At dahil walang pasok ay ako na ang nag-aya pumunta sa B&P. Ang sadya namin ay yung kuya ni Adam na si Renz at kukumbinsihin siyang puntahan na yung tatay nila. Kasama namin si Pres dahil bored na daw siya sa bahay nila.
Pero pagkarating namin dito ay naabutan namin na naglalarong mag-isa si Renz. Walang ibang players sa computer shop at wala ring customers sa may inuman.
"Kuya." Tawag ni Adam sa kaniya pero di niya to narinig. Nakatodo ang volume nito panigurado kaya sinenyasan ko si Adam na lumapit pa lalo. Lumingon naman to agad. Padabog niyang binaba yung headphone at tumayo.
"Ano nanamang kailangan niyo? Sabi ko wag na kayong babalik dito ah?" Maangas na sabi niya.
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Makakausap ka ba ng matino kapag may sanib na ng alak 'yang kokote mo?"
Napangisi siya. "Bakit? Sa tingin mo umiinom tong lampang to?" Tinuro niya si Adam. "Lalo na tong nerd mong kasama?" Turo niya kay Pres. Nginisian ko lang siya.
Umorder kaagad kami ng isang bote ng Alfonso. Pero sabi ni Mother Tin, yung may-ari ng B&P, meron daw silang special drinks ngayon. "All the way from the City of Batangas, fresh and natural, Lambanog! Isang lagok, tulog. Char."
Siyempre, di ako pumayag dahil baka di na ko makauwi niyan at baka sa ospital ang abot ko. Di pa ko sanay sa ganiyan katapang.
Pinagplanuhan na rin namin to nila Adam. Sabi ko kasi, kailangan pang suhulan 'yang si Renz bago makausap nang ayos. Kaya ginawa kong tanggera si Pres sa kondisyong hindi siya iinom. "Baka naman dayain nyo ko?" Sabi ni Renz.
"Di ako marunong mandaya." Sagot ni Pres habang inaayos ang salamin niya.
"Ha! Kahit naman dayain mo ko, di ako malalasing."
Nakapaikot kami sa lamesa, nagsimula na ring magtagay si Pres na agad inabot kay Renz. Mayabang siyang ngumisi at isang lagukan yun ininom.
Sumunod ay si Adam. Nagtaka pa ko dahil parang sanay na siyang uminom. Inabot ko yung tubig pangchaser sa kaniya pero kahit wag na daw muna.
Pagkatapos ko naman ay saka ako nagsalita. "Boring kapag walang laro."
"Gusto niyo yung sagot o lagok. Kapag nasagot mo yung tanong, hindi ka iinom pero kapag ayaw mo sagutin, iinom ka." Sabi ni Pres. Ako ang nagsabi sa kaniya nito kanina.
"Game ako." Sabi ni Adam.
"Ako din." Sabi ko habang nakangising tinitignan si Renz. "Oh bakit? Ayaw mo? Takot?"
Napansin ko ang pagkuyom ng palad niya. "Sige."
Tumango ako. "Unang tanong, bakit ka galit kay Adam?"
"Ang corny ng tanong amp."
"Sagot o lagok?" Nakangising sabi ko. Agad syang uminom.
Isang bagay na napansin ko sa mga lalaki ay mas gugustuhin pa nilang mahirapan kesa sabihin ang totoong nararamdaman nila. Gusto ko sanang mag-usap sila nang maayos ni Adam para kahit papano ay mabawasan yung di nila pagkakaintindihan.
Pero walang sinagot ni isa si Renz. Ang ending ay halos siya na ang umubos ng isang bote ng Alfonso. Si Adam naman, nakalimang tagay lang ata pero parang kapantay lang niya ng kalangisan tong kapatid niya. At ngayong palabas kami ng B&P ay parehas silang pasuray-suray na naglakad.
Para mahulasan silang dalawa ay pumunta kami sa lugawan. Agad ko silang pinainom ng tubig at pinahigop ng mainit na sabaw. Nakakrus ang mga braso namin pareho ni Pres habang pinapanood lang sila.
"E-ehem." Pakunwareng ubo ni Adam. Namumula siya ng sobra. Gulo-gulo yung buhok niya at kita na ang butil ng pawis sa gilid ng muka niya.
"Akala ko ba di ka nalalasing?" Sabi ni Pres kay Renz. Napatungo naman ang ungas.
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Fiksi RemajaWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...