Annie's POV
Sabihin niyo nga sa 'kin kung bakit ako pumayag na tulungan si Adam? Dahil ngayon, sising sisi na ko!
"Annnniiiieeee!!!" Ngiting ngiti na sigaw niya. Nagtatakbo agad siya papunta sa gawi ko nang maabutan niya kong naglalakad malapit sa gate. Partida, wala pa ko sa DHS naamoy niya na agad na paparating ako!
"Ano?! Ano?!" Humakbang ako palayo sa kaniya. Masyado siyang malapit!
"Papasok ka na? Sabay tayo!" Malawak ang ngiting aniya. At litaw na litaw nanaman yung malalim niyang dimple. Napansin ko pa ang jacket niya na bago nanaman, gray pa rin ang kulay pero iba ang design at brand, mas mahal.
"Annie!" Napapitlag ako ng malakas niya niya ulit akong tinawag. Di ko na pala namalayan na nakatitig na ko sa muka niya! Nakakahiya!
Agad akong nag-iwas ng tingin. "Oh? Oo."
Teka, ano nga ba ulit tanong niya? Bakit ako um-oo nanaman?!
"Talaga? Tara na!"
Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya yung laylayan ng bag ko. Ang bilis pa ng lakad niya na kala mo makakawala ako.
"H-hoy! Teka!" Pero di ako pinansin ng loko. Ang higpit pati ng pagkakakapit niya kaya di ko yun mahila. Kaya ang eksena ay wala nanaman akong laban. Peste!
Halos matapilok na ko kakahila niya hanggang sa makarating nalang kami ng room ng ganoon. Dahil sobrang aga pa ay wala pa yung iba naming classmates bukod sa President namin na isa pang early bird.
Naabutan namin siyang nakaupo sa tabi ng bintana at parang nagsesenti mode pa dahil nakatanaw lang siya sa labas kahit na ba pader lang naman ng katabing building ang makikita dun.
Nilingon niya kami habang nakapangalumbaba. Tumaas ang kilay niya nang dumako ang tingin niya sa kamay ni Adam na hawak pa rin yung bag ko. Kaya marahas ko nang tinapik yung kamay niya. "Aray!" At sa lakas nun talagang namula pa. Buti nga!
"Himala. Pumasok ka Annieleth."
"Annieleth?" Takang tanong ni Adam. Napatungo naman ako.
"Mm." Tumango si Pres. "Si Annie."
"Pfft!" Napatakip ng bibig niya si Adam at nagpigil ng tawa. "Annieleth? Haha.." sumunod ang di na mapigil niyang tawa! "Hahahahaha! Annieleth pala buo mong pangalan? Hahaha! Ang.. sorry ha.. pero HAHAHAHA! Di bagay.. di bagay sayo!"
Naikuyom ko ang kamay sa inis! Pinanlisikan ko ng mata si Pres. pero inosente niya lang akong tinignan! "Bakit?" Sabi niya pa.
Itong si Adam naman tawa pa rin nang tawa. At ang lakas nun kaya sakop na sakop ang buong room kaya ang aga-aga nabubwisit na 'ko!
Sa inis ay inapakan ko ang paa niya pero masyado atang mahina yun dahil di manlang siya tumigil. Lumala pa nga lalo dahil may arteng pahawak pa siya sa tsan niya at naghahabol na nang hininga.
"Ano bang nakakatawa?! Ha?! Ikaw nga uminit, lumamig, nakajacket! Ni minsan hindi kita tinawanan!"
Pero di niya ko pinansin. Salubong ang kilay nalang na pinanood ko siyang di magkandaugaga sa pagtawa. Hanggang sa unti-unti na siyang tumigil.
"Haha! Hayyy." Huminga siya nang malalim. "Akin na 'yang bag mo, Annieleth." Sabay tawa nanaman. Ngayon naman hinablot niya na talaga sa'kin yung backpack ko. Nilagay niya yun sa upuan ko katabi nung kaniya.
Sinulyapan ko si Pres na di na nakatingin sa min at nakatungo nalang sa armchair. Naningkit ang mata ko kay Adam. Lumapit ako sa kaniya. "Anong trip mo?"
BINABASA MO ANG
The Scars in Our Hearts
Teen FictionWhen Adam was searching for his brother, Annie came into the picture to help him. Little did he know about the struggle that she was also going through with her family. As time goes by, they become each other's strength as they try to pull each othe...
