eh bahay? Alam mo kung saan?"

"Hindi eh. Ang sabi sa'kin kung kani-kaninong bahay lang ng kaibigan siya nakikitira."

Kunsumidong napatango nalang ako. Pero sa totoo lang ay di naman pala nakakabagot ang gawin 'to. Para lang akong detective na naghahanap ng suspect. Kaso ito namang si Adam, heto at di napapagod kakatanong. Di na ko nag-usisa pa kung bakit niya hinahanap yung kapatid niya.

Kita mo nga naman ang pagkakataon at ako pa talaga ang napili niyang idamay sa problema niya. Bwisit na 'to.

"Students, please take your seats."

Inirapan ko si Adam, wala na, di na ko makakatakas dito dahil sinara na nila yung pinto sa covered court kaya di na ko makakalabas. Nakihanay nalang kami sa section namin.

Nang naupo na yung iba ay nakaestatwa lang si Adam at parang tangang nakatitig sa sahig. "Hoy? Anong ginagawa mo? Nagbibilang ng langgam?"

"Bakit sa sahig tayo uupo?" Inosenteng tanong niya.

"Malamang! Anong inexpect mo may ginto kang silya dito?" Nauna na kong naupo sa sahig, nang di pa rin siya gumalaw ay hinila ko na siya. "Maupo ka nga! Ako nahihiya sayo eh!"

*****

Hanggang sa natapos ang seminar nang wala akong natutuhan. Bukod sa panay ang cellphone ko ay parang may kiti-kiti sa puwet yung nasa harap ko. Hayp na Adam yun, lingon nang lingon sa'kin! Panay ang ngiti, bawat ibibirang topic nung speaker kanina ay aasarin ako! Kesyo ako daw yung tinutukoy, kesyo magbago na raw kasi ako. Kaya nga nung pinayagan na kaming umalis ay ako talaga ang nangunang lumabas!

Hindi ko alam kung sinubukan niya kong sundan pero wala na kong pake! Letse sya! Ang init init na nga panay pa ang pacute nya!

Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kelangan niyang ngumiti?! Bakit kelangan niyang umasta ng ganon?! Di naman kami close! Ni hindi nga kami friends sa facebooook!

Bwisit ka Adam! Kainin ka sana ng lupa at wag ka na magpakita sa'kin!

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon